At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, “Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako’y mabautismuhan?” At sinabi ni Felipe, “Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari.” At sumagot siya at sinabi: “Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios” (Gawa 8:36-37).
May binabasa ako ngayong isang buklet na ginamit ang Gawa 8:37 bilang isang prupteks. Matapos sipiin ito, sinulat ng awtor, “Ang kaligtasan ay isang gawain ng buong puso. Ito ay isang bagay ng karubduban. Hindi ito para sa mga hating-puso.”i
Sinumang kumuha ng kahit dalawang taon ng Griyego ng BT ay alam na ang Gawa 8:37 ay hindi masusumpungan sa maraming manuskrito. Wala ito sa Tekstong Kritikal (Critical Text) os sa Tekstong Mayorya (Majority Text). Tanging ilang manuskrito at salin (Latin, Coptic, Georgian, Slavonic at Ethiopic) ang mayroon nito. Tingnan ang artikulong ito ng CARM insert html here na nag-analisa ng ebidensiya. Ang Textus Receptus (TR) ang unang Griyegong BT. Tingnan dito (https://zondervanacademic.com/blog/textus-receptus) para sa dalawang minutong pagtalakay sa TR ni Dr. Dan Wallace. Ginamit ni Erasmus ang tatlo hanggang limang Griyegong manuskrito, ang ilang ay taglay ang Gawa 8:37. Dahil sa ang KJV at NKJV ay base sa TR at hind isa MT o CT, binilang nila ang Gawa 8:37 bagama’t karamihan sa mga saling Ingles ay hindi.
Wala alin man sa mga edisyon ng Tekstong Mayorya ang mayroong Gawa 8:37 sa kanilang teksto.
Matapos sipiin ang lahat maliban sa Gawa 8:37, sinulat ni F. F. Bruce:
Ito ang orihinal na kwento sa orihinal na teksto. Ngunit sa maagang petsa (marahil sa ikalawang siglo) isang editor ang hindi nasiyahang ito ay sapat na. Malamang siniguro ni Felipe ang katotohanan ng pananampalataya ng Etiope. (Walang dudang nasapatan si Felipe, ngunit may ilang kaisipang hindi nasasapatang iwan ang mga bagay na gay anito.) kaya ilang mga salita ang dinagdag na sumusubok sa pananampalataya ng lalaki…. (Acts, p. 178).
Pinapakita ng isang pagsusuri ng concordance na ang tanging sitas sa buong Biblia na nagbabanggit ng pananampalataya nang buong puso ay Gawa 8:37ii na hindi Kasulatan.iii
Ang salitang manampalataya ay ginamit nang 100 beses sa Evangelio ni Juan, ang tanging evangelistikong aklat sa Biblia (Juan 20:31). Minsan man ay hindi kinwalipay ng Panginoon o ng Apostol Juan ang pananampalatayang ito. Hindi sila nagbanggit ng buong pusong pananampalataya, totoong pananampalataya, tunay na pananampalataya, o iba pang pang-uring madalas gamitin ng mga mangangaral ngayon.
Maraming tao ang hindi naniniwala sa pag-aarng matuwid sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa. Ngunit nanggaling sila sa isang tradisyong nagsasabi lang nito sa bibig. Kaya kailangan nilang ikwalipay ang kahulugan ng pananampalataya. Ito ang paraan upang masabi nilang ang mga sumusunod ay mga kundisyon ng buhay na walang hanggan: pagtalkid sa mga kasalanan, pagsuko, pagtalaga, pagsunod at pagtitiis. Kung ang pananampalataya ay lahat ng mga ito, kung ganuon ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Hiwalay sa mga gawa ay pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pagsisisi, pagsuko, pagtatalaga, pagsunod at pagtitiis.
Mahirap paniwalaang ang pag-aaring matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa. Lalo na sa akin, dahil sa impluwensiya ng grupong sinless-perfection holiness na aking kinalakihan. Mahirap din sa mga lumaki sa karamihan ng mga simbahang Evangeliko ngayon. Hindi tio umaayon sa karaniwang pananaw ng katarungan. Paano magbibigay ang Diyos ng buhay na walang hanggan nang walang kapalit? Tiyak, kailangan ng isang taong mamuhay nang maka-Diyos na pamumuhay upang makapasok sa kaharian. Kung ang Kasulatan ay may ibang tinuturo, kailangang umayon ang Kasulatan sa inaakala nating tama.
Mali. Hindi mo kailangang manamapalataya nang buong puso kay Jesus para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Walang sitas na nagsasabi nito. Nanampalataya ka o hindi. Ang pagdadagdag ng pang-uri gaya nang buong puso ay nakalilito sa mga tao. Nag-aalinlangan sila kung sapat ang kanilang pananampalataya.
Buong puso ka bang naniniwalang ang dalawa at dalawa ay apat? Anong ibig nitong sabihin? Buong puso ka bang naniniwalang si Jesus ay pinanganak sa Bethlehem? Na Siya ay namataya para sa ating mga kasalanan? Na Siya ay bumangon mula sa mga patay? Walang sinumang magtatanong sa iyo kung naniniwala ka ng mga ito nang buong puso.
Nanampalataya ka o hindi. Hindi mo kailangang pahirapin ang pangako ng buhay na walang hanggan. Hindi ito pinahirapan ng Panginoon at ng Kaniyang mga apostol. Sola fide. Pananampalataya lamang.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
____________
i David W. Cloud, Does Salvation Make a Difference? P. 19. Ang buklet na ito ay nagtataguyod ng Lordship salvation.
ii Dalawang sitas ang nagbabanggit ng “sa iyong puso: (Roma 10:9) at “sa puso” (Roma 10:10). Mayroon ding isang sitas na nagbabanggit ng mabagal ang pusong manampalataya (Lukas 24:25) bagama’t ito ay sinabi sa mga mananampalatayang mabagal manampalatayang si Jesus ay bumangon mula sa mga patay. Ang pananampalataya sa puso ay nangangahulugang manampalataya sa loob (sa halip na magpahayag ng bibig, na panlabas). Ang puso ay hindi tumutukoy sa literal na puso kundi sa panloob na sarili kung saan nagaganap ang pananampalataya. Ang isipan at puso ay ginagamit nang salitan sa BT (hal Heb 8:10; 10:16; San 4:8).
iii Dapat pansining kahit pa Kasulatan ang Gawa 8:37, ang isyu ay bautismo, hindi kaligtasan. Siyempre, ang isang mangangaral na Lordship, gaya ni Cloud, ay maaaring sabihing ang kahulugan ni Felipe ay tanging mga ipinanganak na muli ang maaaring bautismuhan at siya ay maipanganganak lang muli kung siya ay manampalataya nang buong puso kay Jesus.