“Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni’t iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo. At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira. Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil [lit. idisaprub]” (1 Cor 9:24-27).
Sinabi ni Mark Twain, “Ang aprubal sa sarili ay mula sa aprubal ng ibang tao.”
Sinulat ni W. Somerset Maugham sa The Moon and Sixpence: “Ang pagnanais ng isang tao sa aprubal ng kaniyang kapwa ay napakalakas… ito ay nagbabantay sa kanya, laging nag-aabang sa interes ng kaniyang panginoong durugin ang anumang hating pagnanasang makahiwalay sa kawan.”
Lahat tayo ay naghahanap ng aprubal. Ginawa tayo ng Diyos na nagpapahalaga sa aprubal.
Ang aprubal na ating ninanais nang lubos ay ang aprubal ng mga taong mahalaga sa atin. Sa ating paglaki, hinahanap natin at minementini ang aprubal ng ating mga magulang.
Nang tayo ay mag-asawa, habol natin ang aprubal ng ating asawa.
Bilang mga empleyado, ang ating layon ay ang aprubal ng ating mga amo araw-araw.
Bilang mga Cristiano, layon natin ang nagpapatuloy na aprubal ng Panginoong Jesucristo.
Kung iniisip natin ito bilang isang piramido, ang Kaniyang aprubal ang dapat nasa pinakatuktok.
Sinabi ni Pablo na ang espirituwal na lalaki ay may “kaisipan ni Cristo” (1 Cor 2:16). Ang pagkakaroon ng Kaniyang kaisipan ay ang pag-iisip sa paraan ng Kaniyang pag-iisip. Ito ay ang pagkakaroon ng maka-Cristong kaisipan. Sa puso ng kaisipan ni Cristo ang pagnanais ng Kaniyang aprubal. Binigyang diin ni Pablo ang kahalagahan ng aprubal ni Cristo.
Alam iyang aprubado siya ni Cristo. Tingnan ang 2 Cor 13:6. Ang kaniyang inaalala ay ang pagpapanatili ng aprubal na ito habang kaniyang tinatawagan ang iba na magkaroon at panatilihin ang aprubal Niya. Tingnan ang 1 Cor 9:24-27 na sinipi sa itaas.
Ang pananatili sa pananampalataya sa ating karanasan ay ang pagiging aprubado sa ating buhay (2 Cor 13:5-7).
May iba pang ekspresyon bukod sa aprubado at disaprubado (dokimos, adokimos, dokimazo) kabilang na ang, “Mahusay, mabuting lingkod” (Lukas 19:17. “Mahusay mabuti at tapat na lingkod” (Mat 25:21, 23), at iba pang anyo ng papuri at gantimpala (puno ng buhay, natatagong mana, bagong pangalan, Kaniyang paghayag ng ating pangalan sa harap ng Ama, atbp.).
Sinabi ng Panginoong isang malaking pagkakamali ang makuha ang buong mundo ngunit maiwala ang aprubal ng Diyos (Mat 16:26).
Parehong kinikilala ng mananampalataya at hindi mananampalataya ang kahalagahan ng aprubal. Maraming nagbabanggit na ang aprubal sa sarili ang pinakamahalaga sa lahat.
Sabi ni Oliver Goldsmith, “Siyang naghahanap lamang ng palakpak mula sa labas ay nilalagak ang kaniyang kasiyahan sa pag-iingat ng iba.”
Sabi ni Pamela Anderson, “Sa huli, kailangan mong kilalaning ikaw ay nabubuhay para sa isang tagapakinig. Hindi ako narito para sa aprubal ng iba pa.”
Ngunit paano natin matatamo ang aprubal sa sarili? Para sa isang Cristiano, ito ay nagmumula sa tagapakinig na Isa, ngunit may malaking titik I. minsan kong narinig ang yumaong Baptist na evangelistang si Ronn Dunn, na nagsasalita sa harap ng 5000 kagawad ng Campus Crusade for Christ (mga bandang 1975), na nagsabing hindi niya tinitingnan ang mga tao sa kaniyang harapan bilang kaniyang tagapakinig. Sinabi niya, “Ang Diyos ang aking tagapakinig.” Nagalaw ako ng kaniyang sinabi. Ang aprubal ng Diyos ang tunay na pinakamahalaga.
Tanging kapag taglay natin ang aprubal ng Diyos tayo magkakaroon ng malakas na aprubal sa sarili.
Ang matagumpay na sigaw ng Apostol Pablo sa katapusan ng kaniyang buhay sa 2 Tim 4:6-8 ay posible lamang dahil alam niyang kaniyang natapos ang kaniyang karera at taglay niya ang aprubal ng Panginoon.
Dapat tayong mamuhay na ang Diyos ang ating pangunahing tagapakinig. Ang Panginoong Jesus ang Isang ang aprubal ay ating hinahanap. Napakalungkot na matamo natin ang aprubal ng buong mundo at mawala ang Kaniyang aprubal.
Hindi ba’t napakagandang marinig Siyang magsabi, “Mahusay, mabuti at tapat na lingkod”?