Isang kaibigang pastor ang nagtanong ng tanong na ito:
“Mayroon akong isang tanong na aking pinagmumuni sa loob ng matagal-tagal na panahon- mayroon bang mahihirap sa langit? Marahil hindi kahirapan, kundi ng mga mayroon at ng mga wala? Makakakita ba tayo ng mga nakahihigit at mahihiling nating sana ay mas namuhay tayo nang maigi, at makita ang mayroong kakaunti at nagpapasalamat sa biyaya ng Diyos na nabigyang realidad sa ating mga buhay? Isa lamang na bagay na umuukilkil sa aking isipan.”
Ito ay isang magandang tanong. Gusto ko ang pagkakawika nito.
Oo, mayroong iilang makahihigit, at mayroong ilang may mas kakaunti. Siyempre, walang sinuman sa kaharian ang ganap na wala. Ngunit ang Panginoon at ang Kaniyang mga apostol ay malinaw na tinurong mayroong ilang mamumuno at mayroong ilang hindi mamumuno. Sa mga mamumuno, ang ilan ay mamumuno sa mas nakararaming mga lunsod (hal, sampung lunsod, Lukas 19:17) at ilan sa mas kakaunting lunsod (hal limang lunsod, Lukas 19:19).
Lahat ng mamumuno ay may taglay na ilang bagay na totoo lamang sa kanila at hindi sa lahat ng mamamayan ng kaharian. Ang mga pinuno ay mayroong espesyal na damit na puti (Pah 3:4-5), kakain ng natatagong manna (Pah 2:17) at ng labindalawang bunga mula sa puno ng buhay (Pah 2:7; 22:14), magkakaroon ng espesyal na puting bato na may espesyal na pangalang nakaukit dito (Pah 2:17), at magagawang makapasok sa Bagong Jerusalem sa mga pintuan nito (Pah 22:14). Ang mga hindi pinuno ay wala ng mga bagay na ito.
Inutos ni Jesus na maglagak ng kayamanan sa langit, at hindi sa lupa (Mat 6:19-21). Ang mga mananampalataya ay maglalagak ng iba’t ibang halaga ng kayamanan, depende kung ano ang ginawa nila sa buhay na ito (hal Mat 16:27; Gal 6:7). Hindi tayo sigurado kung anong uri ng kayamanan ito. Sinabi sa akin ni Zane Hodges na iniisip niyang ang kayamanan ay isang hindi pinangalanang pagpapala sa kaharian. Sa tingin ko ang kayamanan ay salapi. Sa tingin ko magkakaroon ng ekonomiya sa kaharian at tayo ay magkakaroon ng ilang uri ng kayamanang ating natipon. Marahil ito ay isahang bagsak ng pananalapi, o marahil ito ay buwanang pensiyon. Ngunit anumang kayamanan ito, ito ay sadyang kaaya-aya.
Sang-ayon ako sa aking kaibigang ang mayroong mas kakaunti ay ganap na nasisiyahan at nagpapasalamat sa pabor ng Diyos sa kanilang mga buhay. Ang lahat sa kaharian ay makararanas ng walang hanggang kasiyahan (Pah 21-22). Ngunit ang ilan ay mas magkakaroon ng masaganang mga buhay kaysa iba (hal Juan 10:10b).
Paano tayo mamuhay ngayon ang magdedetermina sa kapunuan ng ating buhay magpakailan man. Ang isa pang paraan ng pagsabi nito ay ang antas na niluwalhati natin ang Diyos ngayon ang magdedetermina kung gaano kalaki natin Siya mapaluluwalalhati magpakailan man. Mas higit natin Siyang niluluwalhati, mas higit na kasiyahan ang ating taglay.
Maraming Cristiano sa Sangkristiyanuhan ang hindi naniniwala nito. Iniisip nilang ang bawat isa sa kaharian ay magkakaroon ng pare-parehong kapunuan ng buhay. Ngunit ito ay sinasalungat ng maraming pasaheng ang ilan ay sinipi sa itaas.
Ganiyan din ako mag-isip hanggan sa ako ay tumungo sa Dallas Seminary at simulang aralan nang masusi ang Kasulatan. Nadala ako ng prospekto ng paghaharing kasama ni Cristo magpakailan man at magkaroon ng lubos na oportunidad na maluwalhati Siya magpakailan man. Hanggang ngayon. Ang dahilan kung bakit gusto kong mapabilang sa mga mayroon ay hindi dahil sa ako ay maramot at nais kong magkaroon ng wala ang iba. Lahat tayo ay maaaring maging mapanagumpay. Lahat tayo ay maaaring maging mayroon sa kaharian. Ang dahilan kung bakit nais kong mapabilang sa mayroon ay dahil ito ang inutos sa akin ng Panginoong naisin!
Kung alam mong kung paano ka mamuhay ngayon ang magdedetermina ng kapunuan ng iyong buhay magpakailan man, ano sa tingin mo ang maaaring maging epekto sa iyong mga desisyon at mga pagnanasa? Matapos sabihin sa atin ng Panginoong maglagak ng kayamanan sa langit at hindi sa lupa, sinabi ng Panginoon, “Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon ang inyong mga puso” (Mat 6:21). Inutos Niya sa ating ilagak ang ating mga puso sa kayamanan sa langit. Ang iwalang halaga ang doktrina ng walang hanggang gantimpala ay ang bigong ilagak nang maayos ang ating mga puso sa buhay na darating.
Isang panghuling nota. Ang kayamanang nilagak sa langit ay hindi tatamasahin sa langit. Ito ay tinago doon kung paanong tayo ay nagtatago sa isang safety deposit box sa isang bangko. Hindi natin ginagamit ang mga bagay na ito sa bangko. Tinatago natin ang mga ito doon. Ang mga mananampalataya ay mamumuhay nang isang libong taon sa mundong ito (na binago) sa Milenyo (Pahayag 20:1-9), at magpakailan man sa bagong Lupa (Pahayag 21-22). Ang mga bagay na tinipon sa langit ay ililipat sa atin dito sa Lupa upang ating magamit ang mga ito sa kaluwalhatian ng Diyos magpakailan man.