At dumating nga ang Kaniyang ina at ang Kaniyang mga kapatid; at, palibhasa’y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa Kaniya, na Siya’y tinatawag.
Sa Marcos 3:31 mayoong isang grapiko ngunit malungkot na larawan. Si Jesus ay nasa isang bahay kasama ng Kaniyang mga disipulo. Kabilang dito ang higit sa labindalawang apostol. Napakarami ng mga disipulo sa loob ng bahay kasama ng Panginoon na Siya ay hindi man lang makaupo upang kumain (3:20). Ang pamilya ni Jesus ay narinig ang bagay na ito at nag-aalala sa Kaniyang kalusugan. Iniisip nilang nawala na Siya sa huwisyo at hindi alam ang Kaniyang ginagawa. Sila ay nasa ibang lunsod nang marinig nila ang balita kaya- para sa kanilang kabutihan- dumating sila upang iligtas Siya mula sa madla.
Tinala ni Marcos kung ano ang nangyari nang sila ay dumating. Binanggit niyang ang mga kapatid ng Panginoon at ang Kaniyang ina ay nakatayo sa labas ng bahay at humihiling sa kung sino man na hayaang malaman ni Jesus na nais nilang makausap Siya. Ang ilan ay nagmumungkahing sila ay tumayo sa labas dahil sa napakalaking madla. Ang ilan ay nagmungkahing nais nilang lumabas si Jesus upang makausap Siya nang pribado, nang wala ang madla. Hindi nila nais hiyain Siya kapag sinabi nilang iniisip nilang Siya ay baliw.
Anuman ang dahilan, ang importanteng bagay na nais ni Marcos na makita natin ay wala sila sa loob ng bahay. Ang mga alagad ng Panginoon ang nasa loob. Sa susunod na sitas, makikita nating ang mga disipulo ay malapit sa Panginoon, nakaupo sa Kaniyang paanan. Tinuturuan Niya sila. Sa isang nakakagulat na pahayag, sinabi ni Jesus na ang mga nasa Kaniyang paanan- ang mga nasa loob- ang Kaniyang tunay na kamag-anak. Sa konteksto, ang kalooban ng Diyos ay ang pakikinig at pagkatuto mula sa Panginoon, na nagnanais gawin ang Kaniyang sinasabii.
Binigyang diin ni Marcos ang salitang labas. Iglap pagkatapos nito, tinala niyang ang Panginoon ay nagsimulang magsalita sa mga parabula. Nagsalita Siya sa malaking madla (4:1). Ngunit tanging sa Kaniyang mga disipulo pinaliwanag Niya ang kahulugan ng mga parabula. Sinabi ni Jesus na hindi Siya magpapaliwanag sa mga nasa labas (4:10-11).
Malinaw, mayroong mga bentahe sa pagiging nasa loob kasama ng Panginoon. Nangangahulugan itong pagiging malapit sa Panginoon at pagkatuto mula sa Kaniya.
Madaling magbuod na ang pagiging nasa labas ay tumutukoy sa mga hindi mananampalataya. Alam nating sa panahong ito ang mga kapatid ni Jesus ay hindi mananampalataya (Juan 7:5). Tama lamang sabihin ni Marcos na sila ay nasa labas ng bahay na pinagtuturuan ni Jesus. Gayon din, tiyak na sa madla ay maraming hindi mananampalatayang hindi mapaliliwanagan ni Jesus ng mga bagay. Ang mga hindi mananampalataya ay hindi maaaring magkaroon ng intimasya kasama ang Panginoon. Hindi nila ginagawa ang kalooban ng Ama. Sila, rin, ay nasa labas.
Ngunit isang pagkakamaling isiping tanging ang mga hindi mananampalataya ang maaaring nasa “labas.” Si Maria ay isang mananampalataya, ngunit siya ay nasa labas kasama ng mga kapatid ng Panginoon. Sa madla, mayroon ding iba na nananampalataya sa Kaniya. Ang mga mananampalatayang ito ay hindi handang bayaran ang halaga upang magkaroon ng pakikisama, o intimasya, kasama ng Panginoon. Hindi nila maunawaan ang halaga ng pag-ubos ng oras kasama ang Panginoon at pagkatuto mula sa Kaniya.
Imposibleng bigyang pansin ang mga bagay na ito na hindi maisip ang iglesia sa Laodicea, na nilarawan sa Pah 3:13-19. Ang mga Cristianong ito ay hindi rin malapit sa Panginoon. Sa Pah 3:20 may binigay si Juan na nakapagtatakang pahayag. Binaligtad niya ang mga bagay. Ang Panginoon ang nasa labas. Ang mga mananampalatayang Laodicean ay inalis Siya mula sa kanilang mga buhay at pagnanasa. Sila ay walang pakikisama sa Kaniya. Hindi sila natututo mula sa Kaniya.
Ito ay mensaheng nakakatino. Bilang mga mananampalataya, maaari tayong maging kagaya ng mga nasa labas na tumatanaw sa loob. Sa kasong ito, tayo ay gaya ng sanlibutan. Siyempre, mayroon pa rin tayong buhay na walang hanggan. Ngunit ang lahat ng mananampalataya ay dapat magnasang nasa loob, katabi Niya. Ang pagiging nasa loob ay nangangahulugan ng pag-ubos ng oras kasama ng Panginoon sa Kaniyang Salita, sa panalangin, o kasama ng kapwa mananampalataya. Sa ganito tayo natututo mula sa Kaniya. Ito ang pagiging disipulo. May pagkakaiba ang pagiging mananampalataya at ang pagiging disipulo.
Kung maipagpapatuloy ko ang ilustrasyong ginamit ni Marcos at ni Juan, ikukumpara ko ito sa isang taong naghahanap sa akin. Kung ang taong ito ay humiling sa iba kung nasaan ako, hindi ba’t napakaganda kung sabihin nila, “Oh siya ay nasa loob ng bahay kasama ang Panginoon”?
_____
- Isang nota mula kay Bob Wilkin: Bilang alternatibo, ang paggawa ng kalooban ng Diyos sa kontekstong ito ay tumutukoy sa pagsampalataya sa Kaniyang Anak (cf. Mat 7:21 at Juan 6:39-40, na parehong gumamit ng magkaugnay na ekspresyong “ang kalooban ng Ama”). Upang maging kapatid o ina ni Jesus (samakatuwid, maging bahagi ng Kaniyang pamilya) kailangang manampalataya sa Kaniya (cf. Juan 1:12-13).