Marami na akong nabisitang gym sa aking buhay, sa mundo man ng militari o sa sibilyan man. Bagama’t hindi ako kabilang sa kanila, sigurado akong kagaya ko, nakakita na kayo ng mga maskuladong lalaki at babaeng madalas sa mga establisimiyentong ito. Batid din nating maraming gumagamit ng mga gym na ito, dahil na rin sa paggamit nila ng mga establisimiyentong ito, ang nasa iba’t ibang antas ng pisikal na kalungtadan. Maramhil bago sila sa proseso. Ang iba ay sineseryoso ang kanilang mga ehersisyo. Masasabi mo kung ang isang tao ay taon o buwanan nang nagsasanay.
Sinasabi ng BT sa atin na ang lahat ng mga tao ay gumagamit ng gym. Ginamit ni Pedro at ng awtor ng Hebreo ang pandiwang sinaling “magsanay,” mula sa salitang pinagkunan natin ng ating salitang “gym.” Marahil pwede natin itong isalin bilang “gamitin ang gym.” Ang mga pasaheng ito ay nagsasabi sa ating may ilang taong gumagamit ng gum na maaari nating tawaging “Plannet Immorality.” Ang iba ay gumagamit ng matatawag nating “Planet Morality.”
Nilarawan ni Pedro ang mga nagsasanay sa Planet Immorality at sila ay bihasa sa mga ito. Tinutukoy niya ang mga huwad na gurong ang mga masel ng deprabidad ay madaling makita. Hayagan nilang dinedispley ang kanilang seksuwal na imoralidad at kasakiman. Sinabi niyang hindi nila mapigilang magkasala at hinihikayat nila ang ibang sumunod sa kanilang halimbawa. Ganito sila dahil ang kanilang mga puso ay “sanay” sa mga ganitong gawain. Tila baga tumutungo sila sa gym upang sanayin ang mga katangiang ito (2 Ped 2:14). Magaling sila sa pagiging masama. Sila ang mga Arnold Schwarzenneger ng imoralidad.
Ang awtor ng Hebreo ay nagbabanggit ng mga taong madalas naman sa ibang gym: Planet Morality. Nagbabanggit siya ng mga mananampalatayang nag-aaral ng Salita ng Diyos at ina-apply ito sa buhay. Ang mga Kasulatan ay tila set ng mga bakal. Habang ang mga mananampalataya ay binubuhat ang mga bakal ng Salita ng Diyos, “ineehersisyo” o “sinasanay” nila (kaparehong salitang ginamit sa 2 Ped 2:14) ang kanilang mga pakiramdam. Sila ay espirituwal na lungtad at bihasa sa pagkilala kung ano ang mabuti at umiiwas sa masama (Heb 5:14). Kung makikita natin ang kanilang mga espirituwal na masel, makikita natin ang mga taong may kakayahang gawin ang mga bagay na nakalulugod sa Panginoon. Sila ang mga Arnold Schwarzenneger ng mga birtud.
Ang aral sa dalawang pasaheng ito ay madaling makita. Madedebelop natin ang ilang katangian sa paggamit ng mga ito, kung paanong ang isang lungtad na tao ay lalong nagiging lungtad sa pagbubuhat ng bakal. Ito ay maaaring negatibo o positibo.
Ngunit hindi tayo dapat mag-akala na tanging mga hindi mananampalataya lamang ang bumibisita sa Planet Immorality. Binabalaan ni Pedro ang kaniyang mga mananampalatayang mambabasa na sila ay maaaring malinlang ng mga hindi mananampalatayang may malalaking “masel ng kasalanan.” Ang mga mananampalatayang ito ay maaaring sumunod sa halimbawa ng mga malalakad at eksperiyensiyado pagdating sa seksuwal na imoralidad at kasakiman. Ang mga mananampalataya ay maaaring magbuhat ng bakal sa Planet Immorality at maging bihasa rito. Bagama’t hindi nila maiwawala ang kanilang buhay na walang hanggan, ang mga mananampalataya ay may kakayahang gawin ang anumang kasalanan at imoralidad na kayang gawin ng hindi mananampalataya.
Ang gym na tinatawag kong Planet Immorality ay laging puno. Lahat ng hindi mananampalataya ay nagsasanay dito. Ang iba ay mas malakas sa kanilang imoralidad kaysa iba. Ang nakalulungkot ay dumarating at nagsasanay din dito ang maraming Cristiano.
Ngunit bilang mga Cristiano, tayo ay miyembro sa ibang gym. May pribilehiyo tayong pumasok doon at maging espirituwal na lungtad. May iba’t ibang antas ng kalungtadan dito. Kapag tiningnan ng mga tao ang ating mga buhay, madali para sa kanilang makitang tayo ay nagsasanay sa bakal ng Salita ng Diyos. Sana ay manalangin tayo na habang tumatagal na tayong mananampalataya, mas lumalaki ang ating mga espirituwal na masel.