Halos 750 taon bago si Cristo ipinanganak, hinula ng Propeta Isaias ang Kaniyang pagdating at sinabing Siya ay magiging Lalaki ng Kapanglawan at Siya ay gaya ng Isa “na pinagkublihan ng mukha ng mga tao” at “bihasa sa mga karamdaman” (Is 53:3). Maraming nagkomento sa katotohanang ang mga hula ni Isaias tungkol sa Panginoon, partikular na ang Isaias 53, ay nakaturo sa Kaniyang marahas na kamatayan sa krus. Ito ay tama.
Ngunit ang Kaniyang kapanglawan ay higit pa sa Kaniyang kamatayan. Sa katotohanan, ang Kaniyang buong ministri, simula sa Kaniyang bautismo (Lukas 3:22) ay maaaring ilarawan bilang puno ng kapanglawan. Sa Kaniyang bautismo, ang tinig ng Ama ay nagpahayag na si Jesus ang Kaniyang minamahal na Anak. Ang mga salita ng Ama ay malamang na alusyon sa isa pang hula ni Isaias (Is 50:6, 14) tungkol sa Kaniyang mga kapanglawan, na nagtuturo sa paghihirap na babatahin ng Panginoon sa kamay ng Bansang Israel.
Samakatuwid, alam ng Panginoon sa simula pa lamang na Siya ang Lalaki ng Kapanglawan ni Isaias. Matapos ng Kaniyang bautismo, ang Panginoon ay tinukso ni Satanas sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Sa panahong iyan, si Jesus ay walang pagkain (Lukas 4:1-13). Ang Kaniyang gutom at pag-iisa sa ilang na iyan ay anino ng mga kahirapang Kaniyang haharapin.
Matapos Siyang tuksuhin ng masama, ang pangangaral at pagpapagaling ni Jesus ay nagsimula na. Naglakbay Siya sa buong Galilea, na nangangaral sa maraming sinagoga at nagsagawa ng maraming himala ng pagpapagaling. Sinabi ng Kasulatan na ang mga tao ay namangha ng Kaniyang pangangaral. Inalok Niya ang kaharian ng Diyos sa bansa at, sa pamamagitan ng kapangyarihang Kaniyang ipinakita, ipinakita Niyang kaya Niyang gawin ang anumang Kaniyang sabihin.
May sandali sa Lukas kung saan ang Kaniyang buhay ay hindi naman kasinsama ng mahihinuha sa Kaniyang bautismo at panunukso sa ilang. Habang nangangaral sa Galilea, sinabi ni Lukas na Siya ay “niluwalhati ng lahat” (Lukas 4:15). Hindi nangangahulugang nakita ng lahat na Siya ang dibinong Anak ng Diyos, ngunit Siya ay ginalang/pinuri/pinahalagahan ng lahat dahil sa Kaniyang sinabi at nakita. Ito ay isang nakakaganang simula.
Ngunit hindi ito nagtagal. Isa sa Kaniyang tinigilan sa Galilea ay sa Kaniyang bayan sa Nazareth. Ang mga tao roon ay narinig ang Kaniyang pangangaral at pagpapagaling. Dumating ang Panginoon sa bayan upang magturo sa kanilang sinagoga. Hindi nakapagtataka, nagsalita Siya patungkol sa isa pang pasahe sa Isaias (Is 61:1-2; Lukas 4:18-19). Sa pasaheng ito, sinabi ni Isaias na palalayain ng Cristo ang Israel mula sa kaniyang mga kaaway at itatatag ang kaharian ng Diyos. Sinabi ng Panginoon sa mga tao na Siya ang katuparan ng mga hula ni Isaias. Paano tutugon sa Kaniyang mensahe ang mga taong kilala Siya mula pa pagkabata?
Tinakwil nila Siya. Sa simula, kinilala nilang ang Kaniyang mga salita ay mabiyaya (Lukas 4:22), ngunit nagkonklusyong hindi Siya ang Cristo. Ang kakatuwa ay ang kanilang aksiyon ay katuparan ng isa sa mga hula ni Isaias (Is 53:3). Ang Cristo ay hahamakin at itatakwil ng mga taong Kaniyang pinuntahan.
Nang sabihan sila ng Panginoon na sila ay gaya ng kanilang mga ninunong nagmalupit sa mga propetang Elias at Eliseo, ang mga tao ay nagalit. Hindi lamang nila tinakwil na Siya ay propeta; nakita rin nila Siya bilang isang huwad na propeta. Sinabi ng LT na ang mga huwad na propeta ay dapat patayin. Nagdesisyon ang mga taong isagawa ang sentensiyang ito. Sinubukan nilang ihulog Siya sa bangin, at matapos ay batuhin Siya hanggang mamatay.
Marami ang nagsabing ang mga pangyayaring ito sa Nazareth ay anino kung paano ang bansa, sa kabuuan, ay tatratuhin ang Panginoon. Ang Panginoon ay hindi napatay sa Nazareth. Ngunit ang sulat kamay ay nasa haligi na.
Ganito nagsimula ang ministri ng Panginoon sa lupa. Sinabi ng Ama na Siya ay magdurusa. Wala Siyang makain. Nanatili Siya sa ilang na lugar, na kinompronta ni Satanas. Pumunta Siya sa Kaniyang bayan upang ihayag ang pinakadakilang balitang narinig ng mga tao. Tinakwil at nais Siyang ipapatay ng Kaniyang mga kaibigan at kakilala. Ang Kaniyang ministri sa lupa, kung susukatin sa pamantayang pantao, ay napakadilim. Tama si Isaias. Siya ay Lalaki ng kapanglawan.
Hindi natin kailangang maging propesyonal na teologo upang maunawaan kung bakit pinagdaanan Niya ang mga ito. Ginawa Niya ito para sa atin. Habang Siya ay lumalayo sa Nazareth, hind natin alam kung ano ang Kaniyang iniisip. Ngunit kapa gating ipinahayag ang mensahe ng biyaya at ang mundo ay kakalabanin ang ating sinasabi, may isang bagay na ating nalalaman: Lalakad tayong kasama Niya.