Nang ako ay kapelyan sa Hukbo, pumasok ako sa isang napaka-Calvinistang seminary. Lahat ng aking mga propesor ay tinuturong kung ang isang tao ay tunay na Cristiano, hindi siya magpapatuloy sa kasalanan. Ang madalas na halimbawa ng pananaw na ito ay ang “tunay” na Cristiano ay hindi maaaring maging aktibong homosekswal. Kapag nabibigyan ng pagkakataon, itinuturo kung ang isang Cristiano ay magagawa (at kanilang “ginagawa”) ang anumang kasalanan. Ang ating makasalanang gawain ay hindi nagdedetermina ng ating walang hanggang buhay. Ang ating mga kasalanan ay may epekto sa ating pakikisama sa Panginoon. Siyempre, halos ituring akong erehe sa pagsasabi ng mga bagay na ito.
Sa isang kamakailang na pakikipag-usap kay bob Wilkin, napagtanto kong kulang pa pala ang aking pagiging erehe. Dapat ay naging mas mariin pa ako.
Pinag-uusapan naming ni Bob ang 1 Juan 1:9. Sinabihan ni Juan ang mga mananampalataya na kaniyang sinulatang kung sila ay lumalakad sa liwanag, sila ay may pakikisama sa Panginoon. Ang paglakad sa liwang ay may kaakibat na pagiging bukas sa sinasabi ng Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang magbibigay-liwanag sa ating mga kasalanan upang makilala natin ang mga ito. Kapag nangyari ito, kailangan nating ikumpisal ang mga kasalanang ito. Kapag ginawa natin ito, pinapatawad tayo ni Cristo ng ating mga kasalanan, kabilang na ang mga hindi natin batid.
Ang bagong mananampalataya ay malamang hindi batid ang karamihan sa kaniyang mga kasalanan. Siya, sa depinisyon ay isang karnal na mananampalataya (1 Cor 3:1). Maaaring kabilang dito ang mga kasalanang sekswal. Maraming kabataan ngayon ang hindi batid na ang pagkakaroon ng ugnayang sekswal sa pagitan ng isang lalaki at babae sa labas ng kasal ay isang kasalanan. Pinagbubunyi ng ating kasalukuyang kultura ang mga gawaing ito. Kapag ang tao ay nakarating sa pananampalataya, hindi agad nila nababatid na ang mga bagay na ito ay makasalanan.
Paano sa ibang bansa? Ano ang iniisip ng mga tao sa iba’t ibang bansang Aprikano at Asyano tungkol sa mga gawaing ito? Gaano karaming tao ang nakarating sa pananampalataya kay Cristo ang nangangailangang matutunan ang moralidad ng Biblia?
Sa aming pag-uusap, ibinigay ni Bob ang isang halimbawa ng magkapartner na dumadalo sa isang simbahang pinagpapastoran ng isang kaibigan ni Bob. Ang magpartner na ito ay dumating sa simbahan bilang mga hindi mananampalataya. Hind sila kasal ngunit nanunuluyang magkasama. Narinig nila ang evangelio ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at nanampalataya. Eksayted sila sa kanilang bagong buhay kay Cristo at tapat na mga miyembro ng simbahan.
Kakaiba ito sa pandinig ng ilan sa atin, ngunit sila ay mananampalataya na ng halos isang taon bago nila nakita sa Kasulatan na ang panunuluyan na labas sa kasal ay kasalanan sa Kasulatan. Nang ang liwang ng Salita ng Diyos ay inihayag ito sa kanila, kinumpisal nila ang kanilang kasalanan at lumapit sa pastor upang tanungin kung ano ang dapat nilang gawin. Sinabihan niya silang kailangan nilang magpakasal o itigil nila ang kanilang sekswal na ugnayan. Malugod silang pumayag na magpakasal upang luwalhatiin ang Panginoon.
Dahil sila ay nanampalataya sa Panginoong Jesus para sa buhay na walang hanggan, sila ay ipinanganak nang muli sa loob ng siyam na buwang iyon. Ngunit sila rin ay may pakikisama sa Panginoon sa kabila ng paninirahan sa kasalanan. Hindi nila batid ang kanilang kasalanan. Hind nila ito makukumpisal hangga’t hindi nila nabatid ito. Ang pahayag na ito ay magpapasabog sa isipan ng aking mga propesor na Calvinista at sa aking mga kaklase sa seminary!
Ang talakayang gay anito ay nagpapakita kung gaano kabankarote ang doktrina ng pagtitiis ng mga banal. Ang pananaw na ang lahat ng “tunay” na Cristiano ay patuloy na gagawa ng mabubuting gawa ang hindi makagagawa ng “malaking” mga kasalanan ay huwad. Kayang gawin ng mga Cristiano ang kahit anong kasalanan. Ang mga mananampalataya, lalo ang mga baguhan ay madalas na walang kabatiran ng kanilang mga kasalanan sa kanilang mga buhay. Ang iba’t ibang impluwensiyang kultural ay nagdadala ng iba’t ibang pananaw sa mga bagay na ito. Ang kalantaran sa Salita ng Diyos ay iba-iba rin sa mga mananampalataya. Kahit sa Amerika, maaaring abutin ng halos isang taon sa pananampalataya bago malaman ng isang Cristianong ang pagsiping sa labas ng kasal ay kasalanan.
Sa paaralan, lagi akong tinatanong: “Sinasabi mo bang ang isang aktibong homosekwsal ay maaaring maging Cristiano?” Akala nila ay baliw ako nang sumagot akong, “Oo.” Nahiling kong sana dinagdag ko, “Hangga’t hindi niya batid na ito ay isang kasalanan, siya ay may pakikisama sa Diyos. Kapag nagkaroon siya ng kabatiran, kailangan niyang ikumpisal ang kasalanang ito upang mapanatili ang pakikisamang ito. Magkumpisal man siya o hindi, ang kaniyang sekswal na mga gawain ay walang epekto sa kaniyang buhay na walang hanggan.”
Marahil masisipa ako nito sa eskwelahan.