Si Lindsey ay may pinadala sa aking nakagigilalas na YouTube video. Si Justin Peters ay kinakapanayam ng tatlong kabataang Calvinista. Makikita ninyo ang video dito. Ang video ay may habang 28 minuto ngunit ang pangunahing punto ay lumitaw sa unang 5 minuto.
Ang pamagat ng video ay “Justin Peters Taught He Was Saved Until This Happened.” (“Inisip ni Justin Peters na Ligtas Siya Hanggang sa Mangyari Ito”). Si Peters ay may itinaas na mahusay na tanong ngunit ang nakalulungkot ay nagbigay ng maling sagot.
Inisip ni Peters na ligtas siya sa isang iglesiang Southern Baptist sa edad na pito. Komento niya, “Nagpahayag ako ng pananampalataya… Sumang-ayon ako intelektuwal sa lahat ng mga beysikong katotohanan ng evangelio, ngunit hindi talaga tunay na nakumberte, bagama’t akala ko oo” (1:05-1:20). Kalaunan pumasok siya sa isang seminaryo at naging evangelistang nangangaral sa iba’t ibang iglesia. Sabi niya, “Alam kong may mali, ngunit hindi ko alam kung ano ang mali” (1:30-350). “Tila may salungatan sa loob mismo ng evangelio, at ito ay sa isang banda tinuturo nating hindi tayo maliligtas ng gawa. Iyan ay aking nauunawaan. Ngunit upang maligtas, bigla tayong kumakambiyo at sasabihin sa mga taong kailangan nilang magsisi, na sa aking paninngin ay tila paggawa ng mabuti dahil iniisip kong ang pagsisisi ay isang bagay na ginagawa natin. Kailangan kong isaloob na tumalikod sa ilang tiyak na kasalanan… at ngayon, sa isang banda, masasabi mo bang ang pagsisisi ay hindi gawa, ngunit upang maligtas, kailangan mong magsisi, na ito ay isang uri ng gawa? Tila malaking salungatan ito sa loob mismo ng evangelio na hindi ko maunawaan. At wala akong nagtatagal na katiyakan ng aking kumbersiyon” (1:38-2:36).
Bago ko ibigay ang kaniyang solusyon, hayaan ninyong ilahad ko ang takbo ng kaniyang isipan:
Pangunahing premis: Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa.
Minor na premis: Ang pagsisisi ay isang gawa at kailangan upang maligtas.
Konklusyon: May salungatan sa nagliligtas na mensahe.
Minumungkahi kong iba dapat ang takbo ng kaniyang isipan:
Pangunahing premis: Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa.
Minor na premis: Ang pagsisisi ay isang gawa.
Konklusyon: Ang pagsisisi ay hindi kundisyon ng kaligtasan.
Ngunit si Peters ay dumating sa kabaligtarang konklusyon tungkol sa “salungatang ito.” Sa video, nagpatuloy siya sa pagsabing:
Ang tunay na pagsisisi ay isang gawa, ngunit ito ay gawa ng Diyos. Binigay ng Diyos ang pagsisisi sa atin. Ito ay regalo ng Diyos. Ang Gawa 5:30-31; Gawa 11; at 2 Tim 2:24, 26 ay lahat tumatalakay ng pagsisisi ng Diyos. Kaya sa katunayan, niligtas ako ng Diyos nang ako ay isa nang mangangaral (2:53-3:19).
Ayon sa mga Calvinista, ang pananampalataya ay gawa, ata ang pagsisisi ay gawa. Ngunit ang pananampalataya at pagsisisi ay parehong nauunawaan bilang mga regalo ng Diyos.i Kaya hindi mo kaya at hindi ka mananampalataya o magsisisi. Ang Diyos ang mananampalataya at magsisisi para sa iyo.
Ngunit hintay! Hindi ito tama. Walang sinumang maaaring manampalataya para sa iyo. Hindi ang iyong magulang. At hindi rin ang Diyos mismo. Ayon sa Juan 3:16, ang taong nanampalataya ang may buhay na walang hanggan. Kung ang Diyos ang nanampalataya para sa atin, Siya kung ganuon ang magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at hindi tayo.
Kaya hindi nasolusyunan ni Peters ang salungatang ito. Kung ang pagsisisi ay isang gawa at kailangan nating magsisisi upang maligtas matapos tayong bigyan ng Diyos ng kakayahang magsisisi, tayo ay may ginawa.
