Nagturo ako ng dalawang linggong kurso sa Florida Bible College (FBC) sa Kissimmee, FL noon pang 1990. Nag-enjoy ako sa oras ka doon.
Isa sa mga estudyante ang nagbahagi ng isang ilustrasyong narinig niya tungkol sa isang kabataang lalaking naniwala kay Cristo ngunit ayaw ng buhay na walang hanggan. Ang kaniyang mga magulang ay parehong namatay na hindi mga mananampalataya. Kumbinsido ang lalaking sila ay parehong nasa Hades. Naniwala siyang totoo ang Juan 3:16. Subalit, gusto niyang makasama ang kaniyang mga magulang magpakailan man. Kaya pinili niyang hindi tanggapin ang regalo ng buhay na walang hanggan.
Gusto malaman ng estudyante kung ano ang iniisip ko tungkol sa kwentong ito.
Noong isang araw, isang partner ng GES na si Hal ay nagpadala sa akin ng isa pang bersiyon ng kaparehong kwento. Sinisipi ko ang sumusunod mula sa artikulong pinadala ni Hal sa akin (tingnan dito):
Isipin mong may tatlong tao ang nakarinig ng malinaw na pahayag ng ebanghelyo- isang ateista, isang tunay na Satanista at isang Cristiano. Paano ang bawat isa tutugon?
Una nauunawaan niya ang evangelio ngunit hindi siya kumbinsidong ito ay totoo. Sa madaling salita siya ay mayroong notitia [pagkaunawa] ngunit walang assensus [pagsang-ayon]. Ang maniwala sa isang bagay ay higit pa sa pagkaunawa lamang nito.
Ikalawa, ang tunay na Satanista ay mas malayo ang hakbang, naunawaan niya ang evangelio at siya ay kumbinsido na ito ay totoo. Sa madaling salita, siya ay may parehong notitia at assensus. Ngunit nangangahulugan bai tong siya ay may nagliligtas na pananampalataya? Hindi naman diba? May kulang. Ngunit ano?
Ikatlo, naunawaan ng Cristiano ang evangelio at kumbinsidong ito ay totoo. Ngunit hindi katulad ng Satanista, ginawa niya ang sunod na hakbang at nanampalataya kay Jesus bilang kaniyang Tagapagligtas.
Ito ba ang pagkakaiba ng Satanista at ng Cristiano?
… hindi gaya ng Satanista, ang Cristiano ay nagkaroon ng personal na pagtanggap ng nagliligtas na mensahe sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus bilang kaniyang Tagapagligtas at kung ganuon ay sigurado siyang niligtas siya ni Jesus.
Iniisip ko dati na ang paggawa ng pagtitiwala bilang aspeto ng pananampalataya ay hindi kailangan, ngunit sa liwanag ng pinaniniwalaan ng tunay na Satanista, nakikita ko kung paanong ang pagbibigay-diin sa paniniwala kay Jesus sa nagliligtas na paraan ay nangangahulugan ng personal na pagtiwala sa Kaniya para sa kaligtasan at pagiging sigurado na niligtas Niya ikaw (ang “kasiguruhan ay esensiya ng nagliligtas ng pananampalataya”).
Sa tingin ninyo ba na ang pagsama ng pagtitiwala (fiducia) sa notitia at assensus ay nakatutulong na magbigay-linaw sa kung ano ang kahulugan ng manampalataya kay Jesus para sa kaligtasan.
Natutuwa ako nang husto sa reperensiya sa pangangailangan ng pagkakaroon ng kasigurahan na sa pamamagitan ng pananampalataya ikaw ay may kaligtasang hindi mababawi. Subalit, ang mungkahing ang pananampalataya ay higit pa sa pagkaunawa at kakumbinsehan ay isang malaking pagkakamali. Paano masisiguro ng sinuman ang kaniyang kaligtasan kung ang kakumbinsehan ng pangako ng buhay na walang hanggan ay hindi sapat? Paano malalaman ng isang tao na siya ay nagtitiwala kay Cristo para sa kaniyang kaligtasan? Ano ang pagtitiwalang ito kung ito ay iba sa kakumbinsehan?
Ang problema sa ilustrasyon ng Kabataang lalaki na may hindi nananampalatayang magulang at ng Satanista ay hindi sila naniniwala sa Juan 3:16. Ang Kabataang lalaki at ang Satanista ay parehong hindi kumbinsidong totoo ang Juan 3:16.
Ang Juan 3:16 ay walang opsiyon na tanggapin o itakwil ang vuhay na walang hanggan kung ikaw ay manampalataya kay Jesus. Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan, sa gusto man o sa ayaw niya.
Kung ang Kabataang lalaki at ang Satanista ay kumbinsidong totoo ang Juan 3:16, alam sana nila an sila ay may buhay na walang hanggan kahit pa ayaw nila. Kung ako ay naniwalang ang “sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan” ay totoo, at ako ay nanampalataya sa Kaniya, alam kong ako ay may buhay na walang hanggan. Kung inaangkin kong ako ay nanampalataya sa Kaniya ngunit wala akong buhay na walang hanggan, pinapakita kong hindi ako naniniwala na ang sinabi Niya ay totoo.
Ngunit paano kung sinabi ng Satanista na hindi siya naniniwala sa Kaniya, nguit alam niyang ang mga sumampalataya sa Kaniya ay may walang hanggang kasiguruhan?
Una sa lahat, hindi ako naniniwala na may ganiyang uri ng tao.
Sa ikalawang banda, ang kaniyang punto ay ang mga salitang “ang sinumang sumampalataya sa Kaniya” ay hindi patungkol sa Kaniya dahil namumuhi siya kay Jesus at ayaw niya ng buhay na walang hanggan. Ngunit walang eksepsyon sa Juan 3:16. Ang sinuman ay nangangahulugang sinuman. Kung iniisip niya na may eksepsyon, hindi siya naniniwala sa sitas.
Sa pilosopiya may pahayag na: “Kung A, kung ganuon ay B.” Kung ilalapat natin ito sa Juan 3:16, kung (A) nanampalataya ako kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, kung ganuon (B) ako ay may buhay na walang hanggan. Subalit, ang mga ilustrasyon ito ay nagpapakita ng ibang pananaw:, “Kung A, kung ganuon ay B, maliban kung C.” Kung (A) ako ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, kung ganuon (B) taglay ko ito, (C) maliban kung ayaw ko nito. Ngunit ang Juan 3:16 ay walang maliban na C.
Halos lahat ng Sangkakristiyanuhan ay nag-aangkin naniniwalang totoo ang Juan 3:16. Ngunti marami ay hindi. Minamali nila ang pagkaunawa sa sinabi ng Panginoon. Iniisip nilang ang pananampalataya sa Kaniya ay may kasamang pagtalikod sa mga kasalanan, pagpapasakop, pagtatalaga, at pagtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa. Kumbinsido silang higit pa sa kakumbinsehan ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pareho ay masasabi rin sa Kabataang lalaki na may hindi mananampalatayang magulang at sa Satanista.