Si Lyndal ay may magandang tanong na sana mas maraming mananampalataya ang nagtanong:
Isang pagbati mula sa Perth, Western Australia.
Tayo ba ay maaaring kumuha ng kaaliwan sa Lumang Tipan bilang mga pangako para sa atin ngayon gaya ng, “Sapagka’t akong Panginoon mong Diyos ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka” (Isaias 41:13) at “Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, Handang sumaklolo sa kabagabagan. Kaya’t hindi tayo matatakot” (Awit 46:1-2a)?
O tanging ang Bagong Tipan lamang ang lapat para sa atin?
Ang lahat ng Kasulatan ay kapaki-pakinabang para sa atin ngayon gaya ng sinabi ni Pablo sa 2 Tim 3:16-17. Dapat nating lapatin ang bawat sitas. Ngunit kailangan nating ipaliwanag at lapatin ang bawat aklat ng Biblia sa liwanag ng kaniyang sadyang tagapakinig. Iyan ay totoo maging sa Bagong Tipan. At marapat lang din na bigyang pansing ang pagbabago ng dispensasyon.
Ang Bagong Tipan ay mas madaling ilapat sapagkat ang lahat nitong mga aklat ay sinulat para sa iglesia, at lahat maliban sa aklat ni Juan, ay sinulat sa mga mananampalataya. Ngunit kahit sa mga ito ay kailangan ng pag-iingat. Halimbawa, sinabihan ni Pablo si Tito na pumili ng mga matanda sa bawat lunsod ng Creta (Tito 1:5). At alam natin na si Pablo at si Barnabas ay pumili ng mga matanda sa maraming mga lunsod (Gawa 14:23). Nangangahulugan ba ito na ang sinuman ngayon ay dapat na maglibot at pumili ng mga matanda sa iba’t ibang lunsod? Sa tingin ko hindi. Walang mga apostol ngayon, at wala na rin ang kanilang mga kinatawan (gaya ni Tito at Timoteo). Sa tingin ko ating makikita na ang kada iglesia ay may maraming matatanda at ang mga ito ay kailangang mapili. Ang mga misyonero, tama man o mali, ay maaaring siyang pumili ng mga unang matanda sa isang lunsod. Ang sinumang nagtanim ng iglesia sa kaniyang sariling bansa ay maaaring ipalagay na iyan ay nagbigay-karapatan sa kaniya na pumili ng mga unang matatanda. Sa tingin ko hindi iyan ipinagbabawal. Hindi rin naman siya pinag-uutos. Sa tingin ko ang mas biblikong pamamaraan ay ang hayaang ang isang bagong iglesia na pumili ng kanilang mga unang matatanda. Pagkatapos niyan, ang mga matatanda na mismo ang maaaring magdesisyon kung sino ang sasali sa kanila.
Sa aking opinyon ang mga regalong tanda ay hindi na kumikilos ngayon. Dahil dito kailangan nating maging maingat sa mga regalong tanda kung anong mga prinsipyo ang lapat pa ngayon. Hindi tayo papasok sa Tribulation, ngunit kailangan pa ring nating ilapat ang mga sitas na may kinalaman sa panahong iyan.
Mas mahirap ang sitwasyon para sa Lumang Tipan. Halimbawa ang mga batas sa pagkain. Ang mga Judio mula pa nang ibigay ang Kautusan ni Moises- mga 1440 BC- hanggang sa kapanganakan ng Iglesia noong AD 33, ay kailangang sumunod sa mga batas sa pagkain. Wala silang bacon burgers o shrimp scampi. Ngunit para lang sa panahong iyan. Sa sandaling magsimula ang panahon ng iglesia, ang mga Judio at mga Hentil ay hindi na napapailalim ng Kautusan ni Moises.
Ngunit atin pa ring nilalapat ang Kautusan ni Mosies ngayon (2 Tim 3:16-17). Ang mga batas sa pagkain ay isang paalala sa atin na tayo ay hindi dapat umayon sa sanlibutang ito (Rom 12:2). Tayo ay dapat maging hiwalay na bayan. Dapat tayong mamuhay nang naiiba. Iyan ang kalapatan ng karamihan sa Kautusan ni Moises sa ngayon- tayo ay dapat maging banal kung paano Siya ay banal.
Ang mga sitas na nabanggit ni Lyndal ay madalas maaaring ilapat nang diretsahan. Ang mga prinsipyong masusumpungan sa Isa 41:13 at Awit 46:1-2 ay inulit sa Bagong Tipan sa mga sitas na gaya ng Mat 6:33; 10:31; Luk 12:7; Heb 13:5.
Kailangan ang pag-iingat sa mga sitas na nagbibigay kaaliwan sa mga tao sa espisipikong sitwasyon. Ang katotohanang pinangako ng Diyos na iligtas si Noe at ang kaniyang pamilya mula sa baha ay hindi isang pangkalahatang pangako na ililigtas ng Diyos ang lahat ng mananampalataya sa lahat ng baha. Ang katotohanan na nangako ang Diyos na iligtas ang Israel kapag siya ay tumalikod sa kaniyang kasamaan at hanapin ang Panginoon (2 Chron 7:14) ay hindi pangako na kapag ang iglesia (lahat ng mananampalataya) sa isang bansa ay nagsisi at hinanap ang Panginoon, ang bansang iyan ay maliligtas. Ang buong bansa ang dapat magsisi at maghanap sa Panginoon upang dumating ang pagliligtas (hal Jon 3:1-10). Ang salitang Aking bayan sa 2 Chron 7:14 ay tumutukoy sa mga Judio, sa buong bansa, at hindi lamang ang mga mananampalataya rito. Ang iglesia ay hindi Israel at ang iglesia ay hindi bansa.
Magandang tanong Lyndal. Siya nga pala mahal ko ang Perth. Labinlimang taon na ang nakalilipas, naglagi ako ng 10 araw diyan at mahal ko ang lugar at ang mga tao.