Si AA ay may ilang magagandang tanong:
Ilang linggo na akong nakikinig sa iyong podcast (isang kaibigan ang walang sawang nagrekomenda nito). Gusto kong malaman kung paano mo sasagutin ang tanong na ito:
Patungkol sa 1 Timoteo 2:4, nais ba talaga ng Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao? Bakit hindi mas maraming tao ang nanampalataya? Bigo ba ang Diyos.
Pamilyar ako sa kung paano ito sagutin ng mga Calvinista ngunit kuryoso ako sa iyong pananaw.
Karamihan sa mga Calvinista ay nagsasabing ang anumang naisin ng Diyos, Kaniyang tinutupad. Kung ganuon hindi Niya kaloobang maligtas ang lahat ng mga tao. Ang ibig sabihin ng 1 Tim 2:4, ayon sa kanila, ay nais ng Diyos na lahat ng mga halal ay maligtas. Ito ang Kaniyang tinupad. (Tingnan ang artikulong ito ni John MacArthur.)
Ang ilan ay iniisip na ang kaligtasan dito ay hindi nangangahulugang mamumuhay kasama ng Diyos magpakailan man. Sa halip, ito ay tumutukoy sa kaligtasan mula sa pagkatali sa kasalanan sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng bayan ng Diyos.i
Maraming Calvinistang iniisip na ang salitang lahat ng tao ay tumutukoy sa lahat ng uri ng mga tao, kabilang na ang mga Gentil. Hindi ito nangangahulugang bawat isang mga tao. Nangangahulugan ito na lahat na uri ng tao (ie, tao sa bawat bansa at grupo). Tingnan dito.
Mayroon ding ilang Calvinistang nagsasabing ang Diyos ay may dalawang uri ng pagnanais- yung Kaniyang tinutupad at iyong Kaniyang nais makitang mangyari ngunit pinili Niyang huwag mangyari. Iniisip nilang ang 1 Tim 2:4 ay tumutukoy sa panghuling uri ng pagnanais. (Ito ang esensiyal na pananaw ni John Piper. Tingnan dito.)ii
Sang-ayon ka sa minoridad na posisyung Calvinistang ito (bagama’t hindi ako Calvinista).
Tunay na nais ng Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao, samakatuwid, na magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit hindi Niya pipilitin ang sinumang manampalataya at maligtas.
Tingnan halimbawa ang Mateo 23:37-39 at Juan 5:39-40. Pareho ang mga itong nagsasabing ang dahilan kung bakit may malawakang kawalan ng pananampalataya sa Israel ay hindi nais ng mga taong sumampalataya kay Jesucristo. Parehong nagsasabing nais ng Diyos na maligtas ang buong Israel. At lahat ng Israel ay maliligtas isang araw (Roma 11:26).
Ito ang dahilan kung bakit mas maraming tao ang ayaw sumampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Hindi nila nais na lumapot kay Jesus para magkaroon ng buhay (Juan 5:40). Ang dahilan ay ang daan ng pananampalataya-lamang-at-libreng-regalo ay walang saysay para sa maraming tao. Hindi ito lapat sa kanilang tradisyon (Budista, Hindu, Muslim, Calvinista, Arminiano, atbp), at hindi nila nais ikunsidera ang posibilidad na ang kanilang tradisyon ay mali.
Kunsidera ang ilan sa mga nais ng Diyos ngunit hindi nangyari.
- Hindi Niya nais na magkasala sila Adan at Eva.
- Hindi Niya na magkasala ang mga anak nila Adan at Eva.
- Hindi Niya nais na mamatay ang mga tao.
- Hindi Niya nais na bahain ang mundo at pumatay ng bilyon.
- Hindi Niya nais na bawasan ang buhay mula sa 900+ na taon at maging 70-100 taon.
- Hindi Niya nais na maghimagsik ang Israel sa Kadesh-Barnea.
- Hindi Niya na nais na itakwil ng Israel ang Panginoong Jesucristo.
- Hindi Niya nais na maipangaral ang mga huwad na evangelio.
Karamihan sa mga nangyayari ngayon at sa nakalipas ay salungat sa kalooban ng Diyos. Hinayaan Niyang mangyari ito sa maikling panahon sa kasaysayan ng tao. Ngunit hindi malaon, itatatag ni Jesus ang Kaniyang kaharian at maghahari ang katuwiran. Walang kasalanan o kawalang pananampalataya kapag pumasok tayo sa bagong sanlibutan. Ang lahat ng nais ng Diyos ay mangyayari sa wakas.
Hindi nabigo ang Diyos. Hindi maaaring mabigo ang Diyos.
Para sa karagdagan sa Calvinismo, tingnan ang “Ang Calvinismo ay May Kahon ng mga Misteryosong Sitas” dito at ang aking aklat Is Calvinism Biblical dito).
__________
- Tingnan si Luke T. Johnson, 1-2 Timothy (New Haven, CT: Yale University Press, 2008), p. 191. Bagama’t Katoliko si Johnson, ang kaniyang edukasyon ay eklektiko.
- Tingnan din si Thomas D. Lea, Hayne P. Griffin, Jr. 1,2 Timothy, Titus (Nashville, TN: Broadman & Holman Publishers, 1993), p. 89.