Tinanong ito ni Tom. Sabi niya marami na siyang tinanong na mga tao ng tanong na ito at ang kanilang mga sagot ay iba’t iba. Ang ilan ay nagsabing sila ay pinanganak na muli bago ang ministeryo ni Juan Bautista. Ang iba ay nagsabing nakarating sila sa pananampalataya sa pamamagitan ng ministeryo ni Juan. Ang iba ay nagsabi na nakarating sila sa pananampalataya nang sila ay tawagin ni Jesus na Kaniyang maging mga alagad.
Subalit ang iba ay nagmumungkahing hindi sila nakarating sa pananampalataya hanggang sa huling bahagi ng ministeryo ni Jesus o nanampalataya lamang nang si Jesus ay bumangon na maguli at nagpakita sa kanila.
Maihahayag ko nang may katiyakan kung kailan ang tatlo sa labing-isang alagad nakarating sa pananampalataya. At masasabi ko na ang labing-isa ay naipanganak na muli bago si Jesus tumungo sa krus, bagama’t hindi ko masasabi nang may katiyakan kung kailan ang bawa’t isa sa kanila nakarating sa pananampalataya (samakatuwid, maaari nating alisin ang huling dalawang mungkahi.)
Ang unang kabanata ng Juan ay nag-uulat na si Andres ay nakarating sa pananampalataya at dinala ang kaniyang kapatid, si Pedro, sa pananampalataya kay Cristo (Juan 1:41). Isa pa sa Labindalawa, si Felipe, ay nakarating sa pananampalataya nang sumunod na araw (Juan 1:45). Si Felipe naman ang nagdala kay Natanael sa pananampalataya kay Cristo (Juan 1:45-49). May nagmumungkahing si Natanael ay si Bartolomeo, isa pa sa Labindalawa. Subalit may posibilidad na si Natanael at Bartolomeo ay dalawang magkaibang tao, at ang una ay bahagi lamang ng mas malawak na grupo ng mga alagad ni Jesus.
Ipinapahiwatig, ngunit hindi direktang hinayag sa Juan 1, na si apostol Juan ay isa sa dalawang alagad na nang-iwan kay Juan Bautista upang sumama kay Jesus (Juan 1:32-39). Malaki ang posibilidad na si apostol Juan ay nakarating sa pananampalataya kay Cristo sa pamamagitan ng ministeryo ni Juan Bautista bago siya umalis upang maging alagad ni Jesus. Ngunit ito ay hindi tahasang sinabi.
Ang Juan 2:11 ay nagsasabi, “at ang Kaniyang mga alagad ay nanampalataya sa Kaniya.” Hindi natin alam kung sino ang mga alagad na ito. Iminungkahing ito ay hiwalay na grupo sa nabanggit sa Juan 1. Bilang karagdagan, bagama’t maaaring pinapakahulugan ni Juan na sila ay nakarating sa pananampalataya sa kasalan sa Cana, maaaring ang ibig niya lang sabihin ay nanampalataya sila sa Kaniya, hindi na ito ang unang pagkakataon nilang manampalataya sa Kaniya.
Alam natin na nang makarating tayo sa Juan 13:10 and Juan 15:3, na ang Labindalawa, maliban kay Judas Iscariote, ay naipanganak nang muli sa gabi bago namatay si Jesus. Ang Lukas 10:20 ay nagsasabing ang pitumpo, maliban kay Judas, ay nasa Aklat ng Buhay, nang sila ay suguin ni Jesus upang magministeryo.
Ang mas malaking katanungan ay ito: Bakit wala isa man sa mga manunulat ng Ebanghelyo ang nagbigay ng malinaw na mga pahayag na nagdedetalye kung kailan at paano ang Labing-isa nakarating sa pananampalataya kay Cristo? Ang suspetsa ko ang kasagutan ay dahil ang mga manunulat ng Sinoptik ay hindi ebanghelistiko ang layunin at ito ay hindi mahalaga sa kanilang mensahe, at si Juan naman ay nananawagan ng atensiyon sa Panginoong Jesucristo, at hindi sa Labing-isa.
Isa pang tanong ay: Mayroon bang magbabago kung sakali? Mahalaga ba sa atin kung si Mateo ay naipanganak na muli bago o pagkatapos na siya ay tawagin ni Jesus na maging isa Niyang tagasunod? Hindi.
Alam nating ang tao ay maipanganganak na muli sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, hindi ng pagsunod sa Kaniya (Juan 3:16; 5:24; 6:47). Samakatuwid, natitiyak nating ang Labing-isa ay hindi naipanganak na muli sa kanilang pagpiling sumunod kay Jesus. Bago man o matapos na sumunod kay Jesus, sila ay naipanganak na muli, gaya ng lahat, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Naghanap ako online at ang tanging artikulong nasumpungan ko tungkol sa paksang kailan naipanganak na muli ang Labing-isa ay isang blog tungkol sa Juan 2:11, at ako ang may-akda. Tingnan dito.
Maaaring hindi mo malaman nang may katiyakan kung anong araw, linggo, buwan o taon ka ipinanganak na muli. Hindi iyan mahalaga. Ang mahalaga ay ngayon mismo may katiyakan ka ng buhay na walang hanggang hindi maiwawala dahil nanampalataya ka kay Jesus para sa buhay na ito.
Huwag mong alalahanain kung kailan ang tiyak na oras na naipanganak na muli ang Labing-isa. Sa halip, tiyakin mong ikaw ay bahagi ng pamilya ng Diyos magpakailan pa man.