Sabi ni Frank,
Habang lalo akong nagbabasa ng Biblia at ng mga komento ng mga manunulat ng mga komentaryo, mas malaking kalituhan ang resulta. Hindi nakapagtatakang may mga kulto. Sa tingin ko nagsimula ang mga kulto dahil isang araw ikaw ay ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa susunod na araw, ikaw ay ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa. Marami akong mga kaibigang nanampalataya kay Cristo. Ang iba nagsisimba, ang iba ay hindi. Napakaraming mga simbahan at mahirap sabihin kung alin ang dapat lahukan. Sila ay mga mananampalataya ngunit sila ba ay ligtas?
Ang sagot sa tanong ni Frank ay nakasalalay sa dalawang bagay: 1) Ano ang pananampalataya? at 2) Ano ang layon ng nagliligtas na pananampalataya?
Ang pananampalataya ay ang makumbinseng ang isang bagay ay totoo.
Nang sinabi ni Frank na, “Nanampalataya kay Cristo,” tila ipinahihiwatig niyang nanampalataya sila sa nagliligtas na mensahe ni Jesus. Ngunit, nagtanong siya, “sila ba ay ligtas?”
Ano nga ba ang nagliligtas na mensahe?
Sinasabi ito sa atin ng Juan 3:16. Ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Ito ang Kaniyang nagliligtas na mensahe. Kapag ako ay kumbinsidong ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay ligtas magpakailan pa man, ako ay isang mananampalataya.
Ang mananampalataya ay sinumang nanampalataya sa nagliligtas na mensahe.
Sabihin natin ang kaibigan ni Frank na si Jerry ay nananampalatayang si Jesus ay namatay sa krus at bumangong muli. Ngunit hindi siya nananampalatayang totoo ang Juan 3:16. Sa halip, nananampalataya si Jerry na ang isang tao ay kailangang makatiis sa mabubuting gawa hanggan sa kamatayan upang magtamo ng buhay na walang hanggan. Si Jerry kung ganuon ay hindi isang mananampalataya at kung ganuon ay hindi ligtas (maliban kung nanampalataya siya dati sa nakaraan at tumigil na lamang sa pananampalataya sa nagliligtas na mensahe).
Narito ang sampung katotohanan tungkol kay Jesus na maaaring sampalatayahana ng isang tao ngunit wala pa ring buhay na walang hanggan:
- Siya ay pinanganak ng isang birhen.
- Siya ay namuhay ng buhay na walang kasalanan.
- Pinagaling Niya ang mga maysakit at binuhay ang mga patay.
- Lumakad Siya sa tubig.
- Pinakain Niya ang 5000 kalalakihan at idagdag pa ang mga kababaihan at mga bata gamit ang pananghalian ng isang batang lalaki.
- Namatay Siya sa krus para sa ating mga kasalanan.
- Siya ay bumangon muli mula sa mga patay.
- Nagpakita Siya sa 500 kalalakihan matapos Niyag bumangong muli.
- Siya ay umakya sa Langit.
- Siya ay darating muli upang itatag ang Kaniyang walang hanggang kaharian.
Ang pananampalataya sa mga bagay na ito ay dapat magdala sa tao upang sumampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan (Juan 20:30-31). Subalit, kung hindi tayo kailan man nanampalataya sa pangako ng buhay na walang hanggan, hindi pa tayo bahagi ng sinumang-sumampalataya-sa Kaniya.
Ligtas ba ang mga kaibigan ni Frank? Hindi ko alam. Hindi siya nagbigay na sapat na impormasyon upang masagot ang tanong na ito. Ano ba ang kanilang sinampalatayahan? Ano ang ibig niyang sabihin nang kaniyang sinabing, “Nanampalataya kay Jesus?”
Narito ang isang tanong na makapagsasabi sa atin kung ang isang tao ay mananampalataya o hindi. Ito: “Sabihin nating apatnapung taon mula ngayon namatay ka, kung saan isa kang lasenggero sa huling sampung taon ng iyong buhay at hindi ka nakasimba nang mahigit dalawampung taon. Saan ka tutungo, sa langit o impiyerno at bakit?
Kung sabihin ng taong siya ay tutungo sa impiyerno, ang taong iyan ay hindi pa nanampalataya sa nagliligtas na mensahe. Kung sabihin nilang sila ay tutungo sa langit dahil nanampalataya sila sa pangako ni Jesus sa Juan 3:16, sila kung ganuon ay nanampalataya sa nagliligtas na mensahe (malibn kung sila ay nagsisinungaling sa iyo dahil sa kung anong dahilan).
Ang sinumang sumampalataya sa diwa ng Juan 3:16 ay ligtas kailan pa man.
Sinasampalatayahan mo ba ito?