Nitong nakalipas na Thanksgiving, inubos ko ang aking linggo kasama ng pamilya ng aking pinakamatandang anak na babae. Ang kaniyang pinakabunsong anak na lalaki ay isang taon at may kalahating gulang at siyang aking pinakabatang apong lalaki. Taon na ang nakalipas nang ako ay nagkaroon ng ganiyang kabatang anak, kaya kulang ako ng ensayo sa mga bagay na ito. Laging isang karanasang di malilimot ang makapiling siya.
Siya ay isang taong makinang pangwasak. Saan man siya tumungo, may iiwan siyang gulo. Tatakbo siyang may isang medyas at iiwan ito kung saan na lang. Hindi pumasok sa kaniyang isipang pulutin ang laruan matapos niyang paglaruan ito. Natatakot akong banggitin kung paano siya kumain. Kahapon, ginawan ko siya ng isang plato ng inaakala kong mga paborito niyang pagkain. Sa isang iglap, tinapon niya ito sa sahig, na lubhang nagustuhan ng aso ng pamilya. Hindi ito dahil sa hindi siya gutom. Matapos itapon ang plato sa sahig, lumapit siya at humiling na pakainin ko siya ng kung ano ang nasa plato ko. Bagama’t ninanamnam kong makain ito, 90 porsiyento ng aking pagkain ang kaniyang inubos.
Kung titingnan ko ang maliit na taong ito bilang aking kapantay, masasabi kong siya ang pinakabastos na taong nabuhay. Iniisip niya lamang ang kaniyang sarili. Wala siyang ideya ng gawing sosyal. Noong Thanksgiving wala siyang anumang ambag na mga bagay na inisip kong dapat gawin upang magkaroon ng masayang holiday. Hindi siya naghugas, naglaba, o naghanda ng lamesa. Sa katotohanan, nagi pa siyang pahirap sa aming lahat na gawin ang mga bagay na ito. Sa istriktong pananaw na iyan, masasabing ang Thanksgiving ay higit na magiging masaya kung hindi naming kailangang ayusin ang kaniyang mga gulo.
Siyempre, alam nating hindi ganiyan ang tunay na nangyari. Ginawa niyang higit na masaya ang Thanksgiving. Hindi magiging kasinsaya kung wala siya. Mas nanaisin kong ipakain sa kaniya ang aking pagkain kaysa kainin ito mismo.
Isang pangunahing dahilang ganito ang ating pakiramdam ay dahil alam nating siya ay bata pa. Hindi natin siyang inaasahang umasta bilang isang matanda. Wala siyang ideya kung ano ang tamang gawi ng isang matanda. Kapag ginagawa niya ang kaniyang ginagawa, umaasta siya sa kung ano ang ating inaasahan.
Malinaw, na mahal ko ang batang iyan. Nagagalak ako na siya ay bahagi ng aming pamilya. Hindi ko maisip ang buhay na wala siya. Hindi mahalaga sa akin na kailangan naming maglinis dahil sa kaniya. Hindi ko nanaising magbago ang mga bagay.
Natanto ko nang linggong ito na mayroong analohiya sa Cristianong pamumuhay. Madalas nating marinig na kung gusto ng hindi mananampalatayang maligtas mula sa lawa ng apoy, kailangan niyang gumawa nang higit pa sa pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kailangan din nilang talikuran ang kanilang mga kasalanan. Sa ibang salita, kailangan niyang maipakita ang ilang tanda ng espirituwal na maturidad. Sa garapal na pananalita, hindi hahayaan ng Diyos ang sinuman sa Kaniyang pamilya nang hindi sumubok paano umasta nang tama.
Ridikuloso ang bagay na ito. Sa 1 Cor 3:1-2, sinabi ni Pablo sa iglesia sa Corinto na nang siya ay unang lumapit sa kanila, tinarato niya sila gaya ng mga sanggol at pinakain sila ng espirituwal na gatas, ang mga baysiko ng Cristianong pamumuhay. Hindi niya inasahan silang maunawaan kung paano umasta. Hindi nila alam kung ano ang dapat gawin.
Ngunit sila ay mananampalataya pa rin. Mayroon silang buhay na walang hanggan at sila ay nasa pamilya pa rin ng Diyos magpakailan pa man ( 1 Cor 1:2). Sa katotohanan, bagama’t ganito ang kanilang gawi, tinawag pa rin sila ni Pablong “mga kapatid kay Cristo” at “mga sanggol kay Cristo” (1 Cor 3:1).
Kapag tinitingnan ko ang aking apo, umaasa akong hindi na siya slob gaya ngayon sa susunod na sampung taon. Umaasa akong magkakaroon siya ng mas mainam na pagpapahalaga sa mga tao sa kaniyang paligid. Ngunit kahit slob pa rin siya at tanging iniisip lamang ang kaniyang sarili sa lahat ng oras, siya ay mananatili kong apo. Siya ay bahagi pa rin ng aking pamilya.
Kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan, hindi hinihingi ng Diyos na linisin niya ang kaniyang buhay para manatiling ligtas (Juan 3:16; 5:24; 6:35, 37, 39; 11:26; Ef 2:8-9). Hindi Niya inaasahan ang bagong mananamapalatayang umasta na gaya ng isang mature na Cristiano. Samantalang ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang ay nagdadala ng bagong kapanganakan, ang paglago ay nangangailangan ng oras (pansinin ang salitan pa sa 1 Cor 3:3).
Nakasisiguro ako na ang Panginoon ay tumitingin sa bagong mananampalataya kay Cristo sa paraang kapareho ng pagtingin ko sa aking apo. Nagagalak ang Panginoon na siya ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya, sa kung ano siya. Ngunit kung paanong ninanasa kong magmature ang aking apo, nasa din ng Diyos na ang Kaniyang mga anak ay magmature sa mga banal na tao.