Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Magmatiyag- Siya Ay Malapit Nang Dumating! Unang Tesalonica 5:1-11

Magmatiyag- Siya Ay Malapit Nang Dumating! Unang Tesalonica 5:1-11

October 14, 2025 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Naaalala mo ba nang matanto mong si Santa Claus ay hindi na darating kailan man? Naisip mo ba kung baka si Santa Claus ay larawan ni Cristo? Sa tingin ko, ang kantang Santa Claus ay isang magandang teolohiya kung ipapalit ang pangalan ng Panginoon para sa pangalan ni Santa: Better watch out, for the Lord Jesus Christ is coming to town (Magmatiyag sapagkat ang Panginoong Jesucristo ay darating sa bayan). Siya ay darating, at ang Kaniyang mga gantimpala ay dala Niya.

Ngunit masusumpungan kaya tayong tapat?

Ito ang punto ni Pablo sa 1 Tes 5:1-11: Magmatiyag- Siya ay malapit nang dumating!

Ang Rapturo (1 Tes 4:13-18) ay isang dakilang pangako. Ngunit kung ang tao ay hindi tiyak ng kaniyang walang hanggang kapalaran, ang paniniwala sa Rapturo ay hindi kaaliwan.

Nananawagan ang 1 Tes 5:1-11 sa mga mananampalatayang mamuhay nang wasto sa liwanag ng nalalapit na pagdating ni Jesus. Gaya ng 1 Tes 4:13-18, ito ay sinulat para sa mga nakakaalam na sila ay may eternal na seguridad.

Sinabi ni Pablong ang Panginoong Jesus ay darating na “gaya ng magnanakaw sa gabi” (1 Tes 5:2). Ang Panginoon ang unang nagturo nito (Mat 24:40-44). Tingnan din ang 2 Ped 3:10.

Sinabi rin ni Pablong “darating sa kanila [mga hindi mananampalataya] ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao” (1 Tes 5:3). Ang biglang pagkawasak ay ang pitong taon ng Tribulasyon. Ang kapanganakan ng kaharian ng Panginoon ay magaganap pagkatapos ng pitong taong pagdaramdam.

Kinumpara ni Pablo ang mga hindi mananampalataya- “sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan” (1 Tes 5:3)- sa mga mananampalataya, na makatatakas sa Tribulasyon (1 Tes 5:9, 10).

Ang mga Cristiano ay hindi dapat masubukan ng Araw ng Panginoon (1 Tes 5:4). Si Pablo ay nagbababala rito. Ang mga mananampalataya ay maaaring masubukan.

Ang mananampalatayang nasubok ay nilarawan sa maraming parabula ni Jesus, kabilang na ang apat na lupa (Lukas 8:11-15), ng mga mina (Lukas 19:11-26), ng mga talento (Mat 25:14-30) at ng matuwid at hindi matuwid na lingkod (Mat 24:45-51).

Upang manatiling mapagmatiyag, kailangan nating maging bahagi ng isang espirituwal na pamilya na malusog sa kaniyang paghahanda sa nalalapit na pagbalik ng Panginoon.

Ang salitang Griyego para sa mangatulog, katheudo, ay masusumpungan sa 1 Tes 4:6, 7, at 10, at parehong salitang ginamit sa v13 at 15. Ang salitang koimao ay tumutukoy sa kamatayan ng mga mananampalataya. Sa 1 Tes 5:6-10, ang katheudo, “mangatulog” ay tumutukoy sa moral na kahinaan.

Ang mga mananampalataya ay hindi awtomatikong handa para sa Kaniyang pagbabalik.

Upang maging handa, kailangan tayong maging mapagmatiyag.

Ang mananampalatayang hindi nagbabantay ay masusubukan ng Araw ng Panginoon, kung paanong ang magnanakaw sa gabi ay sinubok ang isang taong walang suspetsa na natutulog at hindi nagbabantay.

Kinukuha ng magnanakaw ang bagay na mahalaga sa natutulog.

Ang mananampalatayang tulog moral sa pagbalik ni Cristo ay mawawalan ng maraming mahahalagang bagay.

