Ito ang titulo ng Kabanata 4 sa aking bagong aklat, The Gospel Is Still Under Siege. (Ilalabas namin ito sa Mayo 22 sa aming taunang kumperensiya, ngunit ito ay ibebenta na sa aming website sa Mayo 15.)
Sa alomg aklat, binigay ko ang paliwanag na ito: “Ang ibig kong sabihin sa mabubuting Cristiano, tinutukoy ko ang mga taong nagpapakilalang mga Cristiano, na namumuhay sa tatawagin ng karamihan bilang moral at matuwid, at naniniwalang ang pagtitiis sa mabubuting gawa ay kailangan upang matamo ang pinal na kaligtasan” (p. 46).
Ang aking sagot ay pamilyar sa mga nakaaalam sa aking mga pananaw. Oo. Kailangan ng mabubuting Cristiano na maligtas.
Tingnan ninyo ang Mateo 7:21-23. Nilalarawan ng Panginoon ang mabubuting Cristiano dito. Ngunit sinasabi Niya sa mga itong lumayo sa Kaniya dahil hindi Niya kilala ang mga ito. Walang makapapasok sa kaharian ng dahil sa kanilang mabubuting gawa. Mayroon lamang isang Daan, at ang Kaniyang pangalan ay Jesus. Binibigay Niya lang ang buhay na walang hanggan sa mga nanampalataya sa Kaniya at Kaniya lamang para rito.
Ang mga tao ay hindi maliligtas sa paniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa. Sila ay naniwala sa pangako ng buhay na walang hanggan- samakatuwid, sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalatayam hiwalay sa mga gawa- o sila ay nananatiling hindi ligtas (Juan 3:16; 5:39-40; 6:28-29; Ef 2:8-9).
Sabihin nating ang iyong mahal sa buhay ay isang napakabuting karismatikong Cristiano. Ngunit hindi siya kailan man nanampalataya kay Jesus para sa pangako ng buhay na walang hanggan. Kung ganuon siya ay mananatiling hindi ligtas, kahit pa siya ay isang mahusay na Cristiano. Ito ay totoo rin sa mga Katoliko, Ortodox, Iglesia ni Cristo, Calvinista at Arminiano.
Hindi natin ibinabahagi ang evangelio sa mga taong pinaniniwalaan nating naipanganak nang muli. Binabahagi natin ang evangelio sa mga taong inaakala nating nangangailangan ng buhay na walang hanggan.
Kaya ito ay isang napakahalagang tanong para sa iyo. Ang iyo bang mga Cristianong kaibigan at mahal sa buhay ay nangangailangang maligtas?