May magandang tanong si Andrew tungkol sa mga parabula:
Sinasabi ng kaibigan kong karamihan sa mga parabula ay patungkol sa kaligtasan at ang pangunahing tema ng BT ay kaligtasan. Sa pananaw ko karamihan sa mga parabula ay patungkol sa pagkawala ng pakikisama. Ano sa iyong opinyon ang pangunahing tema ng mga ito?
Ang isang pagsisiyasat sa internet ay nagpapakita ng pagkakaibang opinyon ng mga tao tungkol sa kung ilang parabula ang ibinigay ng Panginoong Jesus. May nasumpungan akong isang artikulong nagmumungkahing may ibinigay Siyang apatnapu’t anim na parabula (tingnan dito). Ang isa ay nagsasabing apatnapu’t tatlo (tingnan dito). Ang Gotquestions.org ay naglista ng tatlumpo’t pito (tingnan dito).
Ang tatlumpo’t anim ay isang mainam na bilang dahil hindi ko binibilang ang kahatulan ng mga tupa at kambing (Mat 25:31-46) bilang isang parabula gaya ng pagkalista ng gotquestions.org. Gaya nila, hindi ko rin binibilang ang Lukas 16:19-31 tungkol sa mayaman at kay Lazaro.
Para sa blog na ito, tatakayin ko ang kalahati ng mga parabula. Marahil susuriin ko ang natitirang labing walo kalaunan, ngunit sa paniniwala ko ang labing walong ito ay sapat na upang sagutin ang tanong ni Andrew.
Ganito ko hahatiin ang mga parabula patungkol sa kaligtasan at pagiging alagad:
Mga Parabula ng Kaligtasan
Wala. Wala kahit isang parabula ang ebanghelistiko. May ilang nagpapahiwatig tungkol sa parehong kaligtasan at pagiging alagad. Tingnan sa ibaba. Ngunit wala ang ekslusibong tungkol sa kaligtasan mula sa walang hanggang kaparusahan.
Mga Parabula Tungkol sa Pagiging Alagad
Ang Parabula sa Perlas na May Malaking Halaga (Tayo ang mangangalakal; binibili natin ang mana sa kaharian, sa madaling salita ang paghaharing kasama ni Cristo; ang pagpasok sa kaharian ay libreng regalong tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang), Ang Nawawalang Tupa, Ang Nawawalang Salapi, Ang Alibughang Anak, Ang Mga Arawang Manggagawa sa Ubasan, Ang Matuwid at Hindi Matuwid na mga Lingkod, Ang Marunong at Mangmang na mga Birhen, Ang mga Mina, Ang Mga Talento, at Ang Masamang Espiritu.i
Mga Parabula Tungkol sa Kaligtasan at Pagiging Alagad
Ang Apat na Lupa, Ang Sebada at ang Damo, Ang Piging sa Kasalan, Ang Dalawang Tagapagtayo ng Bahay at Ang mga Bata sa Pamilihan.ii
Mga Parabula Tungkol sa Kaharian
Ang ilang parabula ni Jesus ay tungkol sa parating na kaharian. Sinasabi nila sa ating ang kaharian ay parating at si Jesus ang Hari, at Siya ang bibili ng kaharian. Kabilang sa mga parabulang ito Ang Tumubong Binhi,iii Ang Natatagong Kayamanan, (Si Jesus ang Lalaki; binili Niya ang kaharian), at Ang Buto ng Mustasa.
May ilang mga parabulang nagpapahiwatig o nagpapahayag na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit hindi sila nagbibigay ng sapat na detalye para ang isang hindi mananampalataya ay maligtas dahil bigo ang mga itong iespisipika na si Jesus ang Tagapagbigay ng regalo ng buhay na walang hanggan. Ang mga parabulang inilista ko sa ilalim ng “Mga Parabula Tungkol sa Kaligtasan at Sa Pagiging Alagad” ay maaaring maunawaan bilang nagtuturong ang lahat ng nanampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan; subalit kailangan nating dalhin ang turo ng Evangelio ni Juan sa mga parabulang ito upang maunawaan ang mga ito.
____________
i Mateo 12:43-45; Lukas 11:24-26. Ang henerasyong ito ng mga Judio ng unang siglo ay tila isang lalaking iniwan ng isang masamang espiritu. Mayroon silang pagkakataong mamuhay nang malaya sa pagkaalipin. Subalit, kung kanilang itakwil si Jesus at ang Kaniyang mensahe, ang kanilang kalagayan sa huli ay mas masahol pa sa bago sila naturuan ni Jesus.
ii Mateo 11:16-19; Lukas 7:31-32. Ang parabulang ito ay mahirap iinterpreta. Sa tingin ko kinakatawan ng Panginoong Jesus at ni Juan Bautista ang mga batang nagpapatugtog ng plawta, ngunit ang mga tagapakinig ay hindi sumasayaw sa musika. Ang kalakhan sa mga Judio ay tumakwil sa pangangaral ni Juan at ng Panginoong Jesus, maging ang mensahe man ay ebanghelistiko o patungkol sa pagiging alagad.
iii Marcos 4:26-29. Ang ilang komentarista ay iniisip na ang parabulang ito ay patungkol sa ebanghelismo. Ang ilan ay iniisip na ito ay patungkol sa espirituwal na paglago ng mga mananampalataya. Ngunit malamang, ito ay patungkol sa parating na kaharian.