Sa isang nakaraang kumperensiya, isang tanong ang nabanggit tungkol sa kamatayan ng Panginoong Jesucristo. Anong nangyari nang mamatay si Jesus? Siya ba ay talagang patay?
Siyempre, oo patay Siya. Kung hindi Siya namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, at kung hindi Siya nanatiling patay nang tatlong araw bago Siya bumangon muli, walang sinuman ang magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 1:29; Roma 5:6, 8; Gal 2:21; 2 Cor 5:21).
Ngunit ano ba ang ibig nating ipakahulugan kapag sinasabi nating si Jesus ay patay nang tatlong araw?
Simulan natin sa hindi natin pinapakahulugan:
- Si Jesus ay tumigil na umiral nang tatlong araw.
- Siya ay walang kamalayan nang tatlong araw.
- Siya ay walang kakayahang makitalastasan at magtamasa ng buhay sa loob ng tatlong araw na ito.
Ito ang pinapakahulugan natin kapag sinasabi nating si Jesucristo ay patay nang tatlong araw:
- Ang Kaniyang walang buhay na katawan ay nanatili sa libingan nang tatlong araw.
- Ang kaluluwa at espiritu ni Jesus ay nasa mabuting bahagi ng Sheol/Hades na tinatawag ni Jesus na Paraiso (cf. Lukas 23:43) hanggang sa umaga ng Linggo.
- Sa loob ng tatlong araw na ito, Siya ay nakipag-usap at nagtamasa ng pakikisama kay Abraham at mga banal ng LT (Lukas 16:22-31).
- Sa loob ng tatlong araw na ito, SIya ay nakiusap at nagtamasa ng pakikisama sa Diyos Ama at Diyos Espiritu Santo.
Natutuwa akong makinig sa mga aklat sa CD. Natapos ko pa lang pakinggan ang aklat na pinamagatang Noise ni James Patterson at J. D. Smith. Ayaw kong iispoyl ang aklat para sa inyo, ngunit ito ay isang interesanteng aklat. Sa aklat, isang babae ang namatay. Sa isang sandali, ang isang scientist ay nagsabi, “Hindi tayo isandaang porsiyentong makasisigurong siya ay patay na.” Matapos ay pinatugtog niya ang isang mensahe mula sa kaniyang hindi nirekord bago siya mamatay kundi nirekord ilang linggo na matapos siyang mamatay.
Ngunit sa unahang bahagi nang kwento, malinaw na nasira na ang kaniyang katawan. Malinaw na wasak ang kaniyang katawan.
Ang ibig sabihin ng scientist ay sa kaniyang isipan, ang babae ay hindi pa patay. Bagama’t ang kaniyang katawan ay sira na, siya ay umiiral pa rin. Siya ay mayroon pang kamalayan. Siya ay nakakapagtalastas pa rin.
Oo, ang mga patay ay umiiral pa rin. Sila ay may kamalayan pa rin. Sila ay nakakapagtalastas pa rin.
Kakatuwang, maraming Cristianong may nosyong ang kamatayan ay higit pa sa paghihiwalay ng katawan at panloob na sarili. Bagama’t totoong ang DIyos ay hindi tayo binibigyang pahintulot na makipag-usap sa mga patay- ang bahaging iyan ng kwento ni Patterson ay mali (maliban sa ilang pagkakataon sa kasaysayan ng taong hinayaan ng Diyos na magpakita at magsalita ang mga patay)- ang pagkaunawa ni Patterson na ang mga patay ay may kamalayan at may kakayahang makipagtalastasan ay totoo para sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya.
Ang mga mananampalatayang namatay ay tutungo sa ikatlong langit, kung saan sila ay may kamalayan at buong umiiral (na walang mga katawan) hanggan sa pagbabalik ni Cristo (2 Cor 5:8; Fil 1:23). Tinatamasa nila ang pakikisama sa bawat isa at sa Panginoon. Kapag naganap ang rapture, sila ay ibabangon mula sa mga patay at ipag-iisa sa kanilang mga katawan (1 Tes 4:16). Ang mga mananampalataya ay mamumuhay magpakailan pa man sa mga niluwalhating katawan sa kaharian ni Jesus (Pahayag 21-22).
Ang mga hindi mananampalatayang namatay ay tutungo sa masamang bahagi ng Sheol, na tinatawag ding Hades (Lukas 16:19-31). Sila ay may kamalayan at buong umiiral (na walang mga katawan) hanggan sa matapos ang Milenyo, kung kailan sila ay muling bubuhayin mula sa mga patay (Pah 20:11-15). Ang mga hindi mananampalataya ay iiral sa mga katawang hindi niluwalhati sa lugar na tinatawag na lawa ng apoy (Pah 20:15).
Ano kung ganuon ang kamatayan? Ito ay ang paghihiwalay ng katawan mula sa panloob na sarili. Hindi ito pagtigil ng pag-iral ng kamalayan.
Samantalang tayo ay tunay na nagdadalamhati kapag ang ating mga mananampalatang minamahal ay yumaon na sa harapan ng ating Panginoon, hindi tayo dapat malungkot na gaya ng mga hindi nakaaalam na ang kanilang mga minamahal ay ibabangon muli, luluwalhatiin muli at makasasama muli natin (1 Tes 4:13-14). Hahanap-hanapin natin sila sapagkat wala sila rito. Ngunit hindi natin dapat isiping tumigil na silang umiral. Ang mga mananampalatayang namatay ay may kamalayan at puno ng kasiyahan.