Q: Sa iyong blog na Five Differences Between Perseverance of the Saints and Eternal Security binanggit mo na ang kaligtasan ay nangangailangan ng “isang gawa ng pananampalataya.” Maaari mo bang linawin ang “isang gawa ng pananampalataya”? Gusto kong tulungan ang mga tao na ang pananampalataya ay hindi isang desisyon, at marahil napakaselan ko pagdating sa paglalarawan ng pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
A: Salamat sa pagkakataon upang magbigay linaw. Ano ba ang ibig sabihin na ang kundisyon ng kaligtasan ay “isang gawa ng pananampalataya”? Bakit ganito ang pagkasabi ko? Ito ang limang dahilan.
Una, ang manampalataya ay isang pandiwa (pisteuo). Ang mga pandiwa ay mga salita ng kilos; ito ang dahilan kung bakit ko nasabi na ang kundisyon ng kaligtasan ay isang gawa ng pananampalataya. Tayo ay paulit ulit na sinasabihan sa Kasulatan na ang nag-iisang kundisyon ng kaligtasan ay manampalataya sa Panginoong Jesus (eg Juan 3:15-16, 36; 5:24; 6:47; Gal 2:16; Ef 2:8-9).
Pangalawa, ang pananampalataya ay isang gawain ng isip (o ng kaniyang kasinkahulugan, ang puso). Hindi ka nananampalataya gamit ang iyong bisig, daliri sa paa o baga. Nananampalataya ka gamit ang iyong isip. “Magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip” (Roma 12:2). Ang pananampalataya ay isang kilos sa isipan na nagsisimula sa pag-unawa at nagtatapos sa pagsang-ayon– samakatuwid ikaw ay nakumbinse na ang isang bagay ay totoo. Halimbawa, si Abraham ay pinahayag na matuwid matapos marinig ang pangako ng Diyos, at siya ay “lubos na nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon” (Roma 4:21). May mga tao na minamaliit na sapat na ang pagsang-ayon sa isipan para sa walang hanggang kaligtasan. Sa aking karanasan ito ay madalas dahil sa (1) binago nila ang kahulugan ng pananampalataya upang isali ang mabuting gawa; o (2) binago nila ang pananampalataya bilang isang karanasan; o (3) hindi nila maihiwalay ang pananampalataya sa pangako ng walang hanggang buhay mula sa pananampalataya sa mga “historical” na katotohanan; o (4) hindi nila maunawaan na ang kapangyarihan ng kaligtasan ay nagmumula sa layon ng pananampalataya at hindi mula sa pananampalataya mismo. Ang iba ay minamaliit ang posisyon na ito sa pagsasabi ng “intelektwal na pagsang-ayon lamang”. Ang salitang “lamang” ay isang mapangmaliit na salita na ang ibig sabihin ay “napakaliit o napakanipis”, “hindi sapat” o kaya “hindi maigi at kulang”. At iyan ang punto. Ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng kaligtasan ay nararapat lamang kay Kristo, hindi sa iyo, at iyan ang dahilan kung bakit ang kaligtasan ay pananampalataya “lamang” sa Kaniya.
Pangatlo, ang walang hanggang kaligtasan ay nangangailangan lamang ng isang gawa ng kaligtasan. Ibig sabihin hindi mo kailangang manampalataya ng limang minuto, limang araw o limang taon para maligtas. Binigyan ka ni Jesus ng buhay na walang hanggang sa sandali na ikaw ay nanampalataya sa Kaniya para sa buhay. Ang katotohanan na ang kaligtasan ay nangangailangan lamang ng isang gawa ng pananampalataya ay makikita sa ilang halimbawa na ginamit ng Panginoon tungkol sa pagsampalataya sa Kaniya. Kinumpara ng Panginoon ang pananampalataya sa pisikal na kapanganakan, sa mga Israelita na tumingin sa tansong ahas upang gumaling, sa pag-inom ng tubig o sa pagkain ng tinapay. Ang mga ito ay mga halimbawa ng mga bagay na nangyari lamang sa isang sandali, hindi panghabambuhay. Ganuon din naman ang Biblia ay maraming halimbawa na nagpapakita na ang kaligtasan ay naganap lamang sa isang sandali- isipin natin sila Abraham (Gen 15:6), and eunukong Etiope (Gawa 8:26-40), ang prokunsol (Gawa 13:6-12), at ang tagapamahala ng kulungan (Gawa 16:25-34). Sila ay naligtas sa isang sandali sapagkat ang kaligtasan ay nangangailangan ng isa lamang na gawa ng pananampalataya, hindi patuloy na pananampalataya. Para sa impormasyon kung bakit ang kaligtasan ay hindi nangangailangan ng patuloy na mga gawa ng pananampalataya, tingnan dito at dito.
