Si WW ay may napakainteresanteng tanong tungkol sa nagliligtas na pananampalataya:
IBIG ko ang iyong channel.
TANONG: Ang sabi ng Gawa 8:37, “At sinabi ni Felipe, ‘Kung nanampalataya ka nang buong puso ay mangyayari.’ At sumagot siya at sinabi: ‘Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios.’” Maaari bang maligtas ang isang tao sa pananampalataya kung ito ay hindi buong puso? Mayroong bang malimit manampalataya? Paano mo susukatin ang “BUO”?
Ito ang tanging sitas sa Biblia na nagbabanggit ng pananampalataya “nang buong puso.”
Ang totoo, walang ibang sitas sa Biblia na nagbabanggit ng antas ng pananampalataya.1
Subalit, may tatlong ibang sitas kung saan ang ekspresyong “buong puso” ay masusumpungan. Sinabi ng Panginoon na ang pinakadakilang utos ay “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo” (Mat 22:37; Marcos 12:30; Lukas 10:27). Ang mga sitas na ito ay mga sitas ng sanktipikasyon. Hindi nila hinahayag ang kundisyon para sa buhay na walang hanggan.
Ang Gawa 8:37 ay hindi masusumpungan sa karamihan ng mga manuskritong Griyego. Sa totoo, wala alin man sa tinatawag na Tekstong Mayorya o Tekstong Kritikal ang taglay ang sitas na ito. Ito ay masusumpungan lamang sa iilang manuskrito. Ang nakalulungkot, ang iilang manuskritong ginamit ni Erasmus na ginamit upang buuin ang Textus Receptus (TR) ay taglay ito.
Ayon sa Textual Commentary on the Greek New Testament ni Metzger, “Bagama’t ang pasahe ay hindi masumpungan sa huling manuskritong mediebal kung saan nagdepende si Erasmus para sa kaniyang edisyon (ms.2), ito ay nasa gilid ng isa pa (ms.4), kung saan mula rito ay dinagdag niya sa kaniyang teksto dahil siya “ay humatol na ito ay naalis dahil sa kapabayaan ng mga eskriba” (p 315-316).
Malinaw na ang pariralang ito ay hindi Kasulatan. Subalit, dahil may ilang taong naniniwalang anumang masumpungan sa KJV ay Kasulatan, magbibigay ako ng karagdagang komento.
Una, ang isyu rito ay bautismo, hindi kapanganakang muli. Ang Etiopeng bating ay nanampalataya na at naipanganak nang muli (Gawa 8:34-36).
Ikalawa, ang pinagtatalunang teksto ay hindi nagsasabing ang lalaki ay may ekstraordinaryong pananampalataya. Sinabi niya lamang na “Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Diyos.” Matapos nito ay binautismuhan siya ni Felipe. Hindi niya siya sinubok kung siya ay nanampalataya nang buong puso.
Ikatlo, tama si WW: Tayo ay nanampalataya sa isang bagay o hindi.
Ikaapat, gaya nang aking nabanggit sa itaas, walang ibang sitas sa Biblia ang nagbabanggit ng iba’t ibang antas ng pananampalataya.
Ikalima, ang Evangelio ni Juan, ang tanging aklat evangelistiko ng Biblia (Juan 20:30-31), ay sinipi ang Panginoong paulit-ulit na nagsasabing ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan, hindi mapapahamak, mamamatay espirituwal o itataboy. Hindi Siya nagbigay ng indikasyon na may partikular na sukat ng pananampalatayang kailangan upang maipanganak na muli.
Ikaanim, bagama’t maaaring may tagataguyod ng King Jame Only (KJVO) ang sisipi ng sitas na ito upang patunayang may espesyal na uri ng pananampalatayang kailangan upang maipanganak na muli, hindi ko sila batid. Ang hula ko ay karamihan sa mga KJVO ay nagtuturong, “whosoever surely meaneth me” (ang sinuman ay siguradong patungkol sa akin)2 Iniisip kong sang-ayon sila sa limang puntos na aking ginawa.
Ang sinumang manampalataya sa Panginoong Jesucristo ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapahamak (Juan 3:16; 5:24; 6:35, 37, 47; 11:25-27; 20:31; Gawa 16:31; Ef 2:8-9). Ito ay mabuting balita.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
________________
- Batid kong madalas magbanggit si Jesus ng “anong laking pananampalataya.” Subalit, tinutukoy Niya ang pananampalataya ng isang tao ng bagay na mahirap sampalatayahan at iilan lamang ang nananampalataya. Hindi Niya tinutukoy ang isang espesyal na uri ng pananampalataya. Para sa mas maraming detalye, tingnan ang artikulong ito sa postmodernong pananaw ng pananampalataya at ng artikulong ito tungkol sa mga kasabihan ni Jesus patungkol sa malaking pananampalataya.
- Ito ang titulo ng pamosong himno na madalas naming awitin sa First Baptist Dallas noong 1980 nang ako ay intern doon sa high school department.