Ayon sa mga Calvinista, ang halal o hinirang ay isa sa pinakamahalagang ekspresyon sa Biblia bagama’t ito ay nasumpungan lamang nang makapito sa BT (Mat 24:24; Marcos 13:22; Rom 11:7; Col 3:12; 1 Tim 5:21; 2 Tim 2:10; at 2 Jn 1). Kung wala ang depinitong artikulo, ang mga salitang halal o kahalalan ay nasumpungan nang karagdagang labing-anim na ulit sa BT.
Subalit may ibang salitang nagpapahayag ng ideya ng kahalalan o pagkahirang. Ang mga salitang pinili o pili ay nasumpungan nang tatlumpo’t pitong ulit sa BT.
Ang mga Griyegong salita ay eklego (Aking pinili o Aking hinalal), eklektos (halal), ekloge (halalan), proorizo (Aking itinadhana), haireo (Aking pinili), tasso (Aking hinirang) at horizo (Aking hinirang, o tinadhana).
Si Sam Storms, isang nangungunang Calvinista, ay may artikulong online na may pamagat na “Biblical Terminology of Election” (Mga Terminong Biblikal ng Kahalalan). Tingnan dito (insert html here). Ang pitong salitang ito ay nasumpungan nang pitumpo’t anim na beses sa BT.
Sinabi ni Storms na karamihan sa mga pantukoy sa kahalalan o pagpili sa BT ay walang kinalaman sa tinatawag niyang kahalalan sa buhay na walang hanggan. Sa kaniyang sariling pagbilang, tanging tatlumpo’t anim lamang sa pitumpu’t anim na reperensiya ang patungkol sa kahalalan sa buhay na walang hanggan. Ni hindi nangahalahati.
Ngayon, bilang preparasyon sa aking klase sa Sunday School, sinuri ko ang lahat ng tatlumpo’t anim na reperensiyang minungkahi ni Storms ay patungkol sa kahalalan sa buhay na walang hanggan.
Inisa-isa ko sila.
Ibibigay ko sa inyo ang Cliff Note’s na bersiyon ng aking pag-aaral.
Siyam sa kaniyang tatlumpo’t anim, ay nasumpungan sa Sinoptikong Evangelio at pantukoy sa Israel, ang bayang hinirang ng Diyos (Mat 22:14; 24:22, 24, 31; Marcos 13:20 (dalawang ulit), 22, 27; Lukas 18:7). Walang kinalaman ang mga ito sa mga indibidwal o grupong pinili sa buhay na walang hanggan.
Dalawampu’t pitong posibleng reperensiya na lamang.
Tatlo sa kaniyang mga halimbawa ay nasa Gawa, at isa ang tumutukoy sa Israel (Gawa 13:17), isa ang kay Pablo bilang hinirang na sisidlan ng Diyos (Gawa 9:15), at isa na ni hindi naman tungkol sa kahalalan (Gawa 13:48).
Dalawampu’t apat na lamang mula sa pitumpo’t anim.
Na ang mga Calvinista ay sumisipi nang mahihinang suporta ay nakasasakit sa kanilang kaso.
Tatalon ako sa pinakadesisibong sitas na ginagamit ng mga Calvinista.i
May dalawang gamit sa epistula ni Pedro: 1 Pedro 1:1, 2 Pedro 1:10.
Ang salitang hinirang ay masusumpungan talaga sa 1 Ped 1:2, sa halip na bago sa nangingibang bayan sa v1. Ang mga tagasalin, sa kakatuwang dahilan nila, ay nilipat ito. Sumusulat si Pedro sa mga hinirang na mangingibang bayan. Samakatuwid, sila ay hinirang upang mangalat mula sa kanilang lupaing tahanan.
Ang 2 Pedro 1:10 ay tumutukoy sa mga tinawag at hinirang ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan (2 Ped 1:11).
Wala alin man sa 1 Ped 1:2 o 2 Ped 1:!0 ang tumutukoy sa kahalalan sa buhay na walang hanggan.
Ang 1 Tesalonica 1:4 ay isang malabong reperensiya: “ nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo.” Pagkahirang saan? Sa The Grace New Testament Commentary, sinulat ko: “Marahil ang ibig lamang pakahulugan ni Pablo ay alam niyang sila ay hinirang ng Diyos upang itaas ang pangalan ni Jesus sa lunsod ng Tesalonica. Subalit, kung bibigyang-pansin ang konteksto, mas malamang na ang tinutukoy ni Pablo ay ang kanilang pagkahirang upang magdusa para kay Cristo. Tingnan ang v5-10 at ang talakayan dito” (“1 Thessalonians,” p. 931).
Iminungkahi ni Fee na tumutukoy ito sa pagkatapos na mangyaring korporal na pagkahirang kung saan ginagawang bahagi ng Iglesia ang lahat ng nanampalataya kay Jesus, ang nananampalatayang komunidad: “Dapat pansining sa kasong tinatalakay na iniisip ni Pablo na ang kabuuan ng mananampalataya sa Tesalonika ang halal, hindi ang mga indibdwal na mananampalataya… Bukod diyan, para kay Pablo, “ang kahalalan” ay laging pantukoy sa mga mananampalataya, at sumasalamin sa realidad pagkatapos ng pangyayari, hindi bago; at gaya dito ay laging nakikita bilang aksiyon ng pag-ibig ng Diyos, at kung ganuon ito ay naging dinamikong pwersa sa buhay ng nananampalatayang komunidad” (1-2 Thessalonians, p. 31, idinagdag ang paghihilis).
Marahil ang pinakamahusay na sitas sa pitumpo’t anim ay 2 Tes 2:13. Ito ang tanging sitas sa BT na nagsasabing ang Diyos ay may “hinirang sa kaligtasan.” Marahil ito ang nag-iisang sitas na nagpapatunay sa Calvinistang pananaw ng kahalalan.
Ang kaligtasan (soteria) sa 1-2 Tesalonica ay tumutukoy sa pagkaligtas mula sa Tribulasyon, hindi mula sa walang hanggang kapahamakan. Ikumpara ang 1 Tes 5:8-9 at 2 Tes 2:10. (tingnan din ang 1 Tes 2:16). Pinili ng Diyos na hablutin ang mga mananampalataya mula sa lupa sa Tribulasyon. Ang isyu ay hindi indibidwal o eternal na tadhana. Binanal tayo ng Espiritu Santo, tinalaga tayo, at aalis tayo bago magsimula ang Tribulasyon.
Iyan na lahat. Umabot tayo sa sero mula sa pitumpu’t anim. Wala kahit isang sitas sa BT ang sumusuporta sa kahalalan sa buhay na walang hanggan.
Hinihikayat ko kayong pag-aralan ito para sa inyong mga sarili.
Siyempre, ang mga sitas kagaya ng Juan 5:39-40 at Gawa 13:46 ay nagpapakitang ang ideya ng kahalalan sa buhay na walang hanggan ay imbalido. Subalit, nakatutuwang makita na wala kahit isa sa mga sitas na sinipi ng mga Calvinista ang tumutukoy sa kahalalan sa buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
_________________
i Mayroon akong diskusyon ng kahalalan sa apendiks ng The Ten Most Misunderstood Words in the Bible. Sumusulat ako ng bagong aklat tungkol sa pinakamahalagang mga salita sa Biblia, at isa sa mga kabanata ay tungkol sa kahalalan. Sa kabanatang iyan, iisa-isahin ko ang mga sitas na sinipi ni Storms bilang nagtuturo ng kahalalan sa buhay na walang hanggan.