Pang-apat ang pananampalataya ay hindi isang pagpili o isang desisyon. Sa pilosopiya ito ay tinatawag na debate tungkol sa “doxastic voluntarism”. Bihira magkasundo ang mga pilosopo sa maraming mga bagay, ngunit sa aking karanasan marami ang umaayon na hindi mo mapipili ang iyong sasampalatayahan. Halimbawa, si Alvin Platinga ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa paglingon sa isang puno sa kaniyang bakuran: “Ang katotohanan ay ang ang ating mga pananampalataya ay hindi naiilalim sa ating boluntaryong control. Hindi natin ninais na buuin sila. Hindi ito gaya ng pagkatingin ko sa aking bakuran, at sa isang pamilyar na pamamaraan ay pinili kong manampalataya na may punong kahoy na nakatayo doon. Hindi ako namili kung ako ba ay mananampalataya na may puno o wala. Nasumpungan ko na lamang ang aking sarili na nananampalataya. Sa halimbawang ito, ang aking pananampalataya ay hindi ko kontrolado; hindi ito nakasalalay sa akin.” (Platinga, Knowledge and Christian Belief, 16). Upang masukat kung si Platinga ay tama, subukan natin ang eksperimentong ito- sa susunod na limang minuto, piliin mong maniwala na ikaw ay isang dolpin na lumalangoy malapit sa dalampasigan ng Nova Scotia. Hindi mo magawa hindi ba? Maaari mong maisip kung ano ang itsura noon, ngunit hindi mo mapili na mapanampalatayahan ito. Ito ang dahilan kung bakit tinatanggihan ng mga pilosopo ang direct doxastic voluntarism. Sa halip ito ay halimbawa ng indirect doxastic voluntarism; ibig sabihin, maiimplwensiyahan mon ang hindi direkta ang inyong pananampalataya gamit ang iyong pagpipili. Halimbawa, lumakad ka sa isang madilim na silid kung saan nakasarado ang mga ilaw, hindi mo mapipiling manampalataya na ang mga ilaw ay bukas. Subalit, maaari mong implwensiyan ang iyong mga pananampalataya sapamamagitan ng pagbubukas ng mga ilaw. Kapag ang mga ilaw ay bukas na, bubuuin mo ang ang pananampalatayang, “Ang mga ilaw ay bukas.” Ang ganiyang uri ng indirektang implwensiya ay totoo maging sa nakapagliligtas na pananampalataya.
Ang “Decision theology” ay mali sapagkat hindi mo mapipili na manampalataya. Pagkatapos mong marinig ang pangako ng buhay at ng utos na manampalataya, ikaw ay makukumbinse o hindi. Subalit maaari mong indirekta na implwensiyahan ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagpili na hanapin ang katotohanan, manalangin sa Diyos, magbasa ng Biblia, dumalo sa iglesia, makinig sa mga apologists, at paglalagay ng iyong sarili sa harapan ng ebidensiya na kukumbinse saiyo na manampalataya kay Jesus. Sa kabilang dako, ang isang makasalanan ay maaaring pumili na iwasan ang simbahan, huwag basahin ang Biblia, huwag makinig sa mangangaral, o huwag hanapin ang katotohanan, upang hindi niya makita ang mga ebidensiya na magtutulak sa kaniya na manampalataya kay Jesus. Kung kaya’t bagaman ang pananampalataya ay hindi isang desisyon, maaari mong indirektang impluwensiyahan ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga desisyon na iyong ginagawa.
Umaasa ako na ito ay nakatulong magpaliwanag kung bakit ko nasabi na ang kaligtasan ay nangangailangan ng isang gawa ng pananampalataya kay Kristo.