Isa sa kakaibang katangian ng aklat ni Marcos ay ito ang tanging Ebanghelyo na nagkomentong ang mga alagad ng Panginoon ay may matigas na mga puso. Si Marcos mismo ang nagsabi nito (6:52) at kinatigan ito ng Panginoon (8:17). Maraming nagkomento na nilarawan ng Ebanghelyo ni Marcos ang mga alagad sa mas negatibong liwanag kumpara sa ibang mga Ebanghelyo, at ang mga sitas na ito ay mga halimbawa nito. Ang pagkakaroon ng matigas na puso sa Panginoon ay hindi maipagmamalaking paglalarawan.
Sa katotohanan, kapag tiningnan ng isa ang aklat sa kabuuan, ito ay isang brutal na paglalarawan. Hindi lamang ang mga alagad ang sinasabing may matigas na mga puso.
Sa unahan, nakabangga ng Panginoon ang ilang punong panrelihiyon. Sa Marcos 2:1-12, pinagaling Niya ang isang lalaking lumpo sa harap ng mga punong ito. Sa halip na isiping Siya ang Cristo dahil sa pagpapakitang ito ng kapangyarihan, sila ay naeskandalo dahil sinabi ni Jesus na pinatawad na ang mga kasalanan ng lumpo. Inakusahan nila Siya ng kalapastanganan. Sa buong Ebanghelyo ni Marcos, nakikita nating ang mga lalaking ito ay hindi handang tanggapin ang sinasabi at ginagawa ni Jesus.
Ilang sandali matapos nito, pinagaling ni Jesus ang isang lalaking tuyo ang kamay (3:1-5). Ang mga punong panrelihiyon ay minsan pang naeskandalo dahil ginawa ito ni Jesus sa araw ng sabbath. Ang kanilang tradisyong panrelihiyon ay hindi pumapayag sa ganitong bagay. Pinagmamalaki ng mga lalaking ito ang mga ganitong tradisyon at pakiramdam nila, dahil kanilang natupad ang mga ito sa legalistikong paraan, ay mas mabuti sila kaysa iba. Ang espirituwal na pagmamataas na ito ay mas mahalaga sa kanila kaysa katotohanang ang isang lalaki ay pinagaling. Mas mahal nila ang kanilang panlabas na pagpapakita ng pagiging relihiyoso- kung paano sila lumalabas sa iba. Wala silang awa sa lalaking ito at sa hirap na dala ng kaniyang kapansanan. Muli, hindi sila handang makinig sa mga turo ng Panginoon, sa kabilang katotohanang mahimalang pinagaling ng Panginoon ang lalaki.
Dito tayo sinabihan kung ano ang palagay ng Panginoon sa mga lalaking ito. Sila ay may matigas na mga puso (3:5). Ang kanilang mga puso ay hindi bukas sa sinasabi o ginagawa ng Panginoon. Ang kanilang mga puso ay pinatigas sa espirituwal na kapalaluan, na siyang humahadlang sa kanila upang maging maawain sa iba.
Nakalulungkot na ang mga alagad ay inilarawan din kalaunan sa parehong termino. Sa Marcos 6:52, sinabihan silang matigas ang mga puso dahil hindi nila natutunan ang tinuturo sa kanila ng Panginoon. Ang parehong bagay ay totoo rin sa Marcos 8:17. Gaya ng mga punong panrelihiyon, ang kanilang puso ay pinatigas sa katotohanang nasa harapan lamang nila. Bagama’t sila ay mananampalataya at may buhay na walang hanggan, sa pagkakataong ito sila ay katulad ng mga legalistikong hindi mananampalatayang eskriba at Pariseo.
Ang mensahe ay malinaw. Ang mga mananampalataya ay maaaring kumilos na kagaya ng sanlibutan. Sa katotohanan, ang isang alagad ay maaaring kumilos gaya ng sanlibutan. Malinaw na hindi ito tumutukoy sa pagkawala ng buhay na walang hanggan na imposibleng mangyari. Ngunit si Marcos at ang Panginoon ay parehong nagbababala sa mga mambabasa ng Ebanghelyo ni Marcos na huwag kumilos na gaya ng sanlibutan.
Maaari nating isantabi ang mga aral ng Panginoon sa Kasulatan. Maaari nating isarado ang ating mga sarili sa Kaniyang mga aral dahil hindi umaayon ang mga ito sa inaakala nating tama. Maaari tayong tumangging manampalataya sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang mga mananampalataya ay mayroong matigas na mga puso.
Ngunit maaari bang ang ating mga puso ay, sa ibang paraan, tumigas gaya ng mga matigas na puso ng mga hindi mananampalatayang punong panrelihiyong kinompronta ni Jesus? Tila sinasabi ni Jesus na maaari tayong matulad sa kanila. Naaalala ninyo kung ang katulad nila? Nagmamataas sila sa panlabas na anyong panrelihiyon kapalit ng pagpapakita ng awa sa iba. Ang larawan ng kanilang ginagawa ay nakadidiri. Hindi natin nanaising maging kagaya nila sa kanilang pagtrato sa lumpong lalaki at sa lalaking tuyo ang kamay.
Subalit, natatanto kong maaari tayong maging katulad nila. Napakadali para sa ating mga mananampalatayang isiping tayo ay mas mabuti kaysa iba. Napakadaling kumilos na iniisip na pahangain ang iba sa pamamagitan ng panlabas na anyo. Napakadaling magkaroon ng espirituwal na kapalaluan. Kapag nangyari ito, nahuhulog tayo sa bitag ng kawalan ng awa sa iba. Tinuturo ng Panginoong maging maawain sa bawat isa, ngunit kung ang ating mga puso’y tumigas na sa Kaniyang mga aral, hindi natin magagawa ang sinasabi Niyang dapat nating gawin.
Anumang anyo nito sa ating mga buhay, sinabihan tayo sa Ebanghelyo ni Marcos, na tulad ng mga Pariseo, maaari tayong magkaroon ng matigas na puso. Hingiin nawa natin sa Panginoon na magkaroon tayo ng malalambot na mga puso, mga pusong bukas sa Kaniyang tinuturo sa atin, lalo na tungkol sa kung paano nating tratuhin ang iba.