Sa aking unang dalawang taon bilang kawani ng Cru, kami ay hinihikayat na ibahagi an gaming pananampalataya sa maraming estudyante sa kolehiyo kada linggo. Ngunit wala kaming kota na kailangang abutin.
Iyan ay nagbago sa ikatlong taon. Kami ay kailangang sumaksi nang paisa-isa sa 10 o higit pang estudyante kada linggo. Kapag ako ay nagsalita sa koponan ng basketbol at ng putbol, hindi ko iyan sinasali sa bilang.
Ang patakaran ay ibibilang lamang na ebanghelismo kung kami ay mamahagi nang buong buklet ng Four Spiritual Laws (Apat na Espirituwal na Kautusan) at tinanong ang isang tao kung nais niyang tanggapin si Cristo (na aking pinaliwanag bilang pagsampalataya sa Kaniya para sa kaligtasan). Minsan hahayaan ng mga estudyanteng simulan ang buklet tapos magtatanong o kaya magtataas ng isang pagtutol. Dapat sana magustuhan ko ito. Ngunit ang iniisip ko lamang ay aking kota. Ang mga tanong o komentong ito ay nagdidiskaril ng akong pananalita, at madalas hindi ako nakakatapos. Kaya hindi ko hinahayaan ang mga tanong at komento. Minamadali ko lamang ang buklet upang maibilang ko ang taong ito bilang aking naebanghelyuhan.
Nakakahiya? Oo. Ngunit nang panahong iyon, tama ito sa aking paningin. Makalawang beses nang ako ay nakagrupo ng ibang kawani habang nagbabahagi, sinaway nila ako dahil sa hindi pagbibigay sa kausap na magkaroon ng pagkakataong magsalita. Naisip ko na lang na hindi nila nararamdaman ang kahalagahan ng ebanghelismo. Napagtanto ko na hindi ko natatanto ang personal na element sa ebanghelismo kahit ang ibang kawani ay oo.
Oo mayroong ebanghelismong malaya sa guilt. Magkakaroon kami ng panrehiyong kumperensiya sa paksang ito sa Nob 18-19 sa Coppell Bible Fellowship.
May ilan akong mga mungkahi base sa aking apat na taon bilang kawani ng Cru at sa higit apatnapung taon ng ebanghelismo mula noon, kabilang na ang marubdob na pag-aaral kung paano ang Panginoon at mga apostol magebanghelyo.
Una, huwag kang maglagay ng kota. Walang suporta sa Kasulatan para dito. Minsan ito ay lumilikha ng nabubuang na ebanghelista gaya ko dati.
Ikalawa, siguruhing alam mong maigi ang mensahe ng buhay. Kung hindi mo alam kung ano ang sasabihin, kabahan ka sa pagimbento ng sasabihin. Mabuti pang wala kang sabihin kaysa magbahagi ng huwad na ebanghelyo (Gal 1:6-9). Basahin ang Ebanghelyo ni Juan nang paulit ulit hanggang makabisa mo ang mensahe. Pumili ng mga sitas na iyong mapupuntuhan. Iminumungkahi ko ang Juan 3:16; 5:24; 6:47; o 11:25-27. Ito ang sitas na naglalahad na ang sinumang manampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan. Ito ang mensaheng nais ng Panginoon na ating ilahad.
Ikatlo, gamitin ang metodong KISS. Ang metodo ni Jesus ay simple lamang. Tingnan ang Juan 4:10-26. Nanawagan Siya sa mga taong manampalataya sa Kaniya para sa regalo ng Diyos, ang buhay na walang hanggan. Dapat nating sabihin sa mga tao na ginagarantiyahan ni Jesus ang buhay na walang hanggan sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya para rito. Iyan ba ay napakasimple? Hindi sa paningin ng Panginoon.
Kung ikaw ay may kumplikadong materyal na dapat masakop, tiyak na ikaw ay nenerbiyosin na sabihin ang lahat ng ito sa tamang paraan. Ngunit kung ang mensahe ay simple at madaling maipaliwanag sa isang pangungusap, inaalis nito ang presyur.
