Maraming panahon ang aking ginugol sa militar. Marami akong nakasalamuhang sundalo. Kung tatanungin mo sila bakit sila nagpalista upang maglingkod, makatatanggap ka ng iba-ibang dahilan. Ang ilan ay ginawa ito dahil sa pag-ibig sa bayan. Ang ilan ay dahil sa tiyak na sahod. Ang ilan ay naghahanap ng hamon, ng pagkakaibigan, o pagkakataong maglakbay. Marami ang nakikita ito bilang paraan upang takasan ang pangit na buhay sa bahay. Ang ilan ay may limitadong oportunidad na magtrabaho at ang Army ang pinakamahusay na alok na kanilang natanggap. May mga nakilala akong sumali dahil sa mga benepisyong edukasyonal. Ang mga opisyal ng nagre-recruit ay nag-aalok sa mga prospektibong sundalo gamit ang iba-ibang insentibo.
Bagamat ang mga sundalo ay may iba-ibang motibo, lahat sila ay nakasuot ng parehong uniporme. Lahat sila ay sundalo.
Sa maraming paraan, ito ay totoo rin sa Cristianong pamumuhay. Tinawag ng Panginoon ang mga mananampalatayang sumunod sa Kaniya at maging Kaniyang mga alagad. Ito ay may kaakibat na pagsunod at sakripisyo. Ngunit ano ang motibo sa pagsagawa nito? Ang mananampalataya ay mayroon ng buhay na walang hanggan na hindi maiwawala. Bakit ang mananampalataya magpapalista upang magsakit kasama ni Cristo?
Madalas, iniisip ng mga Cristianong mayroon lamang isang purong motibo. Tayo ay maglilingkod sa Panginoon dahil iniibig natin Siya. Ang ibang mga motibasyon ay nakikita bilang imperyor.
Ngunit sinasabi sa atin ng Kasulatang maraming motibo sa paglilingkod sa Panginoon. Lahat sila ay maka-Diyos. Walang dapat hamakin.
Maaaring maglingkod ang mga mananampalataya dahil natatakot sila sa Kaniya (Kaw 1:7; 2 Cor 5:11). Maaaring gawin din nila ito dahil sa pagpapasalamat (Awit 116:12; Col 3:17). Isang banal na motibasyon sa pagsunod sa Panginoon ay ang pagnanais ng gantimpala, sa buhay na ito at sa darating (Heb 11:6; 1 Cor 3:14; Mat 6:3-6; Awit 1:1-3; Deut 28:1-2; Gal 6:7-9). Kaugnay ng motibasyong ito ay ang pagnanais na marinig ang Kaniyang papuri sa Hukuman ni Cristo at magdala ng kapurihan sa Kaniya sa prosesong ito (Mat 25:21). Ang Panginoon at si Pedro ay parehong nagsabing ang mga mananampalataya ay dapat motibadong maglingkod sa Kaniya dahil ang ganitong buhay ay may dalang kapakinabangan sa iba (Mat 5:16; 1 Ped 3:1-2). Kung tayo ay mga magulang, ang maka-Diyos na pamumuhay ay maaaring magbigay ng mabuting halimbawa sa ating mga anak.
Ang isang mananampalataya ay maaaring sumunod sa Panginoon dahil nais niyang magmaturo sa pananampalataya. Nais niyang maging kawangis ni Cristo (Heb 5:14; 2 Cor 3:18). Ito ay isang napakagandang motibasyon!
Siyempre, isang tamang motibasyon sa pagsunod kay Cristo ay ang pag-ibig natin sa Kaniya. Nilista ng BT ito bilang isang motibasyon (Juan 14:15; 1 Juan 4:19). Ang problema ay madalas tayong sabihang ito lamang ang “tunay” na motibasyon. Ang ibang motibasyon ay maaaring makasalanan pa. Ang paghahanap ng gantimpala ay nakikita bilang makasarili. Tanging mga imaturong mananampalataya lamang ang naglilingkod sa Panginoon dahil sa takot. Kung ikaw ay isang maturong mananampalataya, ang lahat ay kailangang manggaling sa iyong pag-ibig sa Kaniya. Dapat mong hilingin sa Panginoong alisin ang ibang motibasyon.
Hugas baboy.
Hindi lamang ang ganitong pananaw ay nagtatakwil sa maka-Diyos na pamumuhay, ito rin ay nagreresulta sa kapalaluan. Naririnig natin ang mga Cristianong magsabi, “Hindi ko kailangang gantimpalaan para sa ginagawa ko sa Panginoon. Ni hindi ko nga nais ang gantimpala mula sa Kaniya. Lahat ito ay ginagawa ko dahil sa pag-ibig.”
Please.
Naririnig natin ang mga Calvinista, “Kung ikaw ay isa sa mga hinirang at talagang ligtas, ang Espiritu Santo ay lilikha sa iyo ng pagnanasang sumunod sa Kaniya dahil sa pag-ibig.”
Huwag ako.
Kung paanong marami akong sundalong nakilalang tapat na naglilingkod sa militar dahil sa iba-ibang dahilan, ang isang Cristiano ay makapalulugod sa Panginoon dahil sa iba-iba ring motibasyon. Hindi makasalanan ang mga ito. Sa ilang sirkumstansiya, susunod siya dahil sa partikular na rason. Sa kaniyang pagtrato sa kaniyang mga anak, nais niyang mag-iwan ng magandang halimbawa. Kung siya ay nagsasakit, nagtitiis siya dahil sa gantimpalang pinangako ng Panginoon sa pagtitiis. Maaaring iniwasan niya ang mga sekswal na alok ng isang babae dahil takot siya sa disiplina ng Panginoon. Minsan, siya ay sumusunod dahil iniibig niya ang Panginoon. Ang mananampalatayang motibado ng kahit alin sa mga bagay na ito ay tapat sa Panginoon.
Maraming tapat na sundalo ng US ang namatay sa larangan ng digmaan. Sila ay motibadong pumunta sa digmaan sa iba-ibang dahilan. Ang sakripisyo ng isang tao ay hindi kulang sa pagkamakabayan dahil siya ay naglilingkod sa isang dahilan samantalang ang kapwa sundalong namatay ay tila may mas maginoong dahilan.
Sinasabi ng Bibliang dapat tayong maglingkod sa Panginoon sa iba-ibang dahilan. Ang Espiritu Santo ay nalilikha ang lahat ng maka-Diyos na motibasyong ito sa atin. Lahat ng mga ito ay balido at nakagagalak sa Hari.


