Therefore, my beloved, as you have always obeyed, not as in my presence only, but now much more in my absence, work out your own salvation with fear and trembling.
Maraming tao ang pinapaliwanag ang kaligtasan sa sitas na ito bilang walang hanggang kaligtasan mula sa impiyerno. Sa paniniwala ko ito ay mali.
May mga naniniwala na ang Fil 2:12 ay nagtuturo na ang mga Kristiyano ay kailangang gawin ang kanilang eternal na kaligtasan sa pamamamagitan ng pagsunod sa Diyos. Ang pag-unawang ito ay hindi matatagpuan sa Biblia.
Sa suhestiyon ng iba ang susi sa pagkaunawa ay nasa salitang out. Working out ay iba raw sa working in. Ayon sa kanila pinapayo ni Pablo na dapat nating isabuhay ang ating eternal na kaligtasan. Inaalis ng pananaw na ito ang kahinaan ng unang pananaw ngunit sa aking paniniwala hindi ito ang tamang pagkaintindi ng sitas.
Sa artikulong ito aking ihahayag ang isa pang pananawa na sa pakiramdam ko ay mas nalalapat sa konteksto at sa gamit ni Pablo ng salitang kaligtasan at work out.
MGA MANANAMPALATAYA ANG PINAG-UUSAPAN
Sa ating sitas tinawag ni Pablo ang kaniyang mga mambabasa na “mga minamahal”, isang parirala na ginagamit niya lamang sa mga mananampalataya. Tingnan din ang 1:1 kung saan kinilala ni Pablo ang tumanggap ng kaniyang sulat: “sa mga banal kay Kristo Jesus na nasa FIlipos.” Ang mga mananampalataya ay ligtas magpakailanaman at hindi nila maiwawala ang kaligtasang ito.
SI PABLO AY NANANAWAGAN SA MGA MANANAMPALATAYA SA NAGPAPATULOY NA PAGSUNOD
Sinimulan ni Pablo ang sitas na ito sa mga salitang, “kung paano ang inyong laging pagsunod.” Inaasahan natin siya na kaniyang sasabihin, “patuloy kayong sumunod.” Hindi niya man ito sinabi sa eksaktong pakasabi, ito ang diwa ng kaniyang sinulat. Ang woking out your own salvation ay isang paraan ng pagsabing magpatuloy kayo sa pagsunod. Ang mga sumusunod na konteksto ay sumusuporta sa konklusyon na ito.
MAY TAKOT AT PAKIKINIG?
Ang mga mananampalataya ay hindi dapat matakot sa impiyerno- si Jesus ay nangangako na tayo ay hindi tutungo duon (Juan 3:16-18; 5:24), ngunit tayo ay dapat matakot sa Panginoon. Ang pagkatakot na ito ay sumasalamin sa matinding paghanga sa Kaniyang kadakilaan (eg Is 6) at paggalang sa Kaniyang disiplina (eg. Heb 12:3-11). Ang mga mananampalataya ay dapat magkaroon ng nagpapatuloy na pagsunod nang may paggalang na may gumagalang na takot.
KALIGTASAN MULA SAAN
Ang salitang kaligtasan (Gk. Soteria) ay tatlong beses lamang ginamit sa Filipos. Sa 1:19 ang sabi ni Pablo, “Sapagkat nalalaman ko na ang kahihinatnan nito’y sa aking ikaliligtas, sapamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Kristo.” Sinulat ni Pablo ang Filipos mula sa kulungan (tingnan ang Fil 1:12-14). Samakatuwid ang kaligtasan na binabanggit sa 1:19 ay maaaring tumutukoy sa pagkaligtas ni Pablo mula sa kulungan. Subalit sa v 20-26 si Pablo ay nagbigay ng hints na bagama’t inaasahan niya na siya ay lalaya (vv 25-26), maaaring luwalhatiin niya si Kristo sa kaniyang kamatayan (vv 20-23). Kung ganuon, maaaring ginamit ni Pablo ang kaligtasan bilang metapora sa pagtatagumpay sa mga pagsubok na kaniyang hinaharap sa pamamagitan ng pagdakila kay Kristo makalaya man siya o hindi. (Tingnan ang aklat ni Zane Hodges, The Gospel Under Siege, Second Edition, pp. 96-99.). Alin man sa dalawa, malinaw na ang salitang kaligtasan sa v 19 ay walang kinalaman sa eternal na kaligtasan ni Pablo!
