Pinapakita ng Genesis 37 at 38 na si Juda ay isang karnal an mananampalataya. Muntik na niyang ipapatay ang kaniyang kapatid na si Jose. Sumang-ayon siyang ipagbili si Jose sa pagkaalipin. Pinakasalan niya ang isang Canaanitang babae. Ang kaniyang dalawang nakatatandang mga anak na lalaki ay masama, at pinatay sila ng Diyos. Tumanggi siyang ibigay ang kaniyang manugang na babae, si Tamar, sa kaniyang bunsong lalaki. Namataya ang asawa ni Juda. Sunod-sunod na trahedya ang nangyari dahil sa kaniyang karnalidad.
Matapos ng sandali ng pagdalamhati, si Judah- na nag-aakalang umuupa siya ng patutot- ay nakisiping kay Tamar. Tanging nang madiskubre niyang siya ang maysala, saka niya lang ginawa kung ano ang tama. Ikinumpisal niya ang kaniyang kasalanan at tinanggap na siya ay higit na matuwid kaysa kaniya.
Ngunit sa kabila ng kaniyang karnalidad, pinili ng Diyos na pagpalain siya. Siya ang kapatid na piniling maging linya ng Mesiyas:
Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
At sa kaniya tatalima ang mga bansa. (Gen 49:10).
Nilagpasan ang tatlong nakatatandang anak na lalaki ni Israel sa pagpapalang ito dahil sa kanilang mayor na kabiguang moral (Gen 49:3-7). Sinabi ni Israel patungkol kay Juda: “Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid” (Gen 49:8a). Bagama’t si Juda ay isang sanggol na mananampalataya, ang kaniyang kumpisal ay nagpapakitang siya ay hindi naghihimagsik laban sa Diyos. Sa halip si Juda ay hindi pa magulang sa kaniyang pananampalataya. Tingnan ang 1 Cor 3:1-3 at ang natitirang bahagi ng sulat na ito para sa mga halimbawa ng iba pang sanggol na mananampalataya.
Ang Gen 37 hanggang 50 ay tungkol sa kwento ni Jose. Bakit, kung ganuon, isinuksok ni Moises ang isang kabanata tungkol sa Juda? Una, ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang tribo ni Juda ay piniling maging linyang panggagalingan ng Mesiyas. Ikalawa, ang kwento ni Juda ay isang kumparahan sa kwento ng mga unang taon ni Jose sa Egipto.
Tinanggap ni Jose ang dalawang panaginip mula sa Diyos, na nagsasabing siya ang magiging pangulo ng kanilang pamilya. Ngunit nasumpungan niya ang kaniyang sarili na isang alipin sa bahay ni Potipar. Isang bahagi ng katuparan ng kaniyang panaginip ay masusumpungan sa pagpapala ng Diyos kay Jose at ginawa siyang pinuno ng sambahayan ni Potipar. Ginagamit ni Jose ang kalamidad upang ihanda si Jose sa paghahari sa hinaharap- gaya natin ngayon. Gaya ng madalas sabihin ni Dr. Radmacher, “Ang buhay na ito ay oras ng paghahanda para sa oras ng paghahari.”
Samatalang si Juda ay naghanap ng siping sa isang inaakala niyang patutot, si Jose ay nilapitan ng asawa ni Potipar. Hindi lang minsan, kundi araw-araw, sinubukan ng asawa ni Potipar na akitin si Jose. Ngunit hindi gaya ng kaniyang kapatid, hindi siya bumigay sa makalamang pita. Tinakbuhan niya ang mga pagnanasang kabataan (2 Tim 2:2). Ang kaniyang gantimpala? Tinapon siya sa isang bilangguan!
Nawalan ba ng pananampalataya si Jose sa pangako ng Diyos na paghahari sa hinaharap nang siya ay isang alipin at isang bilanggo? Hindi nagpakita ang Gen 39 ng ganiyang pahiwatig. Samantalang nasa bilangguan, muli, pinagpala siya ng Diyos, at siya ay umangat upang maging pinuno sa bilangguan.
Lahat tayo ay nahaharap sa mga pagsubok: kanser, implasyon, pagkawala ng trabaho, pagkamatay ng mga minamahal, at hindi pagkakasundo sa mga kapamilya at kaibigan. Maaaring hindi tayo ipinagbiling alipin at kinulong dahil sa isang bagay na hindi natin ginawa. Ngunit nahaharap tayo sa mga pagsubok.
“Kung tayo’y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama Niya” (2 Tim 2:12). Ang buhay na walang hanggan ay isang libreng kaloob na tinanggap nang tayo ay manampalataya sa Panginoong Jesucristo para rito (Juan 3:16). Ang mga eternal na gantimpala ay nakukuha sa pamamagitan ng katapatan. “Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa’t isa ay maging tapat (1 Cor 4:2).
Manatiling nakapokus sa biyaya.