Panimula
Ang mundong ebanghelikal ngayon ay nagkakaiba sa maraming mga isyu kabilang na ang doktrina ng katiyakan. Mayroong kalituhan sa kung ano ang dapat gawin ng isang tao upang maligtas. Ang mga pastor at teologo ay hindi laging ligtas na espasyong teolohikal. Bagama’t mabuti ang kanilang hangarin, nililigaw nila ang marami sa ilang pundamental na katotohanan.
Maraming mga isyung kagaya nito. Pipigilin ko ang aking sarili sa limang kasalukuyang isyu sa kaligtasan.
Ang unang isyu ay ano ang ating pakahulugan sa ekspresyong katiyakan ng kaligtasan.
Maraming paaralan at mga pastor ang ngayo’y nagtuturo na ang katiyakan ng kaligtasan ay hindi kasiguruhan kundi iba’t ibang digri ng kumpiyansa. Depende sa kung ano ang ginagawa mo sa iyong Cristianong pamumuhay, ang antas ng iyong kumpiyansa ay naglalaro mula 10 % hanggang 99 %.
Nuong 1991, dinebate kung ang nuon ay propesor sa DTS na si Ken tungkol sa nagliligtas na pananampalataya at katiyakan. Sa aming debate, tinanong ko siya kung siya ay sigurado na siya ay may buhay na walang hanggan. Sinabi niyang siya ay 99 % sigurado. Binanggit ko na ang mga apostol ay sigurado dahil ginarantiya ni Jesus na sila ay uupo sa labindalawang luklukan at maghahari sa labindalawang tribo ng Israel (Mat 19:28). Ganuon din si Euodia at Syntyche dahil sinabi ni Pablo na ang kanilang mga pangalan ay nasa Aklat ng Buhay (Fil 4:3). Bakit sila ay nakasisiguro ngunit tayo ay hindi? Ang sagot niya ay hindi tayo nakasisiguro dahil ang ating mga pangalan ay hindi nakasulat sa Biblia!
Dahil sa karamihan sa mga Cristiano ngayon ay naniniwalang tanging ang mga nagpapatuloy sa pananampalataya at sa mabubuting gawa ang makapapasok sa kaharian, iniisip nila na ang katiyakan ng kaligtasan ay ang tanging pinakamahusay mong sapantaha kung ano ang posibilidad na ikaw ay magpapatuloy sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang sa ikaw ay mamatay.
Ang problema sa pananaw na ito ay ang katiyakan sa BIblia ay kasiguruhan at ang katiyakan ay matatagpuan sa mga pangako ng Diyos at hindi sa ating mga gawa (Juan 11:25-27; 1 Juan 5:9-13).
Sa website ng Desiring God, sa isang artikulong may pamagat na, “Helping People Have the Assurance of Salvation” (“Tumutulong sa mga Tao na Magkaroon ng Katiyakan ng Kaligtasan”), sinabi ni Dr. John Piper na ang katiyakan ay nangangailangan ng “mahapding gawa ng pagsisiyasat ng sarili” at ang “katiyakan ay isang pakikibaka hanggang sa araw na tayo ay mamatay” (tingnan dito).
Ang Calvinistang si David Engelsma ay kinikilala na ang sinabi ni Piper ay isa ngayong problema para sa maraming Calvinistang sumusunod sa tradisyon ng mga Puritano:
Tinuturo ng mga Puritano na ang katiyakan ay isang problema, at dapat lamang, para sa marami, kung hindi man lahat ng mga mananampalataya at anak ng mga mananampalataya. Normal lang ang mawalan ng katiyakan; normal lang na mag-alinlangan kung ang isang tao ay talagang ligtas; normal lang na makibaka sa tanong ng katiyakan; normal lang na ang kaugnayan ng isang tao sa katiyakan ay isang “paglalakbay,” isang mahaba at maging habambuhay na paglalakbay, na walang katiyakan na ang paglalakbay ay may paborableng resulta, na masumpungan ang katiyakan sa buhay na ito; at kung ganuon ay normal din na hindi lumahok sa sakramento ng Hapunan ng Panginoon (The Gift of Assurance, p. 9).
Ang Calvinistang si John MacArthur ay may mensahe sa website na Grace To You na may pamagat na, “Resting in the Assurance of Salvation” (“Namamahinga sa Katiyakan ng Kaligtasan”). Sinabi niyang ang katiyakan ay masusumpungan sa obhetibong mga pangako sa Biblia at sa ating subhetibong mga gawa. Sinabi niyang matapos nating madetermina kung ating “sinampalatayahan ang bagay na kailangan upang maligtas” (na hindi naman niya pinaliwanag), matapos nito ay “magtatanong ikaw, ‘Ano ang nangyayari sa aking buhay? May nakikita ba akong pagbabago sa aking buhay?’ sapagkat ito ay esensiyal, ito’y esensiyal” (tingnan dito).
Nang tinanong ng Panginoon si Martha, “Sinasampalatayahan mo ba ito?” (Juan 11:26b), umaasa Siya ng sagot na apirmatibo. At ibinigay ito ni Martha: “Oo Panginoon, nananampalataya ako na Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan” (Juan 11:27). Hindi Niya siya sinaway sa kaniyang sagot. Sa katotohanan ay tiniyak Niyang ang sagot na ito ay magiging bahagi ng nag-iisang librong ebanghelistiko sa Biblia. Ang katiyakan ay sigurado dahil ito ay buong buong nakabase sa obhetibong pangako ng buhay na walang hanggan. Ito ay hindi nakabase sa pagsisiyasat sa sarili.
Hindi arogante ang sabihin sa mga taong ikaw ay sigurado na may buhay na walang hanggang hindi maiwawala. Bakit? Tayo ay nakasisiguro hindi dahil sa ating mga gawa o dahil sa ating pinakamahusay na sapantaha kung tayo ay magpapatuloy o hindi. Ang ating katiyakan ay nakabase lamang sa Salita ng Isa na Siyang Daan, Katotohanan at Buhay! Ang Kaniyang Salita ay sigurado.
Ang pagsisiyasat ng sarili ay pumapatay ng katiyakan. Ang pagtingin kay Jesus ang nag-iisang paraan upang magkaroon ng katiyakan ng kaligtasan, samakatuwid, ay kasiguruhan ng iyong walang hanggang kapalaran.
Sinasampalatayahan mo ba ito?