Kung gusto mong mapahanga, basahin mo ang kwento ni Dieter Dengler, isa sa tanging tatlumpo’t tatlong bihag ng digmaan na nakatakas noong Digmaang Vietnam. Ginagarantiyahan kong sasabihin mong, “Hindi ko magagawa ang kaniyang ginawa.” Ang kaniyang kwento ay mala-alamat, lalong lalo na sa bahagi ng mga naglingkod sa hukbo.
Si Dengler ay lumaki sa Alemaniya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at may napakahirap na kabataan. Kalaunan krinedito niya sa mga paghihirap na ito ang kakayahang gawin ang kaniyang ginawa sa Vietnam.
Nang siya ay labing-walong taong gulang, lumipat siya sa Estados Unidos. Hindi pa mag-iisang taon, siya ay nagpalista sa Hukbong Dagat, at siya ay naging aviador.
Noong 1966, napabagsak siya sa Laos. Nakatanikala kasama ng mga kapwa bihag, tiniis niya ang anim na buwan ng pagpapahirap. Binibigyan ang mga bihag ng napakakaunting pagkain. Siya ay dinapuan ng karamdaman at namayat. Ngunit sa kundisyong iyan, at nahaharap sa tiyak na kamatayan, pinangunahan niya ang isang pagtakas. Ang nanghihinang grupo ng mga bihag ay dinaig ang mga bantay, naghati sa dalawang grupo, at tumakas sa gubat.
Si Dengler at ang kaniyang kasama ay lumakad sa makapal na kagubatan nang walang sapatos. Gamit ang mga karanasang kaniyang natutunan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naghanap siya ng mga maaaring kainin. Ang kaniyang kaibigan ay malapit nang mamatay ngunit sinikap ni Dengler na panatilihin silang buhay. Matapos ang halos tatlong lingo, ilang katutubo sa gubat ang kanilang nakasalubong at pinugutan ang kaniyang kasama. Tumakbo si Dengler sa mas malalim na bahagi ng kagubatan dahil nais ng mga katutubong patayin din siya.
Bagama’t malapit na sa punto ng kamatayan, nagawa ni Dengler na magtipon ng mga materyales upang masenyasan ang isang eroplanong Amerikano. Isang helikopter ang pinadala upang sunduin siya mula sa gubat. Nang iakyat siya sa eroplano, siya ay may karamdaman at buto’t balat na lamang- isang anino ng kaniyang dating sarili.
Siya ay naging bayani sa lahat ng mga lumaban sa digmaan. Ang kaniyang kwento ay paulit-ulit na kinuwento sa media, at marami ang tumitingala sa kaniya.
Hindi ko kailan man nakaharap si Dengler. Ngunit nang marinig ko ang kaniyang kwento, nalungkot ako nang sabihin ng tagapagsalaysay ang mga salitang ito: “Noong 2001, namatay si Dieter Dengler.”
Napaisip ako kung ano ang tumapos sa buhay ng lalaking tila walang kamatayan. Siniyasat ko ito. Nasorpresa ako sa aking nabasa. Si Dengler ay nasuring may terminal na karamdaman. Pinaandar niya ang kaniyang silyang de-gulong sa malapit na lokal estasyon ng bumbero at nagpakamatay doon.
Ang katapusang ito ay hindi bagay sa kaniyang kabayanihan. Naunawaan ko kung bakit alanganin ang mga taong banggitin kung paano siya namatay. May magsasabing ang paraan ng kaniyang kamatayan ay isang mantsa sa kaniyang reputasyon bilang bayani. May natural na tendensiyang ingatan ang reputasyong iyan.
Isa sa mga bagay na gusto ko sa Biblia ay hindi ganito ang pagtrato ng Biblia sa mga bayani nito. Binibigay nito ang kanilang mga kabayanihan. Ngunit binabanggit din nito ang kanilang mga kulugo.
Maiisip nating halimbawa sina David at Solomon. Ang kanilang kahinaan ay alam ng lahat.
Sa BT, si Pedro, ang pinuno ng mga apostol at ng unang iglesia, ay isang halimbawa ng katapangan at dedikasyon sa Panginoon.
Ngunit alam din natin ang kaniyang mga kabiguan. Nang ang Panginoon ay nililitis para sa Kaniyang buhay, si Pedro ay naduwag. Nakatayo siyang ilang yarda mula sa Panginoon at paulit-ulit na sinasabi sa madlang ni hindi niya Siya kilala (Marcos 14:71). Sa maraming mananampalataya, si Pedro ay isang bayani. Ngunit sinasabi ng Biblia na siya ay tao lamang. Siya ay gaya natin. Sinasabi ng Biblia ang buong kwento.
Si Dengler ay isang kahangahangang tao. Wala akong alinlangang mamamatay ako sa bilangguan sa Laos. Ngunit nang marinig ko ang kaniyang kwento, nairita ako nang bahagya na hindi sinabi ng tagapagsalaysay ang buong kwento. Gaya natin, si Dengler ay may limitasyon. Bagamat iniisip ng tagapagsalaysay na iniingatan niya ang reputasyon ng bayani, iniisip kong binabastos niya si Dengler sa pagpipresenta sa kaniya bilang isang taong walang kahinaan. Ito ay bahagyang kasinungalingan. Gusto niyang isipin nating si Dengler ay iba sa atin.
Hindi tinatago ng Biblia ang katotohanan sa anumang paraan. Sinasabi nito na ako ay maaaring maging kagaya ni Pedro, kahit pa mayroon din akong mga kulugo at kahinaan. Gaya ni Pedro, maaari rin akong maging bayani ng pananampalataya. Kahit si Pedro ay may kahinaan din.