Isa sa kakatuwang bagay sa ministeryo sa lupa ng Panginoon ay madalas Niyang sabihin sa mga taong huwag sabihin sa iba ang mga himalang Kaniyang ginawa. Sa ating isipan, tila ito ay hindi produktibo. Bakit hindi nanaisin ng Panginoong malaman ng mga tao ang tungkol sa Kaniya? Bakit sasabihin Niya sa mga taong huwag iproklama ang ginawa ng Kaniyang kapangyarihan? Hindi ba’t ang balitang iyan ay tutulong sa Kaniyang layuning dalhin ang mga tao sa pananampalataya?
Isang halimbawa nito ay nasa Marcos 1:44-45. Pinagaling ng Panginoon ang isang lalaki ng kaniyang ketong. Ito ay isang kahanga-hangang himala. Bihira lang itong makita sa LT, at kinikilala ng mga Judio na tanging ang Diyos lang ang makagagawa nito. Sa araw ni Jesus, walang sinumang nakakita ng taong pinagaling sa sakit. Ganuon pa man, matapos itong gawin ng Panginoon, mariin Niyang binalaan ang lalaking huwag sabihin sa iba ang Kaniyang ginawa. Sa tingin ko ligtas sabihing kung ang sinuman sa atin ay nakaranas ng bagay na kapareho nito mula sa kamay ng Panginoon tayo ay magiging masigasig din sa pagkwento sa sinumang masumpungan nating handang makinig sa ating kwento.
Bagamat sa unang sulyap ang utos na ito mula sa Panginoon ay tila walang saysay, sinabi sa atin kung bakit Niya ito sinabi sa lalaki, sumuway ang lalaki at kinalat ang balita tungkol sa himala. Bilang resulta, hindi malayang makalakbay sa Galilea kung saan naganap ang himala. Malaking madla ang dumating upang makita ang mahimalang manggagawang ito sa pag-asang makakakita sila mismo ng isang kahanga-hangang pagpapagaling. Ang madlang naghahanap ng himala ay pumipigil sa Kaniyang turuan ang mga nais matuto tungkol sa darating na kaharian ng Diyos.
Gayun pa man, nakahihinayang na matapos ang dakilang pagpapagaling na ito ay hindi gusto ng Panginoong makalabas ang mensahe tungkol sa kung anong nangyari. Bagamat ang lalaki ay tiyak na nakinabang sa ginawa ginawa ng Panginoon, sa isang diwa ito ay nasayang dahil hindi ito nakatulong sa pagproklamang si Jesus ang Cristo. Nakalulungkot na ang dakilang himalang ito ay hindi nagamit nang mas maigi.
Siyempre, sa katotohanan oo. Alam ng Panginoon ang Kaniyang ginagawa. Samantalang ang lalaki ay binawalang magkalat ng balita sa kung ano ang nangyari sa Galilea, kung saan ang Panginoon ay nagmiministeryo, sinabi Niya sa lalaking ipakita sa iba kung ano ang nangyari. Inutusan Niya ang pinagaling na lalaking pumunta sa timog, sa Jerusalem, at ipakita sa mga pari sa templo ang kaniyang paggaling. Ito ay patotoo sa kanila.
Sa LT, mayroong mahabang ritwal sa lalaking pinagaling ng ketong. Inaabot ng isang linggo upang magawa ang lahat ng mga handog. Walang sinuman sa mga pari ang nakagawa nito. Ngunit nang magpakita ang lalaking ito, ito sana ay isang patotoo sa kanila. Ang Lalaking nagpagaling ng lalaking ito ay malinaw na sinugo ng Diyos. Iyan ang mensaheng dapat makalabas.
Sa aklat ni Marcos, ang mga punong panrelihiyon ang nagpapatay kay Jesus. isang napakalaking trahedya para sa bansang Israel. Ang mga pinunong ito ay may pibotal na gampanin. Isipin ninyo ang kaibahang mangyayari sa mga Judio kung ang kanilang mga pinuno ay pinahayag si Jesus bilang ang Cristo.
Ito ang sinusubukang gawin ng Panginoon. Sa timog, sa kabisera ng bansa at puso ng panrelihiyong komunidad, ang mensahe ay dapat makalabas. Si Jesus ay mananatili sa hilaga, sa Galilea, nagtuturo sa mga tao kung sino Siya at tinuturuan sila tungkol sa darating na kaharian ng Diyos. Kapag nakita ng mga pari sa templo kung ano ang Kaniyang ginawa, gagawin nila ang kanilang gampaning ituro ang mga tao sa Kaniya. Maipangangaral sana nilang tila ang Mesiyas ay kumikilos at nagtuturo sa Galilea. Matapos ng isang linggo sa Jerusalem, ang patotoong ito ng lalaki ay magagawa iyan. Lalo pa’t matapos ang linggo at ang mga ritwal ay maisagawa, ang mga punong relihiyong ito ay ipoproklamang ang lalaki ay pinagaling ni Jesus ng ketong. Sa kanilang sariling pahayag, sasabihin nilang si Jesus ay sinugo ng Diyos.
Nakalulungkot na hindi ganito ang nangyari. Hindi ginawa ng mga pinuno ang malinaw na tama. Bilang karagadagan, ang lalaking ito ay sinuway ang Panginoon. Ngunit may mahalagang leksiyon dito. Alam ng Panginoon ang Kaniyang ginagawa. Kapag nakakita tayo ng mga bagay sa Kaniyang salita na tila walang saysay, dapat tayong magsimula sa pagkatanto na may karunungan ditong hindi pa natin nakikita. Kung hahanapin natin ang katotohanan, ang karunungang ito ay darating. Sa kasong ito, ang mensahe tungkol sa kung sino si Jesus ay nakalabas. Siniguro ng Panginoong mangyayari ito. Ang problema ay marami ang hindi handang manampalataya.