Ang Lukas 4:31-36 ay nagrekord ng isang pangyayaring nangyari sa simula ng ministeryo ni Cristo. Nagturo ang Panginoon sa sinagoga sa Capernaum. Walang duda, Siya ay nagtuturo tungkol sa kaharian ng Diyos. Naniniwala man o hindi ang mayoridad ng mga tao kay Cristo, nirekord ni Lukas ang kanilang iniisip tungkol sa Kaniyang pagtuturo. Sila ay nangapagtaka dahil sa Kaniyang sinabi, dahil “ang Kaniyang mga salita ay may kapamahalaan” (v32). Sila ay ganap na napahanga.
Ang dahilan sa kanilang reaksiyon ay hindi Siya nagtuturo na gaya ng tinuturo ng iba at hindi Siya nagtuturo sa paraang Kaniyang tinuro. Ang mga rabi nang araw na iyon ay sumisipi sa mga nakaraang rabi. Kahit ang mga propeta ng LT sa mga nakaraang siglo ay nagsalita lamang ng mga salitang kanilang inaangkin na mula sa Diyos. Hinula nila ang mga bagay na mangyayari.
Ngunit si Cristo ay hindi umapela sa mga nakaraang rabi. Nagsalita Siya sa sarili Niyang awtoridad. Nag-angkin Siyang katuparan ng propesiya. Ang lahat ng mga propeta ng LT ay tinuturo ang buong bansa sa Kaniya. Sa Kaniya, ang kaharian ng Diyos ay inaalok sa bansa. Sa katotohana, dahil Siya ay narito, masasabing ang kaharian ng Diyos ay malapit (Marcos 1:15). Madadala Niya ang kaharian sa piniling bayan ng Diyos.
Sino ang makapagsasabi ng kakaibang pananalitang ito? Anong kapangyarihan mayroon sa Kaniyang mga salita kung totoo ang mga ito?
Sa mga sitas na ito, hinayag ni Lukas na si Jesus ay hindi lamang nagturo sa sinagoga. Habang Siya ay nagtuturo, isang lalaking may demonsyo ang sumigaw. Sa isang espektakular na pamamaraan, sa Kaniyang salita lamang, ang demonyo ay napalayas.
Anumang eksorsismong narinig ng mga nasa sinagoga, ito ay kakaiba. Walang mga salitang mahikal na nabanggit. Walang mga rito. Nagsalita lang ang Panginoon at ito ay nangyari. Sinabihan Niya lang ang demonyo “na lumabas mula sa kaniya.” Sa gitna ng mga tao sa gusali, ang demonyon habang sumisigaw, ay sumunod sa inutos ng Panginoon.
Ang reaksiyon ng mga tao sa himalang ito ay halos kapareho ng kanilang reaksiyon sa Kaniyang pagtuturo. Hindi sila nakasaksi ng anumang kagaya nito. Sila ay nangagtaka sa Kaniyang pangangaral. Matapos na mapalayas ang demonsyo, sila ay nangagtaka. Ibinilang nila ang mahimalang pangyayari sa Kaniyang salita na hinayag ng may kapamahalaan at kapangyarihan (v36). Ipinapakita Niya sa pamamagitan ng himalang ito na ang Kaniyang makapangyarihang salita, na nagpahayag ng kaharian ng Diyos, ay may kakayahang gawing realidad ang kaharian sa pamamagitan ng paggapi kay Satanas.
Malinaw na sinasabi ni Lukas na ang pangangaral ni Jesus at ang Kaniyang abilidad na magpalayas ng demonyo ay demonstrasyon na ang Kaniyang salita ay may kapangyarihang gawin ang Kaniyang sinabi, dahil sa Kaniyang sariling kapamahalaan.
Hindi ba’t magandang ang makapangyarihan at maawtoridad Niyang salita ay binigay din sa atin? Isa sa aking paboritong halimbawa ay: “Sinasabi Ko sa inyo, siyang nakarinig ng Aking salita at nanampalataya sa Kaniyang nagsugo sa Akin ay may buhay na walang hanggan.” Nangako Siyang ang sinumang nakarinig ng Kaniyang salita at nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan ay mabubuhay magpakailan man kasama Niya sa Kaniyang kaharian. Ito ay makapangyarihang salita! Ito ay gumagapi kahit sa mismong kamatayan.
Gaano man tayo katagal nang mananampalataya, kahanga-hanga ang Kaniyang salita! Tayong nanampalataya rito ay makatutugon gaya ng mga tao sa Capernaum patungkol sa kanilang nakita at narinig. Sa katotohanan, magagawa natin ito sa mas malaking antas dahil tayo ay nanampalataya sa Kaniya bilang Cristo. Tayo ay nangagtataka sa Kaniyang makapangyarihang salita at sa ginawa nito para sa atin.