Sa 1:28 sinabi ni Pablo na kung ang mga Kristiyano sa Filipos ay nagpakita ng kawalan ng takot sa kanilang mga kaaway (ie sa pamamagitan ng matapang na pagpapahayag kay Kristo at pamumuhay para sa Kaniya), ito ay patunay sa kanilang mga kaaway ng kanilang kapahamakan (Gk. Apoloeia) at sa mga Kristiyano sa Filipos ng kanilang sariling kaligtasan. Ang kaligtasan sa 1:28, gaya ng 1:19, ay may dalawang posibleng kahulugan. Una, ito ay maaaring tumukoy sa pagkaligtas mula sa temporal na mga kahirapan- mga kahirapan na ang mga kaaway ng Diyos ay hindi matatakasan (sila ay makararanas ng pagkawasak). Pangalawa, ito ay maaaring tumukoy sa mga mananampalatayang tagumpay na naluwalhati si Kristo sa gitna ng mga temporal na kahirapan, matakasan man nila ito o hindi. Sa parehong kaso, ang temporal, at hindi eternal, na kaligtasan ang nakikita. Kapag binalikan natin ang 2:12 inaasahan natin na ang salitang kaligtasan ay ginamit ni Pablo sa parehong diwa gaya ng naunang dalawang gamit. Inaasahan natin na ito ay isa pang reperensiya sa temporal (sa ngayon at sa darating) na kaligtasan. At ito nga ang tunay na kahulugan ng sitas na ito.
Ang kaligtasan ng 2:12 ay maaaring tumutukoy sa kaligtasan mula sa paghihirap na dinadala ng Diyos sa mga suwail o sa kaligtasan sa gitna ng mga pagsubok na dinaranas ng mga tapat ngunit hindi nangangahulugan na ito ay matatakasan.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG “WORK OUT”?
Ang salitang work out (katergazomai) ay nangangahulugang “achieve, accomplish, bring about, produce [or] create” (BGD, p. 421). Pinapayuhan ni Pablo ang mga mananampalataya sa Filipos na kanilang tamuhin ang kanilang sariling kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos. Ito ay tama kung ang pinag-uusapan ay temporal na kaligtasan. Ikumpara ang 1 Cor 11:30; Santiago 1:21; 2:14; 5:19-20.
Ang salin na work out ay maaaring makadaya sapagkat ang isang kahulugan ng work out ay i-exercise ang isang bagay na mayroon na tayo (eg “he works out three times a week”). Hindi ito ang ibig sabihin ng salitang Griyego. Ito lamang ay maisasalin na work out sa pakahulugan na may na-accomplish ka na isang bagay (hal “he worked out a solution to the budget deficit”). Ang ideya na ang salitang out ang susi sa pagkaintindi ng sitas na ito ay hindi sinusuportahan ng kahulugan ng salitang Griyego o ng konteksto.
PAGBUBUOD
Sa artikulo na ito, aking pinakita na ang Fil 2:12 ay hindi tumutukoy sa eternal na kaligtasan. Sa halip ito ay tumutukoy sa temporal na kaligtasan mula sa mga kalamidad na dumarating sa mga suwail o sa tempral na kaligtasan sa gitna ng mga pagsubok na dinaraanan ng mga tapat.
Dahil diyan, magtrabaho tayo at patuloy na magtrabaho. Hanapin natin ang lahat ng mga pagkakataon upang luwalhatiin si Kristo. Alalahanin natin na ang pagsunod sa DIyos ay may gantimpala at ang hindi pagsunod sa Kaniya ay may kapalit.
Ang ating Diyos ay tunay na kahangahanga. Marapat lamang na ang lahat ng nagmamahal at gumagalang sa Kaniya ay sumunod sa Kaniya.