Iminumungkahi kong huwag magkaroon ng kumplikadong planong sumasakop mula sa paglalakbay ni Maria at Jose, ang birheng kapanganakan ni Jesus, ang Kaniyang panimulang buhay, ang Kaniyang ministeryo, ang Kaniyang kamatayan sa krus, ang Kaniyang pisikal na pagkabuhay na mag-uli at pagpapakita, ang Kaniyang pag-akyat sa langit, ang kawalang pagkakamali ng Kasulatan, at sa katapusan ay banggitin ang pangako ng buhay. Mahirap alalahanin ang lahat ng ito, at ang pangako ng buhay ay napapatungan at napalalabo ng mga materyales na ipineresenta bago ito.
Sa halip iminumungkahi kong sundin ang metodo ng Panginoon. Nagsimula Siya sa pangako ng buhay (hal Juan 3:3, 5; 4:10-14; 5:24, 39-40; 11:25-27). Matapos ibahagi ang pangako ng buhay maaaring magtanong ka gaya ng, “Paano sa mundong ito napakasimple ng bagay na iyan?”. Maaaring sabihin nilang, “Ganuon din ang aking iniisip.” Kung ganuon maaari mong sabihing, “ Sa tingin mo bakit namatay si Jesus sa krus?” Sa halip na sabihin sa kanila, tingnan mo kung maipaliliwanag nila ito sa iyo. Maaaring tanungin mo, “Ano ang kinalaman ng Easter sa pangako ng buhay na walang hanggan?” Ang krus at bakanteng libingan ay nagpapaliwanag kung bakit totoo ang pangako. Ngunit sa Amerika, karamihan sa mga tao ay naniniwala na sa krus at bakanteng libingan. Maaaring tanungin mo sila ng mga bagay na ito, sa halip na sabihin sa kanila.
Siyempre, maraming paraang pwedeng takbuhan ng kwentuhan. Ngunit ito ay magiging isang pag-uusap at hindi monologo.
Gusto ng taong makiinterak. Masasabi ko sa inyo mula sa personal na karanasan na ayaw nila ng mga taong tila parot na nagbabahagi ng kabisadong mensahe sa kanila.
Ikaapat, iwanan mo ang resulta sa Diyos. Huwag mo silang tanungin kung naniniwala ba sila sa iyong mga sinabi. Isang beses lang iyan ginawa ng Panginoon (Juan 11:26b), at tanging sa taong alam Niyang naniwala na. Naglalagay ito ng presyur sa atin at sa taong ating kinakausap kung tatanungin natin sila kung sila ay naniniwala (o kung tatanungin natin sila kung nagdesisyon na silang manampalataya/tanggapin/ibigay ang sarili/sumuko/etc).
Ikalima, huwag kang magtago ng iskor. Ibig sabihin, huwag mong subuking bilangin kung ilang tao ang nadala mo sa pananampalataya sa Panginoon. Alam na iyan ng Panginoon. Malalaman natin iyan sa Bema. Hindi na natin kailangang alalahanin iyan.
Ang ebanghelismo ay tila hockey. Bihirang mag-iskor nang walang isa o makalawang tulong. Sa ebanghelismo, madalas, maraming tao ang naghasik ng binhi bago ang isang tao ay manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Lahat ng tao sa tanikala ng ebanghelismo ay makatatanggap ng kredito sa kanilang ginawa. Siyempre nagtitipon ka rin ng kayamanan sa langit kapag ikaw ay nag-ebanghelyo sa mga tao kahit hindi sila nakarating sa pananampalataya kay Cristo. Manampalataya man sila o hindi, labas iyan sa iyong kontrol. Kailangan nating ibahagi ang mensahe ng buhay sa bawat pagkakataon. Ngunit ang resulta ay sa pagitan ng tao at ng Diyos. Kung ang tao ay bukas at tumutugon, makararating siya sa pananampalataya kundi ngayon ay sa hinaharap.
Hindi tayo nagbebenta ng kahit ano. Walang “close” gaya ng sa pagbebenta. Sinasabi natin sa tao ang buong libreng regalo. Hindi ito BOGO deal. Hindi ito libreng “shipping.” Ito ay libreng regalo. Sinasabi lang natin sa taong ang tungkol sa libreng regalo ng Diyos. Kung sila ay may tanong, dapat nating subukang sagutin ang mga ito. Ngunit kahit hindi natin masagot ang kanilang tanong, nasabi na natin sa kanila ang pangako ng buhay.