Sinulat ni A. S.:
Hello. Salamat sa iyong mga artikulo. Ako’y tunay na naniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, sa pagtitiwala kay Jesucristo bilang Diyos at sa Kaniyang nagtutubos na kamatayan/dugo para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Subalit, ang isang Kasulatang laging nagbibigay sa akin ng kalituhan ay ang Mateo 7:13-14. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang Kaniyang sabihing kailangan nating magsikap na pumasok sa makipot na pintuan at ang daan ay mahirap? Iyan ba ay nagpapahiwatig ng matinding pakikibaka upang maligtas?
Sa madaling salita, paano natin ikukumpara ang Mateo 7:13-14 sa Roma 6:23, Galacia 2:16 o Roma 5:1?
Paunang pagpapasalamat sa iyong magiging tugon.
Tama siya nang kaniyang itanong kung paano ikumpara ang Mateo 7:13-14 sa ibang malilinaw na sitas na nagtuturo ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa. Iyan ang tamang tanong.
Iniisip ng ilan na ang Mat 7:13-14 ay isang tanong tungkol sa pagiging alagad at hindi kaligtasan mula sa walang hanggang kahatulan. Nauunawaan nila ang “daang patungo sa buhay” bilang pantukoy sa daan ng pagiging alagad na patungo sa mas masaganang buhay. Subalit, mas natural sa kontekstong ito na makita ang parirala bilang pantukoy sa buhay na walang hanggan at sa daan patungo rito (cf Mat 18:8-9; 19:1-17).
Kung ang pinag-uusapan ay ang buhay na walang hanggan at ang pag-aaring matuwid, alam nating ang kundisyon ay pananampalataya kay Cristo (Juan 3:16; 5:24; 6:47; Gal 2:16; Roma 5:1).
Maaari bang ang makipot na daan ay ang pananampalataya lamang kay Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan?
Kailangan ba ng ibang taong magsikap upang manampalataya sa pangako ng buhay na walang hanggan sa lahat ng mananampalataya?
Oo at oo.
Karamihan ng mga tao sa mundo ngayo ay tinatakwil ang mensahe ng pananampalataya lamang! Kahit pa ng mga nagpapakilalang mga Cristiano!
Ang pagiging galing sa ibang relihiyon ay maaaring dahilan upang hindi ka komportableng dumalo sa iglesia o makipag-usap sa isang Cristiano tungkol kay Cristo. Ang mensahe ng pananampalataya lamang ay tila walang saysay para sa iyo.
Ganuon din kung ikaw ay nanggaling sa karamihan ng mga tradisyung Cristiano. Hindi ka rin komportableng dumalo sa isang iglesiang nagpapahayag ng mensahe ng pananampalataya lamang.
Ang pagsisikap ay hindi kailangan upang maipanganak na muli. Hindi ito kailan man sinabi ng Panginoon. Ngunit karamihan sa Kaniyang tagapakinig ng mga legalistikong Judio, ang pagsisikap ay kailangan.
Kung inyong naranasang magbahagi ng mensahe ng pananampalataya lamang, alam mong karamihan sa mga tao ay tinatakwil ito. Karamihan ay buong galak na sasabihin sa iyo kung bakit ikaw nagpapahayag ng huwad na evangelio. Aakusahan ka nila ng madaliang pananampalataya. (Tingnan dito para sa isang blog sa madaliang pananampalataya. Maaari rin kayong makinig sa podcast na ito tungkol sa Mateo 7:13-14).
Marahil sabihin ninyo sa kanila ang tungkol sa makipot na pintuan. Paano kung ang makipot na pintuan ay ang mensahe ng pananampalataya lamang? Handa ka bang manalangin tungkol dito? Handa ka bang basahin ang Evangelio ni Juan at magnilay sa mababasa mo rito? Ang pagsisikap ba ay walang halaga para sa kanila?
Sa tingin ko kakatwa na marami ang handang magsikap na pumasok sa buhay sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa kanilang mga kasalanan, pagtalaga ng kanilang mga buhay kay Cristo at pagsimula sa landas ng pagiging alagad. Handa silang linisin ang kanilang mga buhay. ngunit hindi sila handang ikunsidera na mali ang kanilang pananaw. Sinaway ng Panginoon ang ilan sa mga legalistikong Judio, na sinasabi, “Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw kayong magsilapit sa Akin upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
Huwag kayong matakot na tanungin ang iba kung handa silang maniwala sa mensahe ng pananampalataya lamang. Imbitahin mo siyang manalangin at siyasatin ang Kasulatan nang may bukas na puso.