Madaling makulong sa mga bula. Inaakala natin nang walang kamalayan na ng mga bagay na ating iniisip o ipinag-aalala ay ang mga bagay na iniisip o ipinag-aalala ng iba. Ngunit paminsan-minsan ang ating mga bula ay pumuputok at natatanto nating hindi ganito ang nangyayari. May isang magtatanong o kaya ay tatalakay ng isang isyung hindi pumasok sa ating isipan. Maaari ngang magkomento tayong hindi iyan pumasok sa ating isipan.
Kamakailan nangyari yan sa akin. May nagsabi sa aking sa ilang mga talakayan ng mga Cristiano na ang ilan ay nagmumuni tungkol sa mga taong namatay na. Dalawang isyu ang partikular na tinatalakay. Ang una ay kung ang mga taong hindi nanampalataya ay mayroong ikalawang pagkakataong manampalataya matapos nilang mamatay. Ang ikalawa ay may kaugnayan sa una: Dapat ba nating ipanalangin ang mga taong namatay nang walang pananampalataya? Espisipiko, dapat ba nating ipanalangin sa Panginoon na Siya ay maawa sa kanila, o marahil ipanalanging kung magkaroon sila ng ikalawang pagkakataon ay manampalataya sila?
Isa sa mga dahilan kung bakit ang mga tanong na ito ay hind sumagi sa aking isipan ay dahil matanda na ako, marami na ring karanasan at hindi ko narinig ang mga bagay na ito na tinatalakay ng mga Ebangheliko. Ako ay naging chaplain sa Army nang matagal na panahon at nakatrabaho ko ang iba’t ibang uri ng tao mula sa iba’t ibang pinanggalingang teolohikal. Hindi pa ako nakasumpong ng nagpapakilalang Ebangheliko na nag-iisip na dapat nating ipanalangin ang mga patay. Ang pinakamalapit sa ideyang iyan ay ang mga Katolikong dumadalangin sa mga namayapang santo na humihingi ng tulong. Ganuon din, may ilang mga Katolikong nananalanging ang ilang mga patay ay mas mabilis na mapalaya mula sa purgatoryo. Mula sa mga chaplain na Mormons, nalaman kong ang mga Mormons ay nagpapabautismo upang bigyan ng bentahe ang mga patay. Ngunit lahat ng Ebangheliko na aking kilala ay iniisip na ang mga ito ay kahibangan at erehe.
Ang may-akda ng Hebreo ay binuod ang pananaw ng Biblia nang kaniyang sabihing, “Itinalaan sa taong mamuhay nang minsan, at matapos nito ay ang paghuhukom” (Heb 9:27). Wala nang mas tutuwid pa kaysa rito. Matapos mamatay ng isang tao, siya ay naghihintay ng paghuhukom. ang panalangin sa taong iyan ay walang mapapala.
Wala saan man sa Kasulatan inutusan tayong manalangin para sa mga patay. Sa Lukas 16:19-31, mayroon tayong kwento ng mayamang lalaki at ni Lazaro. Pagkamatay ng mayamang lalaki, nais niyang pumunta si Lazaro sa mga kapatid ng mayamang lalaki upang balaan sila tungkol sa lugar na tinunguhan ng mayamang lalaki. Kung ang bayan ng Diyos ay makatutulong sa mga hindi mananampalatayang makaalis sa Hades sa pamamagitan ng pananalangin sa kanila, hindi ba’t kabangisan sa bahagi ni Abraham na huwag sabihin sa mayamng lalaking wag mag-alala? Pwede sanang sabihin ni Abraham na ang mga panalangin ng mga buhay ay magdadala ng katapusan sa kaniyang mga paghihirap. Kailangan niya lang magpasensiya. Magakakaroon siya ng ikalawang pagkakataong manampalataya.
Ang problema sa mga hindi mananampalatayang namatay ay hindi ang kawalan ng mga taong mananalangin o hindi tungkol sa kaniya. ang problema ay wala siyang buhay na walang hanggan at hindi na siya magkakaroon nito.i Upang magtamo ng buhay na ito, kailangang buhay ang isang tao at manampalataya kay Cristo para rito (Juan 11:26). Sa sandaling ang isang tao ay hindi na buhay pisikal, ang buhay na walang hanggan ay hindi na matatamo.
Sa Pah 21:8 tinalakay ng Panginoon ang mga nasa lawa ng apoy. Ngunit ito ay matapos na Niyang likhain ang bagong langit at bagong lupa. Ang karamihan sa mga nasa lawa ng apoy sa puntong ito ay patay na nang ilang libong taon. Bakit hindi sila nanampalataya matapos nilang mamatay at nasa paghihirap gaya ng mayamang lalaki? Bakit hindi sila nanampalataya sa paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan? Bakit nilarawan ng Panginoon ang kanilang kapalaran bilang walang hanggan dito (Pah 20:10, 14)? Hindi ba maaaring ang mga tao sa eternidad ay manalangin para sa kanila upang ang mga tao sa lawa ng apoy ay maalis sa sandaling sila ay bumalik sa katinuan at manampalataya?
Mayroon pang isang dahilan kung bakit hindi tayo sinabihang manalangin patay. Ang ganitong gawain ay maaaring magresulta sa pakikiapg-usap sa kanilaupang ipaalam sa kanilang ipinapanalangin natin sila. Sa Biblia ang mga taong nakikipag-usap sa mga patay o sinusubukang impluwensiyahan sila ay tanda ng isang seryosong pagbagsak espirituwal (hal 2 Hari 23:24). Ang mga Katoliko at mga Mormons ay maaaring maging babala sa atin.
Minsan naririnig natin ang mga batang nananalangin para kay Satanas at sa mga demonyo, na humihiling sa Diyos na iligtas Niya sila. Alam natin mula sa Hebreo 2 na hindi namatay si Cristo para sa kanila kaya imposibleng maligtas sila. Maaaring mapangiti tayo sa kainosentehan ng mga bata. Ngunit hindi kyut kapag ang isang Ebangelikong nasa tamang edad ay manalangin nang kapareho para sa mga hindi mananampalatayang namatay na. Mas alam natin kung ano ang tama.
___________
i Mayroon tayong tinatawag na edad ng pananagutan. Ang tinutukoy ko ay ang mga taong namatay nang wala sa pananampalataya matapos nilang maabot ang edad na iyan. Maramikaming mga artikulo sa aming website tungkol dito. Tingnan ang blog noong Nobyembre 2020 ni Bob at blog noong May 2019 ni Bob ulit.