Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Kakaunti Lang Ba O Marami Ang Maliligtas?

Kakaunti Lang Ba O Marami Ang Maliligtas?

July 18, 2023 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Sa Lukas 13:23, ang Panginoon ay tinanong kung iilan lang ba ang maliligtas. Sa kontekstong ito, ang Panginoon ay nagbabanggit ng kaligtasan patungkol sa bansang Israel. Ngunit ang tanong na ito ay madalas itanong sa mas malawak na diwa. Karamihan ba ng mga tao sa mundong ito ay magiging bahagi ng kaharian ng Diyos, o ang bilang ba ay napakakaunti?

Ang isyu ay may kinalaman sa isang talakayan tungkol sa Free Grace Theology. Sa loob ng maraming taon, ang aking karanasan ay kapag naririnig ng mga tao ang Free Grace na ipinapahayag, sasabihin nila, “Naniniwala kang ang lahat ay papasok sa langit. Nagtuturo ka ng ‘madaliang pananampalataya.’” Ito ang tugon ng bawat tagataguyod ng Lordship Salvation na aking nakasalamuha. Ang evangelio ng Free Grace ng buhay na walang hanggan bilang isang regalong walang anumang taling nakakabit at kailan man ay hindi maiwawala, ay hindi sapat ang hirap. Kung ang evangelio ng Free Grace ay totoo, kung ganuon ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay napakadali anupa’t ang sinumang tumatawag sa kaniyang sarilig Cristiano ay papasok sa kaharian.

Ito ang pinakakaraniwang reaksiyon na natatanggap ko mula sa mga tao sa ibang bansa. Madalas ginagamit nila ang terminong hyper-grace upang ilarawan ang Free Grace. Sa karamihan sa mga bansang ito, ang “pagpasok sa langit” ay may kaakibat na panghabambuhay na pagtatalaga. Ang kaligtasan ay maiwawala, at mababawi lamang sa pamamagitan ng matinding pagpapagal. At ito ay maaaring maiwala ulit kapag ikaw ay nagkasala, lalo kung “malaki” ang kasalanan.

Ngunit isang kakaibang bagay ang naganap nitong mga huling araw. Dito, sa Estado Unidos, ang kabaligtaran ang nagaganap. Kapag ang isang tao ay nangaral na kailangan ng isang hindi mananampalatayang magniwala na si Jesus ang magbibigay sa kanila ng buhay na walang hanggan, at sa sandali ng pananampalataya ang regalo ay matatanggap at hindi mawawala magpakailan man, sinasabi ng maraming tao na ito ay napakahirap. Sasabihin nilang iilang tao ang nanininiwala rito. Kakaunti lang ang may katiyakan ng buhay na walang hanggan. Ang karamihan sa mga iglesia ay naniniwalang maraming paraan upang matamo ito. Kung ang evangelio ng Free Grace ang evangeliong magliligtas ng isang tao mula sa lawa ng apoy, kung ganuon napakakaunti ng taong papasok sa kaharian.

Napakainteresante nito. Kapag naunawaan ng isang tao ang evangelio ng Free Grace, iba’t ibang tao ang tumitingin dito mula sa magkabilaang dulo ng ekspekstrum. Ang ilan ay sinasabing ito ay napakadali at kung totoo lahat ay ligtas. Ang iba ay nagsasabing ito ay napakahirap, at kung totoo halos walang taong maliligtas. Ano ang dahilan sa magkalayuan pananaw na ito ng parehong mensahe?

Marahil ang ilan sa ating nagpapahayag ng mensahe ng Free Grace ay hindi malinaw. Maaari nating pag-igihin ang pagpapahayag ng kahangahangang mensahe ng buhay na walang hanggan na ginarantiyahan ng Panginoon sa lahat ng sumasampalataya sa Kaniya para rito. Maaari nating igihan ang pagpapaliwanag na sa sandaling ikaw ay manampalataya sa Kaniyang pangako, ikaw ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan. Kailangan nating paalalahanan ang ating mga sariling maraming nakaupo sa mga silyang hindi pa naniwala ng mensaheng ito.

Isa pang dahilan sa pagkakaiba ng pananaw tungkol sa mensahe ng Free Grace ay kultural. Sa ilang lugar sa mundo, may napakalakas na impluwensiyang Arminiano. Ang pagkawala ng kaligtasan ng isang tao ay nakikita bilang isang napakadaling gawin. Ang mga nasa kapaligirang ito ay maeeskandalo sa ideyang maaaring malaman ng isang tao na siya ay may buhay na walang hanggang hindi maiwawala. Sa sitwasyong ito, ang mensahe ng Free Grace ay nakikita bilang napakagaan, na nagbibigay dahilan para sa maraming taong “makapasok,” at nagbibigay ng huwad na katiyakan.

Sa iba namang kapaligirang teolohikal, ang mensahe ng Free Grace ay eskandaloso sa ibang paraan. Lahat tayo ay may kilalang “mabubuting” Cristianong nagtakwil ng evangelio ng Free Grace. Ang kasaysayan ng iglesia ay puno ng mga denominasyong nagtakwil dito. Paano natin magagawang isiping ang mga grupong ito at ang mga taong ito ay mali, samantalang tayo ay tama? Paano natin nagawang isipin ang posibilidad na ang mga taong ito ay hindi makakapasok sa kaharian kung ang mga taong ito ay hindi talagang naniwala sa evangelio ng biyaya? Iniisip siguro ng mga nanghahawak sa Free Grace na sila lang ang makapapasok. Sa kapaligirang ito, ang mensahe ng Free Grace ay nakikita bilang napakahigpit; hindi nito pinapapasok ang maraming tao.

Nakakahanga di ba? Ang mga tao ay nakaririnig ng parehong mensahe, nauunawaan nang maayos ang mensahe ngunit nakararating sa ganap na salungat na mga konklusyon. Ngunit gamit ang kaunting pagninilay, ito ay hindi nakapagtataka sa tagataguyod ng Free Grace. Ang Masama ay binubulag ang isipan ng tao sa iba’t ibang paraan (2 Cor 4:4). Sa iba kaniyang sasabihing ito ay hindi totoo dahil nangangahulugan itong napakaraming tao ang maliligtas. Sa iba naman sasabihin niyang ito ay hindi totoo dahil napakakaunti ang maliligtas!

Ang buong talakayang ito ay nagpapaalala sa akin ng isa pang bagay. Sa mundo ng teolohiya, ang Free Grace ang paboritong paluin. Halos lahat ay nagnanais na paluin ito. Sa anumang debateng teolohikal na umiikot sa evangelio, nakasusumpong ako ng kaaliwan sa kaalamang ang mga kumakalaban sa mensahe ng biyaya ay hindi nagkakasundo sa kanilang mga sarili kung bakit sila laban dito. Marahil ito ay dahil sa tradisyon at kultura ng mga tagataguyod- sa halip na Kasulatan mismo- ang nagtutulak sa kanila sa kanilang mga konklusyon.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 8, 2025

The Non-Eternal Life Gospel (A Challenge) 

I have spoken on behalf of GES for many years. Both verbally and in print, I and others like me have been labeled as “non-(fill in the blank) gospel” believers. We believe the unbeliever must believe in...
December 8, 2025

The Importance of Daniel 9:24-27 and Daniel’s Prophecy of the Seventy Weeks

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are discussing Daniel’s prophecy of the seventy weeks. What do these weeks...
December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram