Kapag nagbabasa ka ng mga komentaryo sa aklat ni Jeremias, ang mga kabanata 30-33 ay madalas tawaging Aklat ng Kaaliwan. Ito ay dahil sa ang mga kabanatang ito ay naglalaman ng mabuting balita para sa mga Judio. Nag-usap sila tungkol sa kung kailang babalik si Cristo, magtatatag ng kaharian, magbibigay sa kanila ng bagong tipan, at titipunin sila mula sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ang lahat ng mga ito ay mangyayari sa mga huling araw. Tutuparin ng Diyos ang Kaniyang mga pangako kay Abraham, Isaac at Jacob. Isang maluwalhating hinaharap ang naghihintay sa kanila.
Ang apat na kabanata ay isang matinding kabaligtaran sa mga kabanatang nauuna sa mga ito, at sa mga kabanatang sumusunod. Sa kabanata 2-29, sinabihan ni Jeremias ang mga tao na ang Diyos ay galit sa kanilang kasalanan. Ang kanilang kasalanan ay napakasama. Bilang resulta, parurusahan Niya sila. Sila ay pupunta sa pagkatapon. Susunugin ng mga Babilonian ang kanilang mga siyudad. Wawasakin ang kanilang templo. Sila ay itatapon sa Babilonia sa loob ng 70 taon.
Matapos ang Aklat ng Kaaliwan, ang masamang balita ay nagpapatuloy. Simula sa Jeremias 34, ang mga Babilonian ay nasa trangkahan ng Jerusalem. Sinabi ng Diyos sa mga tao na ang kanilang mga patay ay tatambak sa loob ng kanilang haligi. Kung mayroon pa silang pag-asa na maligtas ang kanilang bansa, kalimutan na nila. Walang darating upang tulungan sila. Sa katotohanan, ang Diyos mismo ang nakikilaban sa kanila.
Maraming ganito ang pananaw sa Aklat ni Jeremias. Maraming masasamang kabanata. Tapos magkakaroon ng ilang kabanata ng napakagandang balita. Tapos, ibibigay na naman ang masasamang balita. Tunay, na ang mga dumadaan sa matitinding oras ay maaaring pagbigyan kung ganito ang kanilang kaisipan.
Ngunit gusto kong imungkahi ang isang sadyang radikal na pananaw sa mga masasamang kabanatang ito. Kahit ang masasamang kabanata ay maganda. Ang bansang Israel ay nahulog sa nakalulungkot na kasalanan. Iniwan nila ang Diyos at inihahandog nila maging ang kanilang sariling mga anak sa mga diosdiosan. Ang iba pa nilang kasalanan ay nagpapatong-patong na rin. Parurusahan sila ng Diyos para sa mga bagay na ito.
Ngunit ito ay mabuting bagay.
Anong mangyayari kung walang ginawa ang Diyos? Anong deprabidad ang kanilang kahuhulugan? Sinong mabuting ama ang hahayaan ang kaniyang mga anak sa ganiyang daan at walang gagawin? Nilinaw ni Jeremias na ayaw ng mga Judiong makinig. Determinado silang mamuhay at kumilos sa kanilang dating ginagawa. Kailangang itama ng Diyos ang Kaniyang naliligaw na bayan. Kailangan Niyang agawin ang kanilang atensiyon. Ito ang dahilan kung bakit nangyari sa kanila ang “masasamang bagay” na ito.
Gaano kalaki ang pag-ibig ng Diyos upang gawin ang Kaniyang ginawa! Pumunta sila sa Babilonia bilang mga bihag, ngunit ito ang tanging paraan para italikod sila sa kasamaang kanilang ginagawa. Sa Babilonia binitawan nila ang kanilang mga idolo. Ang aklat ni Esdras ay nagsasabi sa ating ang bayan ay bumalik na may ganap na bagong saloobin.
Ang “masasamang” kabanata ng Jeremias ay isang demonstrasyon ng biyaya ng Diyos sa Kaniyang bayan. Ang mga huwad na propeta ay nagsasabing labanan nila ang mga Babilonian, ngunit sinugo ng Diyos si Jeremias upang sabihan silang magpasakop sa mga Babilonian. Sinugo ng Diyos ang mga Babilonian upang ituro ang mga bagay na dapat nilang alaman. Nais ng Diyos na matutunan nila ang kanilang leksiyon at huwag makinig sa mga huwad na propeta (Jer 27:1-9).
Ang mga huwad na propeta ay nagsasabi rin sa mga Judiong huwag na magkaroon ng anak. Magiging magaan sa kanila ang Diyos at at ang mga Babilonian ay malapit nang umalis. Minsan pa, sinugo ng Diyos si Jeremias upang sabihin sa mga taong Kaniyang dinidisiplina, ang bayan ng Juda, na dapat silang magkaroon ng mga anak. Ayaw ng Panginoon na hindi nila matamasa ang pagpapalang ito kahit pa pinaparusahan Niya sila sa kanilang mga kasalanan (Jer 29:1-7).
Ang punto ng lahat ng ito ay kahit pa marahas ang Diyos sa Kaniyang pagtrato sa Kaniyang bayan, ginagawa Niya ito nang may kaawaan at pag-ibig sa Kanila. Nais Niyang matuto sila ng mga espiritwal na leksiyon, ngunit ginagawa Niya ito dahil sa pagmamalasakit Niya sa kanila. Nais Niya ang pinakamahusay para sa kanila.
Pareho rin para sa mga mananampalataya ngayon. Kapag tayo ay kumbiktado ng ating kasalanan o nagbabata ng mga konsekwensiya ng ating makasalanang desisyon, tinuturuan tayo ng Diyos. Ang disiplinang ito ng Diyos ay para sa ating ikabubuti (Heb 12:7). Dapat tayong magalak na ang Panginoon ay hindi tayo hahayaang magpatuloy sa pinili nating mapangwasak na daan.
Si Jeremias ay kilala bilang iyaking propeta dahil sa lahat ng masasamang balitang ibinigay niya sa mga tao. Gusto kong magsimula ng bagong trend. Ang buong aklat (Kabanata 1-52) ay dapat tawaging Aklat ng Kaaliwan.