Sa loob ng maraming taon araw-araw akong nanunuod ng ilang minute ng Newsmax bago ako pumasok sa trabaho. Sa isang iglap, inalis ito ng aming cable provider.
Ngayong umaga, nanuod ako ng Fox News. Kinakapanayam ni Brian Kilmeade si Cardinal Dolan, Arsobispo ng New York. Ito ay kapanayam para sa Biyernes Santo.
Ang katapusan ng panayam ay tumanim sa akin.
Tinanong ni Kilmeades kung umaasa ba siyang maging Papa.
Sumagot si Cardinal Dolan, “Ako ay pitumpu’t tatlong taong gulang na. Masayang masaya na ako rito. At gaya nang sinabi ko nang una, ang tanging gusting kong gawin ay ang makapasok sa langit.”
Ngumiti si Kilmeade at sinabi, “Patungo ka na roon.’
Nakalulungkot na ang tugon ni Cardinal Dolan ay hindi ang ating inaasahan, “Sana nga.”
Narinig ko na ito dati mula sa mga pastor at teologong Calvinista at Arminiano.
Nakadebate ko na ang tatlo o apat na kilalang mga Calvinista. Lahat sila ay umaming hindi sila sigurado kung saan sila tutungo kapag sila ay namatay. Naniniwala silang tanging ang nakatiis sa pananampalataya at mabubuting gawa ang makapapasok. At hindi nila tiyak kung sila ay makatitiis.
Ilang Arminianong pastor at teologo na rin ang aking nakadebate. Parehong sagot. Hindi rin sila tiyak sa kanilang huling hantungan dahil hindi nila tiyak kung makatitiis sila hanggang kamatayan.
Kung ang mga nasa itaas ng parehong ministeryong Protestante at Katoliko ay hindi sigurado sa kanilang walang hanggang kapalaran, paano pa kaya ang karaniwang tao?
Ang sagot ay payak. Kailangan nating ihiwalay ang katiyakan mula sa pagtitiis. Ang ating walang hanggang kapalaran ay hindi nakadepende sa antas at pagpapatuloy ng ating tapat na paglilingkod kay Cristo.
Ngayon lang- Biyernes Santo- tinapos kong basahin sa huling pagkakataon ang isang aklat na malapit nang ilimbag na may titulong The Gospel Is Still Under Siege. Ito ay follow-up sa 1981 na aklat ni Zane Hodges na The Gospel Under Siege. In-email ko na ito sa typesetter ngayong hapon. Umaasa akong malilimbag ito at aabot sa aming taunang kumperensiya ngayong Mayo 22-25. Ang panayam ni Brian Kilmeade kay Cardinal Dolan ay nagpapaalala sa akin gang evangelio ay nasa ilalim pa rin ng pangungubkob.
Sana huwag ninyo akong ipagkamali. Hindi ko iminumungkahing ang mga pinunong Cristianong hindi sigurado sa kanilang kaligtasan ay sinasadyang atakehin ang evangelio. Hindi naman. Talagang hindi lang sila sigurado. Ibinahagi lamang nila ang kanilang kawalang katiyakan sa lahat ng makikinig. Ngunit anuman ang kanilang intensiyon, ang kanilang tradisyon- mapa-Calvinista man, Katoliko, Arminiano o Ortodoks- lahat ay kumakalaban sa pangako ng buhay na walang hanggang sa lahat ng sumampalataya lamang sa Panginoong Jesucristo.
Sigurado ka bang makasasama mo ang Panginoon at ang Kaniyang bayan magpakailan pa man? Hindi kailangan ang malaking pananampalataya. Ang kailangan lamang ay pananampalataya. Paniwalaan mo ang Salita Niya at matitiyak mo ang isyu ng iyong walang hanggang kapalaran magpakailan man. Tingnan mo ang Juan 3:16. Ipagpanalangin mo ito. Ito ay sadyang napakapayak.
Maligayang Domingo Ramos.