Si Bob (hindi ako) ay nagtanong ng napakahalagang tanong na ito: “Dapat bang ang mensahe ng ebanghelyo ay may lakip na panawagan sa mga tao na magsisi ng kanilang mga kasalanan?”
Kung ang “mensahe ng ebanghelyo” ay nangangahulugang ang mensahe ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang na pinagtanggol ni Pablo sa Galacia, ang sagot ay hindi. Ang mga salitang magsisi at pagsisisi ay hindi man lang natagpuan kahit isang beses sa depensa ni Pablo ng kaniyang ebanghelyo sa Galacia.
Kung ang “mensahe ng ebanghelyo” ay nangangahulugang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa mga gawa, na tinuro ng Panginoong Jesus gaya ng nasulat sa Ebanghelyo ni Juan, ang sagot pa rin ay hindi. Ang mga salitang magsisi at pagsisisi ay hindi man lang natagpuan kahit isang beses sa Ikaapat na Ebanghelyo.
Wala saan man sa buong Biblia na ang eternal na kapalaran ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang pagsisisi ng mga kasalanan. Ito ay isang doktrinang gawa lamang ng mga tao. Bagama’t ang mga intensiyon ay magaganda, ang katuruang ito ay sa katotohanan, sumasalungat sa mensahe sa pananampalataya lamang na turo ng Panginoong Jesus at Kaniyang mga apostol. Sa ibang salita, ang turong ito ay pumipigil sa mga tao na maipanganak na muli. Hangga’t ang sinuman ay naniniwalang ang kaniyang mga gawa, mabuti man o masama, ay esensiyal sa kaniyang walang hanggang kapalaran, hindi siya naniniwala sa mensahe sa pananampalataya lamang ng Juan 3:16.
Mayroon lamangisang lugar sa Biblia kung saan ang pagsisisi ay may kaugnayan sa isang mensahe ng ebanghelyo. Pansining sinabi kong isang mensahe ng ebanghelyo at hindi mensahe ng ebanghelyo. Madalas, sa mensahe ng ebanghelyo, pinapakahulugan natin ang mensahe ng pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang gaya ng masusumpungan sa Galacia.
Sa Marcos 1:14-15, ang Panginoong Jesus ay nangaral ng tinatawag na ebanghelyo ng kaharian. Mababasa, “Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Dios, at sinasabi, ‘Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi at magsisampalataya sa ebanghelyo.’”
Ang ebanghelyo ng kaharian ay ang mabuting balita na ang Panginoong Jesus ay nag-aalok sa henerasyon ng mga Judio ng oportunidad na pumasok sa kaharian. Ito ang Cades-Barnea 2. Kung ang lahat ng Judiong nasa edad nang panahon ni Jesus ay nagsisi at nanampalataya sa mabuting balita ng kahariang inalok, Siya ay babalik pitong taon matapos Niyang mamatay, mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit. Kailangan Niyang maghintay ng pitong taon dahil ang Tribulasyon ay hinula sa LT. Ito ay tinatawag na oras ng pighati ni Jacob.
Upang dumating ang kaharian lahat ng matandang mga Judio ay kailangang manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan at makisama sa Kaniya. Hindi iyan naganap nang unang siglo. Ngunit nais na sana itong mangyari ng Panginoon noon (Mat 23:37-39).
Ang Marcos 1:14-15 ay hindi nagtatalakay ng kundisyon kung paano ang isang tao ay maipanganganak na muli. Ito ay tumatalakay sa kundisyon para dumating ang kaharian. Mula pa ng unang siglo, hindi mabilang na milyong tao ang naipanganak na muli. Lahat ay naipanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa anumang uri ng gawa, kabilang na ang pagsisisi. Ngunit wala sa milyong taong ito ang nakapasok na sa kaharian. Ang kaharian ay hindi pa dumarating. Hindi ito darating hangga’t ang Israel ay manampalataya at magsisi.
Isang panghuling punto. Ang pananampalataya sa ebanghelyo ng kaharian ay nangangailangan ng pagsampalataya sa Hari para sa buhay na walang hanggan. Hindi ka makasasampalataya sa pangako ng Panginoong Jesus ng dating na kaharian malibang manampalataya kang ginagarantiyahan Niya ikaw ng lugar sa dating na kaharian dahil nanampalataya ka sa Kaniya.
Hindi. Hindi natin kailangang ipangaral ang pagsisisi upang maebanghelyo ang mga tao nang malinaw. Sa katotohanan, kung sasabihin natin sa mga tao na kailangan nilang magsisi upang maipanganak na muli, tayo ay nangangaral ng huwad na ebanghelyo. Nililito lamang natin sila.
Ang tanging kundisyon sa buhay na walang hanggan ay manampalataya sa Panginoong Jesucisto para sa buhay na iyan (hal. Juan 11:25-27). Sinasampalatayahan mo ba ito?