Hindi sinabi ni Peters sa pagpapatuloy ng panayam kung siya ngayon ay tiyak na ng kaniyang walang hanggang kapalaran. Hindi niay masasabi iyan dahil hindi niya matitiyak kung siya ay makatitiis (1 Cor 9:27) at binibilang niya ang pagtitiis bilang kundisyon ng pinal na kaligtasan.
Kalaunan, sinabi niyang ang mensahe ni Jesus-marahil tinutukoy niya ang nagliligtas na mensahe- ay tungkol sa “pagtanggi sa sarili, hindi ang pagkakaroon ng pinakamainam mong buhay ngayon, ngunit ang pagpapasan ng iyong krus, na isang panawagang mamatay para sa evangelio, tanggihan ang iyong sarili, patayin ang gawain ng katawan, ipako sa krus ang iyong laman, pagbabata para sa kaluwalhatian ng Diyos” (13:30-49). Hindi ba’t gawa rin ang mga ito?
Tama si Peters na ang pagsisisi ay gawa talaga. Ngunit hindi ito gawa ng Diyos. Ito ay gawa natin (hal Jonas 3:10; Mat 12:41; Pah 9:20-21; 16:9-11).
Si Peters ay may website na may pahayag ng doktrina (tingnan dito). Pinaliwanag niya ang kaligtasan sa ganitong paraan:
Ang kaligtasan ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang gaya ng pagkatala sa Kasulatan lamang para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang. Ang mga makasalanan ay ganap na masama, nangangahulugang kung hahayaan sa kaniyang sariling hulog na kalikasan, ang tao ay walang kakayahang iligtas ang kaniyang sarili, o kahit ang hanapin ang Diyos (Roma 3:10-11). Ang kaligtasan kung ganuon, ay sinimulan at tinapos nang mag-isa ng nagkukumbikta at nagbibigay-buhay na kapangyarihan ng Espiritu Santo (Juan 3:3-7; Tito 3:5) na Siyang nagbibigay pareho ng tunay na pananampalataya (Heb 12:2) at tunay na pagsisisi (Gawa 5:31; 2 Tim 2:23-25). Ginawa Niya ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos (Juan 5:24) na binasa at pinangaral. Bagama’t ang mga gawa ay ganap na walang merito para sa kaligtasan (Is 64:6; Ef 2:8-9), kapag ang pagbibigay-buhay ay nangyari sa isang tao, kaniyang ipakikita ang mga gawa o bunga ng pagbibigay-buhay na iyan (Gawa 26:20; 1 Cor 6:19-20; Ef 2:10).
Kung ganuon ang Diyos ang nagbigay sa atin ng pananampalataya at pagsisisi, at tayo ay nanampalataya at nagsisi. Sa kaniyang website, sa ilalim ng kahalalan, sinabi ni Peters na ang mga evangelista ay dapat umapela sa mga taong manampalataya at magsisi: “Salungat sa inaakala ng marami, ang doktrina ng kahalalan ay hindi dapat maging hadlang sa mga pagpapagal evangelistiko at/o apela sa mga taong magsisisi at magtiwala kay Cristo” (dinagdagang diin).
Ngunit kung ang pananampalataya at pagsisisi ay mga gawa, ang kaligtasan ay nangangailangan sa atin ng mga gawa. Hindi nasolusyunan ni Peters ang “salungatang ito.”
Dahil sa ang Juan 3:16 ay nagbabanggit lamang ng pananampalataya kay Cristo, at hindi pagsisisi, malinaw dapat na ang pagsisisi ay hindi kundisyon ng kapanganakang muli at ang pananampalataya kay Cristo ay hindi gawa (cf Ef 2:8-9). Sa katunayan, ang pagsisisi ay hindi nasumpungan kahit sang beses sa Evangelio ni Juan, ang tanging evangelistikong aklat sa Biblia (Juan 20:30-31).
___________
- Ang pananampalataya ay hindi regalo ng Diyos. Sa Ef 2:8-9, ng regalo ng Diyos ay ang kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ikumpara ang Juan 4:10 at Pah 22:17. Ang pagsisisi ay hindi rin regalo ng Diyos. “Hinayaan” ng Diyos ang pagsisisi, samakatuwid hinayaan Niya ang mga taong magsisi.