Gaya ng karamihan sa mga mambabasa ng blog na ito, malaking bahagi ng aking buhay ang aking ginugol sa pagdalo sa mga iglesiang ebangelikal. Karamihan sa mga dumadalo sa mga iglesiang ito ay nakikita ang Biblia bilang isang aklat na nagsasabi sa atin kung paano pumunta sa langit. Ito ay nakalulungkot dahil karamihan sa BT ay sinulat para sa mga mananampalatayang mayroon ng buhay na walang hanggan. Tanging ang Evangelio ni Juan ang sinulat para sa mga hindi mananampalataya. Ang ibang mga aklat ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng maka-Diyos na pamumuhay.
Marami sa mga Ebangheliko ang ganap na nasa ilalim ng impluwensiya ng kanilang maling pananaw ng Kasulatan, at ito ay nakaaapekto kung paano nila ipaliwanag ang maraming mga pasahe at malimit na nagreresulta sa hindi pagkaunawa sa intensiyon ng sumulat ng BT. Isang halimbawa ay masusumpungan sa Tito 1:1-2.
Iniwan ni Pablo si Tito sa isla ng Creta upang pumili ng mga pinuno sa mga iglesia. Ang mga pinunong ito ay magiging mahalagang salik kung paano ang mga mananampalatayang nakatira sa Creta ay magkakaroon ng maka-Diyos na pamumuhay. Tinukoy ni Pablo ang kaniyang sarili bilang isang alipin ng Diyos at isang apostol ni Jesucristo, “ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan, sa pag-asa sa buhay na walang hanggan…” (nagdagdag ng diin).
Sa tingin ninyo paano kaya nauunawaan ng karamihan sa mga nasa iglesia ebanghelikal ang mga salitang aking inilihis? Paano nila iniinterpreta ang pananampalataya, hinirang, katotohanan at buhay na walang hanggan sa mga sitas na ito? Sa tingin ko ang karamihan ay sasabihing tinutukoy ni Pablo ang pananampalatayang nagliligtas sa isang tao mula sa impiyerno at ang mga hinirang ay ang mga pinili ng Diyos na pumunta sa langit. Ang katotohanan ay ligtas ang mananampalataya. Ang buhay na walang hanggan ay madalas sabihing sumusuporta sa pananaw na ito. Lahat ng papasok sa kaharian ay may buhay na walang hanggan. Sa madaling salita, sinasabi lamang ni Pablo na ang mga Cristiano ay naligtas mula sa impiyerno.
Ang tradisyong ebanghelikal ay napakalakas anupa’t karamihan ay hindi na kinukonsidera ang posibilidad na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa ibang bagay. Ang hula ko ay kahit sa mga nanghahawak sa Free Grace, mayroong nanghahawak sa kaparehong pananaw sa Tito 1:1-2 gaya ng ibang ebangheliko. Ang Diyos ay nagpapaalala lamang kay Tito tungkol sa kahanga-hangang regalo ng buhay na walang hanggan na taglay natin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang.
Ngunit nais kong hamunin ang lahat na muling suriin ang tradisyong ito. Kung papansinin natin ang layon ng Aklat ni Tito, kukwestiyonin natin kung sinasabihan lang b ani Pablo si Tito na ang mga mananampalataya ay papasok sa kaharian ng Diyos. Kahit sa v1, si Pablo ay may binabanggit na kabanalan, na pinakamalamang na tumutukoy sa Cristianong pamumuhay. Bilang karagdagan, hindi lamang binanggit ni Pablo ang buhay na walang hanggan. Ang sinasabi niya ay, “sa pag-asa ng buhay na walang hanggan.” Ang mga mananampalataya ay mayroon ng buhay na walang hanggan, kaya iba ang tinutukoy ni Pablo- isang bagay na dapat nating hanapin.
May paraan upang maunawaan natin ang mga salitang ito sa mga sitas na ito na mas lapat sa konteksto. Tinutukoy ni Pablo ang pananampalatayang kailangan sa Cristianong pamumuhay , gaya ng sa Galacia, ng kaniyang sabihing ang mga mananampalataya ay dapat mamuhay ng ayon sa pananampalataya (Gal 2:20). Ang pananampalatayang ito ay nakabase sa katotohanang tinuro ng Panginoon at ng mga apostol- ang pananampalatayang ayon kay Judas ay dapat nating ipagtanggol (Judas 3). Tatawagin natin itong katotohanang tinuturo sa Kasulatan. Kung ang mga mananampalataya ay mamumuhay na gay anito, sila ay magkakaroon ngayon ng mas malalim na karanasan ng buhay na walang hanggang na kanilang taglay sa mundong darating. Ito ang pag-asang resulta ng kabanalan. Dahil dito ang mga mananampalataya ay naghihintay sa pagdating ng Panginoon at ng Kaniyang kaharian. Saka lang natin matatanto nang ganap kung ano ang ibig sabihin ng buhay na walang hanggan.
Ang mga hinirang sa Tito 1:1 ay hindi tumutukoy sa mga taong pinili ng Diyos, kahit hindi pa sila naipapanganak, upang tumungo sa langit. Ito ay tumutukoy sa Iglesia. Sa kaniyang introduksiyon kay Tito, sinasabi ni Pablo na ang Iglesia ay dapat mamuhay nang ayon sa mga katotohanang tinuro ng Panginoon at pinasa ng mga apostol. Ito ang nais ni Tito na mangyari sa Creta. Ito ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Pablo rito.
Ang uri ng salaming suot ng mga tao sa pag-iinterpreta ng Biblia ay nakakahanga. Madalas ay hindi nila namamalayang may suot silang ganito. Kahit tayo ay maaaring may suot din. Marahil ang ating mga tradisyong teolohikal ay dahiilan upang basahin natin ang Tito 1:1-2 sa paraang hindi intensiyon ni Pablo. Kayo ang magdesisyon kung ang aking mga mungkahi sa blog na ito ay mas maiging paraan upang unawain ang mga sitas na ito. Kung oo, sila ay nagbibigay sa atin ng mahalagang mga aral. Hayaan natin ang Kasulatang magsalita para sa kaniyang sarili, at lagi tayong may kamalayang maaari natin itong lapitang may bitbit na mga presuposisyong kultural at teolohikal na pipigil sa atin upang makita ang nais ng Panginoon na makita natin.