Isa na namang mahirap na katanungan ang dumating ng nakaraang araw:
Mayroon akong katanungan na sanay iyong masagutan. Sa Mateo 22:37 (duon din sa Marcos 12:30 at Lukas 10:27) tila pinapakita na mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga terminong “puso”, “isipan” at “kaluluwa”. Maaari bang ang may-akda ay gumamit lamang ng magkakaibang mga termino upang bigyang-diin na kailangan nating mahalin ang Diyos nang buo nating pagkatao at wala naman talagang pagkakaiba ang mga terminong ito? O kung mayroon mang pagkakaiba, ano iyon?
Mahirap na katanungan. Paano ninyo ito sasagutin?
Sa tingin ko ang Panginoon ay tumutukoy sa ating buong pagkatao. Subalit, hindi ito nangangahulugan na wala nang mga pagkakaiba ang puso, kaluluwa at isipan.
Ang puso, kaluluwa at isipan ay may pansariling kahulugan. Ngunit maaari rin silang magamit nang salitan gaya nang madalas mangyari sa Bagong Tipan (NT).
Puso= panloob na sarili kung saan ang damdamin, emosyon at pag-iisip ay nagaganap.
Kaluluwa= ang buong panloob na katauhan
Isipan= ang panloob na bahagi natin kung saan tayo nag-iisip
Gaya ng inyong nakita, ang lahat ng mga terminong ito ay nagkakawing-kawing sa pakahulugan gaya ng isang Venn diagram. Ngunit hindi sila parareho. Kapag nababanggit ang lugar kung saan ang pananampalataya ay nagaganap, ang mga may-akda ng NT ay bumabanggit ng puso (Marcos 11:23; 16:14; Lukas 8:12: Roma 10:9) o ng isipan (Roma 12:2; 2 Cor 4:4) o ng kaluluwa (tila ito ang ibig ipahiwatig ng Gawa 14:22).
Natagpuan ko ang napakahusay na artikulong ito tungkol sa ano ang pakahulugan ng Bibliya sa puso.
Natagpuan ko ang naliligaw na artikulong ito na nagsasabi na hindi sapat ang isipan para ang tao ay maipanganak na muli, kailangan daw sa puso natin ay magtiwala tayo sa Diyos,” samakatuwid, tayo ay dapat ”mabuhay para sa Diyos”. Ang nagsulat, si Mark Ballenge ay sumulat ng isang Lordship Salvation na pangungusap, “Silang tunay na nakakakilala sa Diyos ay mamahalin ang Diyos nang buong puso at isipan (Mateo 22:37).
Sa isang kahawig na artikulo (walang pangalan) tungkol sa puso at isipan (tinatalakay nila ang Mateo 22:37) na matatagpuan sa Ligonier.org na website, ang may-akda ay nagsabi, “Maaari mong malaman ang lahat ng katotohanan kay Kristo ngunit mapapahamak ka dahil hindi mo Siya mahal. Ang pagkaunawa at pagmamahal sa tunay na Kristo ay parehong kailangan sa kaligtasan.”
Dahil sa ako’y nababad sa Ebanghelyo ni Juan at sa Free Grace Theology sa loob nang mahabang panahon, nagigitla ako pag may gumagamit ng Mateo 22:37 bilang isang sitas sa kaligtasan. Kung paano nila iyan naipagkakasundo sa Juan 3:16 ay isang pahulaan sa akin.
May malaking kapahamakan kapag ang ating teolohiya ay nag-akay sa atin na sabihing ang p-ananampalataya kay Jesu-Kristo para sa buhay na walang hanggan ay hindi sapat para magkaoon ng buhay na walang hanggan. Kung gagamitin natin ang pagkakaiba ng puso at isipan upang sabihin na kailangan nating mahalin ang Diyos upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ating binabago ang mensahe ng buhay na walang hanggan na binigay sa atin ng Panginoon ng Kaluwalhatian. Huwag nating gawin iyan.