Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan, Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; Nguni’t sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas; Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin. (Tito 1:1-3)
Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. Tito 3:7
Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang kaniyang banggitin ang “pag-asa sa buhay na walang hanggan”? Ang ekspresyong ito ay nasumpungan lamang sa dalawang lugar sa Biblia.
Ngunit mayroong isang kaugnay na ekspresyon: “pag-asa ng kaligtasan.” Ito ay nasumpungan sa 1 Tes 5:8.
Ang blog na ito ay tatalakay sa pag-asa sa buhay na walang hanggan. Tatalakayin ko ang pag-asa ng kaligtasan sa ikalawang blog.
Kung walang paliwanag, ang pag-asa sa buhay na walang hanggan ay nakalilito sa mga tao dahil sa Ingles ang salitang pag-asa ay patugkol sa isang pagnanasa, hindi sa katiyakan. Dahil dito marami ang nagsasabing ninananasa natin ang buhay na walang hanggan ngunit hindi natin alam kung taglay natin ito o hindi.
Sa Griyego, ang salitang pag-asa (elpis) ay minsan tumutukoy sa pagnanasa. Sinabi ni Pablo, “Umaasa akong ipadadala siya [si Timoteo] agad” (Fil 2:23) at “Umaasa akong makararating ako sa inyo sa maikling panahon” (1 Tim 3:14). Subalit hindi ito ang pinakamadalas na kahulugan ng elpis.
Sa BT, ang pag-asa (elpis) ay nangangahulugan ng isang bagay na tiyak ngunit ang oras ng katuparan ay hindi alam. Si Cristo ang “pag-asa ng kaluwalhatian” (Col 1:27). Tayo ay maluluwalhati minsan isang araw. Ngunit ang oras ng Rapture ay hindi alam.
“Ang Panginoong Jesucristo ang ating pag-asa” (1 Tim 1:1). Samakatuwid, alam nating Siya ay babalik muli at itatatag ang Kaniyang kaharian. Ngunit hindi natin alam kung kailan.
Tayo ay umaasa “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo” (Tito 2:13). Ang komento ni Knight: “Madalas gamitin ni Pablo ang konsepto ng ‘pag-asa’ patungkol sa paghintay ng mga Cristiano sa hindi nakikita ngunit tiyak, at hindi pa natutupad na mga espirituwal na pagpapala na kanilang tataglayin sa hinaharap kay Cristo” (The Pastoral Epistles, p. 321, may dagdag na diin). Dito ang “mapalad na pag-asa at “pagpapakita ng kaluwalhatian” ay pareho. Ang ating tiyak na paghihintay ay si Cristo ay muling babalik sa kaluwalhatian (Mat 16:27).
Ang komento ko sa Tito 3:7 sa The Grace New Testament Commentary:
Ang layon ng nagbabagong gawa ng Espiritu ay ang pagmamana, ang paghaharing kasama ni Cristo sa buhay na darating. Ito ay posible dahil sa pag-asa, ang tiyak ngunit nasa hinaharap pang katotohanan, ng buhay na walang hanggan, samakatuwid, ay ang buhay na walang hanggan sa maluwalhating katawansa isang matuwid na kaharian. Samantalang ang mga mananampalataya ay taglay ang buhay na walang hanggan bilang isang pangkasalukuyang pag-aari, may isang diwang it ay nasa hinaharap pa. sa pamamagitan ng abundansiya ng Espiritu, ang mga mananampalataya ay taglay ang lahat nilang kailangan upang maging tagapagmanang kasama ni Cristo sa buhay na darating (cf. Roma 8:17; 2 Ped 1:3) (“Titus”, p. 1021).
Mayroon na tayong buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 6:47; Ef 2:5). Subalit ang buhay na walang hanggan ay may potensiyal para sa higit na abundansiya (Juan 10:10). Ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakaroon ng higit at punong karanasan ng buhay na walang hanggan kapag siya ay naluwalhati. Ang mga maghaharing kasama ni Cristo ay mayroong superlatibong karanasan ng buhay na ito.
Nang ako ay kagawad pa ng CCC, madalas naming sabihin tungkol sa 1 Juan 5:13: “MAyroon tayong “alam ko” na pananampalataya, at hindi “umaasa ako” na pananampalataya.” Ito ay totoo kung pag-uusapan ang katiyakan ng ating walang hanggang kapalaran. Ngunit may diwang mayroon tayong umaasang pananampalataya. Hindi natin alam kung kailan darating si Cristo at magbibigay sa atin ng maluwalhating katawan. Ang tiyak na kaalamang tayo ay Kaniyang luluwalhatiin ang nagmomotiba sa atin upang makibaka nang mahusay na pakikibaka upang tayo ay mapiling magharing kasama Niya (2 Tim 4:6-8).
Onthree.i
__________________
- Nakuha ninyo ba ang Rebus puzzle? May salita sa loob ng salita. Nakita na ba ninyo? Ito ang kasagutan: Onthree= three in one (tatlo sa iisa)= ang Trinidad. And Diyos ay tatlong Persona ngunit iisang Diyos. Sa tingin ko mahirap, kung hindi man imposible, para sa ating limitadong isipan ang maunawaan ito. Ngunit ito ay totoo. At ito ay dapat magtulak sa atin upang purihin ang ating Diyos.