Maraming tao ang nag-aakusa na ang pananaw ng pananampalataya lamang ay easy believism (madaling pananampalataya). Kamakailan ay gumawa ako ng 7-minutong YouTube video (tingnan dito) na may pamagat na, “What is Easy Believism?” (“Ano ang madaling pananampalataya?”) TIngnan ito para sa karagdagang impormasyon.
Sa blog na ito, gusto kong talakayin kung ang pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggang hindi maiwawala ay madali. Madali nga ba ang believism?
Kung tatanungin mo ang mga relihiyong hindi Cristiano, sasabihin nilang ang pagkakaroon ng pagpapala sa kabilang buhay ay hindi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ito ay sa pagsunod sa mga aral ng kanilang relihiyon. Ang isa ay kailangang magpatuloy sa daang didiretso sa kaligtasan. Ito ay totoo para sa mga Muslim, Ortodox na Judio, Budista, mga Hindu, at iba pang relihiyon.
Ngunit paano sa loob ng Cristianismo?
Ang mga kulto’y hindi naniniwala sa mensahe ng pananampalataya lamang.
Karamihan sa mga Protestante ay hindi rin naniniwala sa mensahe ng pananampalataya lamang.
Hindi rin ang mga Katoliko o mga Ortodox Cristiano.
Kung ang mensahe ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mabubuting gawa, ay napakadaling paniwalaan, bakit kakaunting tao lamang ang naniniwala rito?
Ang sagot ko ay hindi madaling paniwalaan ito. Mahirap ang manampalataya.
Ngunit bakit ganuon?
Una, mahirap itong sampalatayahan dahil ito ay salungat sa kalikasan ng isang tao. Iniisip nating kailangan pagsikapan ang ating daan sa buhay na ito at sa buhay na darating.
Ikalawa, mahirap itong sampalatayahan dahil karamihan sa mga tradisyon, kahit sa loob ng Cristianismo, ay hindi ito tinuturo. Ito ay isang pananaw na may kakaunting tagasunod kung ikumpara sa pananaw ng pananampalatayang may dagdag na gawa.
Maraming relihiyon, kabilang na ang karamihan sa Sangkristiyanuhan, ay salungat sa psoisyung pananampalataya lamang kay Cristo lamang, mapa imprinta man, telebisyon, social media o kahit sa harapang pagtuturo.
Ikatlo, si Satanas ay aktibong lumalaban sa mensahe ng biyaya (hal Lukas 8:12; 2 Cor 4:4), na siyang nagpapahirap na sampalatayahan ito.
Naniniwala ka ba sa believism (belibismo)? Nananampalataya ka ba sa mensahe ng Juan 3:16? Totoo bang ang lahat ng nanampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan? Kung sinasampalatayahan mo ito, ikaw ay tagalabas kung tatanungin ang karamihan sa mga tao. Kapag binahagi mo ang iyong pananampalataya sa iba, masusumpungan mong maraming tao ang salungat sa iyong sinasabi. Maaaring hamakin ka nila nang harapan o kaya ay talikuran.
Sa tingin ko hindi madali ang manampalataya. Sinabi ni Jesus na ang daang patungo sa buhay ay makipot at iilan lang ang nakasusumpong nito (Mat 3:13-14). Nilinaw ni Pablo na ang mensahe ng kaligtasan sa gawa ay isang mensaheng nagpapasiya sa mga tao at ang mensahe ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa, ay ang mensaheng nagpapasiya sa Diyos (Gal 1:10).
Easy believism? Hindi. Mahirap maniwala sa isang bagay na tinatakwil saan man. Ngunit ito ang katotohanan. At kapag ikaw ay nanampalataya, alam mong ikaw ay sigurado magpakailan man kay Cristo. Ito ay tunay na mabuting balita, hindi ba?