Ang Griyegong pandiwa, gregoreo, sa “magmatiyag”  ay paulit-ulit na ginamit sa mga kontekstong may kinalaman sa iminenteng pagbalik ni Cristo. Ito ay masusumpungan sa Mat 24:42-43 at 25:13- mga sitas mula sa Diskursong Olivet na may kinalaman sa pagiging mapagmatiyag sa Kaniyang nalalapit na pagbalik.

Ginamit din ito sa 1 Tes 5:6b, 10, bagamat sinalin ng NKJV ang salita bilang wake (gising) sa huling sitas.

Ang mga mananampalatayang tulog moral (hindi nagbabantay) ay hindi handa para sa Rapturo. Hindi sila mga Cristianong “Gregoreo” (mula sa gregoreo).

Sila ay mararapturo. Mamumuhay silang magpakailan man kasama ng Panginoon (v10). Ngunit hindi sila handang makaharap ang Panginoong Jesus sa Bema, na susunod sa Rapturo.

Ang trilohiya ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ay masusumpungan sa v8.

Ang pananampalataya at pag-ibig ay magkasamang bumubuo ng baluti sa dibdib. Ikumpara ang mga sitas gaya ng Santiago 2:15-16 at 1 Juan 3:17- “Datapuwa’t ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo’y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?”

Ang pag-asa ng kaligtasan ay ang katiyakang tayo ay maililigtas mula sa masamang panahong ito at pagtakas sa nalalapit na Tribulasyon sa pamamagitan ng Rapturo.

Ang kaligtasang tinutukoy dito ay hindi kaligtasan mula sa eternal na kundenasyon, kundi kaligtasan mula sa Tribulasyon sa pamamagitan ng Rapturo.

Hindi pinaliwanag ni Pablo sa 1 Tes 5:1-11 kung ano ang makukuha ng mapagbantay na mananampalataya at kung ano ang mawawala sa natutulog na mananampalataya. Ngunit ipinaliwanag niya ito sa ibang bahagi ng aklat na ito at sa iba niyang mga sulat. Ikumpara ang Mat 24:45-51; Lukas 19:16-26; 1 Cor 9:24-27; 2 Cor 5:9-10; 1 Tes 3:13; 5:23; 2 Tim 2:12; 4:6-8; Pah 2:26; 3:21.

Namatay si Jesus para sa atin upang “tayo man ay gising [lit nagmamatiyag] o tulog, tayo ay mabubuhay na kasama Niya” (5:10). Ito ay isa sa pinakapaboritong sitas ni Zane Hodges.

Sinabi ni Santiago, “ang Hukom ay nakatayo sa pintuan” (San 5:9). Sabi ni Juan, “At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, kung Siya’y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan Niya sa kaniyang pagparito” (1 Juan 2:28).

Bagamat lahat ng mananampalataya ay mararapturo-kahit ang mga hindi nagmamatiyag- dapat tayong mamotibang manatiling alerto dahil gusto natin ang Kaniyang aprubal (1 Cor 9:27), ang Kaniyang pagpuri (Lukas 19:17), at ng pinalakas na abilidad na paglingkuran Siya.

Ang aplikasyon para sa mga hindi mananampalataya ay simple: Manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan (Juan 11:25-27).

Ang aplikasyon para sa mananampalataya ay simple rin: Maging Cristianong “Gregoreo.” Maging mapagmatiyag at alerto. Maging mapagbantay. Tumanggap ng lingguhang pagsasanay upang ikaw ay maging handa sa Kaniyang nalalapit na pagbabalik (Heb 10:23-25).

Ang hindi pagbabantay ay magreresulta sa kahihiyan sa Bema (1 Juan 2:28) at mawalan ng pagkakataong magharing kasama ni Cristo sa buhay na darating (2 Tim 2:12).

Samantalang lahat ng mananampalataya ay mararapturo, hindi ito nangangahulugang lahat ng mananampalataya ay magiging handa para sa Rapturo. Ang mga salita ni Larry Norman, “Sana handa kaming lahat,” ay aplikable rin sa mga mananampalataya. Maging mapagmatiyag tayo araw-araw. Kung oo, hindi tayo masosorpresa ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...
December 3, 2025

Disunity: Not a Minor Problem 

Israel was at war. The Midianites and their allies had severely afflicted the nation for seven years (Judg 6:1). However, God raised up Gideon to defeat those enemies...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram