Ang sinumang nag-aaral ng aklat ng Jeremias ay masusumpungan ang sariling nayayamot sa ilang bagay sa aklat. Mahirap unawain kung kailan naganap ang karamihan sa mga sinabi ng propeta. Ang mga bagay ay hindi nasusulat nang pasunod-sunod ayon sa oras. Humula siya sa panahon ng ilang mga hari, at masusumpungan ng mambabasa na mahirap madetermina kung sino ang naghahari sa mga pasahe.
Minsan sa aklat, ang materyales ay nakaayos ayon sa tema at hindi kung kailan naganap ang pangyayari. Isang halimbawa ay matatagpuan sa kabanata 18 at 19. Ang dalawang kabanata ay maaaring hindi nangyari nang sabay sa oras ngunit sila ay may isang pagkakapareho. Ang pagkakapareho nila ay luwad.
Sa kabanata 18, kinukumpara ng propeta ang Juda sa luwad. Ang Diyos ang magpapalayok at Kaniyang hinuhugis ang Juda upang maging bansang pinagpala. Ngunit dahil sa kanilang kasalanan, inulit ng Diyos ang luwad. Ngayon, sila ay isang bansang malapit nang wasakin ng mga taga-Babilonia.
Ang puntong ilustrasyon ay maari silang hugisin ng Diyos sa paraang sila ay pagpapalain, o sa paraang sila ay susumpain. Ang bansa ay maaaring magsisi, at uulitin ng Diyos ang luwad. Maaari nilang baguhin kung ano ang mangyayari sa kanila. Ang luwad ay malambot (masdan ang maikling bidyu na ito). May pag-asa pa para sa bansa.
Sa kabanata 19, ang propeta ay muling nangusap tungkol sa magpapalayok. Sa pagkakataong ito, ang pinag-uusapang luwad ay tumigas na sa hugis banga. Ito ay isang bangang ginagamit sa pagsalok ng tubig. Sinabihan si Jeremias na tipunin ang mga pinuno ng Juda at pangunahan sila palabas ng lunsod. Dito kaniyang binuhos ang tubig mula sa banga, na nagpapakita na ang kanilang mga plano ay mabubuhos sa kawalan (19:7).
Pagkatapos binasag ni Jeremias ang banga sa harap ng mga pinunong ito. Nagpapakita ito na ang mga mamamayan ng Juda, kabilang na ang lunsod ng Jerusalem at ang templo, ay mawawasak. Pinunto niya na ito ay hindi na mababago. Ang bangang gawa sa luwad, sa sandaling tumigas, kapag nabasag ay wala nang kabuluhan.
Madaling makita ang pagkakaiba sa pagitan ng kabanata 18 at 19. Sa kabanata 18, ang luwad ay maaaring baguhin ang hugis. Ang mga bagay ay mababago pa. ngunit sa sandaling ito ay pinatigas sa isang banga, hindi na muling mababago ang hugis nito. Ang isang bangang gawa sa luwad ay hindi na mababago. Kapag ito ay nabasag, wala na itong halaga at marapat nang itapon. Sa kabanata 18 ang Israel ay tila luwad sa kamay ng magpapalayok. Maaari nilang baguhin ang kanilang mga gawi. Ang kapahamakan ay maiiwasan. Nang si Jeremias ay mangusap sa mga tao sa kabanata 19, hindi na ganuon ang sitwasyon. Huli na ang lahat. Sila ay pinatigas na, gaya ng luwad sa banga, sa kanilang idolatriya. Dinetermina ng Diyos na ang paghuhukom ay darating sa bansa.
Bagama’t si Jeremiah ay nangungusap sa bansang Juda, ang mga kaparehong prinsipyo ay lalapat sa atin bilang mga indibidwal na mananampalataya. Ang may-akda ng Hebreo ay nagsasabing maaari tayong patigasin din ng kasalanan (Heb 3:13). Ang kaniyang sinasabi ay ang kakayahan ng kasalanang linlangin tayo. Ipinangako ng Diyos na palalakasin tayo kapag tayo ay dumaraan sa mga suliranin, at gagantimpalaan tayo kapag pinanghawakan natin ang mga ito sa pamamaraang lumuluwalhati sa Diyos. Kapag tayo ay dumaraan sa mga kahirapan, maaari nating kumbinsehin ang ating mga sarili na hindi magagawa ng Diyos ang Kaniyang mga pangako. Maaari tayong malinlang at isiping mas maiging hanapin ang kaaliwan ng sanlibutan kaysa magtiwala sa mga pangako ng Diyos.
Ang saloobing ito ay inilalarawan bilang isang proseso ng pagpapatigas. Gaya ng luwad na nanggaling sa gulong ng magpapalayok at ginawang isang bangang seramiko, ang ating mga puso ay maaaring dumaan sa parehong bagay. Maaari tayong tumigas sa kawalan ng pananampalataya sa kabutihan ng Diyos sa atin at tumigas sa ating pag-ibig sa sanlibutan.
Sa Jeremias, ang katigasan ng mga tao bilang isang bansa ay nagresulta sa pagkawasak ng kanilang bansa sa kamay ng mga taga-Babilonia. Sa Hebreo, ang katigasan ng puso ay maaaring magresulta sa kawalan ng kahangahangang walang hanggang gantimpala para sa indibidwal na mananampalataya.
Mayroon isang pagkakaiba sa pagitan ni Jeremias at ng may-akda ng Hebreo sa isyung ito. Ang gamit ni Jeremias ng banga ay isang mensahe sa bansang malayong malayo na. Ang isang mananampalataya, sa kabilang banda, ay maaaring magsisi ng kaniyang mga kasalanan at bumalik sa pakikisama sa Panginoon.
Ngunit tayong mga mananampalataya ay kailangang maging lubos na maingat sa ating pagtago ng mga babala sa Jeremias 18-19 sa puso. Ang kasalanan ay maaaring maglinlang sa atin. Maaari tayong patigasin ng kasalanan. Habang tumatagal, ang prosesong ito ay nagpapahirap sa Espiritu Santong ipakita sa atin kung gaano na tayo kalayo nahulog sa pakikisama sa Panginoon. Sa sandaling makita natin ang ating mga sarili na nahuhulog sa panlilinlang ng kasalanan, kilalanin natin ito. Kapag ginawa natin iyan, tayo ay mas hawig sa luwad sa mga kamay ng Magpapalayok kaysa sa pinatigas na luwad sa banga.