Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Nais Na Ang Iba Ay Magharing Kasama Ni Cristo

Nais Na Ang Iba Ay Magharing Kasama Ni Cristo

December 16, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Sa Lukas 9:49-50, may masusumpungan tayong kakatuwang kwento. Nakita ni Juan ang isang lalaking nagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ni Jesus at sinabihan siyang tumigil. Sinabi niya sa Panginoong ginawa niya ito dahil ang lalaki ay “hindi sumasama sa atin.” Ang salitang sumasama ay isang salitang pang-alagad. Ang lalaki ay hindi bahagi ng panloob na sirkulo ng mga alagad.

Ang pag-uusap na ito ay sumusunod sa pagtatalo ng mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila (Lukas 9:46). Sinabi ng Panginoon sa mga alagad na kung nais nilang maging dakila, kailangan nilang tanggapin, sa pangalan ni Cristo, ang lahat ng insignipikante, gaya ng munting batang ginamit Niyang halimbawa.

Nais ni Lukas na pagdugtungin natin ang dalawang kwentong ito. Matapos sabihan ni Jesus ang mga alagad na ang mga tumatanggap ng mga insignipikanteng tao sa Kaniyang pangalan ay magiging dakila sa Kaniyang kaharian, ang v49 ay nagsimula, “At sumagot si Juan.” Sinasagot ni Juan ang tinuro pa lamang ni Jesus.

Ang lalaking nagpapalayas ng mga demonyo ay isa sa mga insignipikanteng tao. Ni hindi natin alam ang kaniyang pangalan. Ngunit siya ay naglilingkod “sa pangalan ni Cristo” (v49). Ang mga alagad ay sinabihang tanggapin ang mga taong kagaya niya “sa pangalan ni Cristo” (v48).

Si Juan at ang ibang mga apostol ay nagtatalo kung sino sa kanila ang pinakadakila sa kaharian. Ang lalaking ito ay ang uri ng mananampalatayang kailangan nilang tanggapin kung nais nilang maging dakila. Sa halip, pinagbabawalan nila siyang gawin ang kaniyang ginagawa. Ang pagbabawal sa kaniyang maglingkod sa Panginoon ay kabaligtaran ng pagtanggap sa kaniya sa pangalan ni Cristo.

Ngunit tinatanggap ni Cristo ang mga mananampalatayang gumagawa ng Kaniyang gawa, gaano man sila ka-insignipikanteng tingnan. Nang ginamit ni Jesus ang bata bilang ilustrasyon, kinuha Niya siya at “inilagay sa Kaniyang siping” (v47). Ang bata ay malapit sa Panginoon. Nang banggitin ni Jesus ang lalaki, sinabi Niyang siya “ay nasa ating panig” (v50). Ito ay isang paraan ng pagsasabing siya ay nasa siping ng Panginoon, ginagawa ang Kaniyang gawa.

Isa sa mga pangunahing aral ng insidenteng ito patungkol sa hindi kilalang lalaki ay tayo, bilang mga mananampalataya, ay maaaring mapokus nang husto sa ating mga sarili. Ang mga alagad ay nag-aalala kung sino sa kanila ang pinakadakila. Kung naunawaan ni Juan ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa paglilingkod sa mga insignipikante, itinaas niya ang isyu ng hindi kilalang lalaki upang maghanap ng paglilinaw. Siguro naman hindi sinasabi ng Panginoong si Juan at mga kasama ay kailangang paglingkuran ang hindi kilalang lalaking ito na hindi bahagi ng kanilang grupo.

Ang lalaking ito ay sumusunod sa Panginoon. Isa siyang alagad. Siya ay nasa siping ng Panginoon. Sa halip na hadlangan siya, kailangan nilang palakasin ang kaniyang loob.

At ito ang aral na madalas nating makaligtaan: Nais nilang maging dakila sa kaharian. Dapat naisin nilang maging dakila rin ang lalaking ito.

Bilang mga mananampalatayang nauunawaan ang kahalagahan ng mga gantimpala, maaari nating makaligtaan ang kritikal na puntong ito. Ang pagnanais na maging dakila sa kaharian ni Cristo ay isang maka-Diyos na hangarin. Ngunit ang ating panalangin ay sana ang mga mananampalataya sa ating paligid ay magharing kasama rin ni Cristo.

Gaya ng mga alagad, maaari tayong magpokus sa ating pansariling indibidwal na paglago at makaligtaan ang kabutihan ng mga nasa paligid natin. Maaari pa nating masaktan ang paglago ng iba. Sa halip na pagbawalan ang lalaking itong maglingkod sa Panginoon, dapat ay tinanggap nila siya, kung paanong tinanggap ni Cristo ang bata at ang lalaki.

Ipanalangin natin ang mga mananampalataya sa ating mga buhay, na sila ay maging dakila sa kaharian ng Diyos. Pagkatapos, gawin natin ang lahat na ito ay maging realidad. Sa pagdating ng Panginoon, gagantimpalaan Niya ang ganitong saloobin. 

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 17, 2025

Is Persevering in Faith a Choice?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Sam Marr are responding to a question about perseverance. Is perseverance in faith a...
December 16, 2025

Is Annihilationism Incompatible with Believing in Jesus? 

Christian actor Kirk Cameron indicated in a podcast recently that he now thinks that annihilationism, also known as conditional immortality, may be what the Bible...
December 16, 2025

The Fifth and Sixth Trumpet Judgments (Revelation 9:1-21)

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are continuing from the last episode about the trumpet judgments of Revelation...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram