Dapat ibase ng mga Cristiano ang ating mga paniniwala at gawi sa Salita ng Diyos.
Ngunit mayroong apat na impluwensiya, bukod sa Biblia, na makahahadlang sa ating tanggapin ang mga aral ng Salita ng Diyos: 1) isang salita o impresyong umano’y mula sa Diyos; 2) kasaysayan ng iglesia (mga konseho, mga kredo, mga pastor, mga manunulat); 3) mga karanasan natin; at 4) rason.
Isang salita o impresyong umano’y mula sa Diyos
Tinuro ni Joseph Smith na ang bawat Mormon ay maaaring makatanggap ng espesyal na pahayag mula sa Diyos.
Maraming mga ebanghelikong naniniwalang ang Diyos ay nangungusap pa rin sa mga mananampalataya ngayon. Kabilang dito ang mga Pentecostal, karismatiko, mga Cristianong Third Wave, sinumang sumsunod sa kontemplatibong espirituwalidad, at maraming mga Calvinista.
Nagalak si Dr. James Dobson sa ere nang kausapin ng Diyos ang kaniyang ama matapos atakehin sa puso’t nangako sa kaniya ng pagtitiis at samakatuwid ay garantiya ng kaniyang kaligtasan.
Minsan iniisip ng mga taong sinabihan sila ng Diyos kung sino ang aasawahin, anong trabaho ang papasukin, anong kotse ang bibilhin, anong iglesia ang dadaluhan, atbp.
Ang mga espesyal na pahayag sa mga propeta ng LT at BT ay eksepsiyon. Kailan man ay walang panahon kung saan maraming tao at hindi iilan ang nakatanggap ng espesiyal na kapahayagan, at maging iyan ay tumigil sa pagtatapos ng panahon ng mga apostol.
Mayroon tayong Salita ng Diyos upang gumabay sa atin.
Kasaysayan ng Iglesia at Tradisyon
Pinagtatawanan ng mga Protestante ang mga Katoliko at Orthodox sap ag-aakalang ang tradisyon ng iglesia at kapantay ng Biblia.
Ngunit maraming Protestanteng iniisip na ang Pahayag ng Pananampalataya ng Westiminster at ang Sinod ng Dort ay sa esensiya kapantay ng Biblia.
Marami akong nakikitang mga post sa Facebook na pinadadala sa akin ng mga tao kung saan ang isa ay pinagtatanggol ang kaniyang particular na pagkaunawa ng katotohanan at tinuturo nila ang isang aklat na sinulat ng kung sinong teologo. Ang aklat ang pinanggalingan at patunay ng kanilang pagkaunaw. Isang aklat ng tao, hindi ang Aklat ng Diyos, ang nagbibigay impormasyon sa kanila.
Maraming nagsasabing ang Espiritu Santo ay nagbigay sa Iglesia sa loob ng 2, 000 taon ng mga guro. Kailangan nating matutunan kung ano ang tinuturo ng Espiritu Santo sa panahong ito.
Ang katotohanan ay karamihan sa mga turo sa kasaysayan ng iglesia ay mga huwad na aral. Ang kasaysayan ng iglesia ay isang pagsubok. Pag-aaralan ba natin ang Salita ng Diyos para sa ating mga sarili? Susuriin ba natin ang sinulat ng mga tao sa halip na tanggapin lamang nang basta-basta ang mga ito bilang katotohanan.
Rason at Karanasan
Maraming tao ang nagdedesisyon kung ano ang tama o huwad base sa kanilang rason o karanasan.
May binasa akong sinulat ng isang taong nagsasabing naniniwala siyang hindi matuwid para sa Diyos na ikondena sa impiyerno ang sinumang hindi nakarinig tungkol kay Jesucristo sa kaniyang buhay. Ang konklusyong iyan ay hindi nakabase sa Kasulatan. Ito ay nakabase sa kaniyang pagrarason.
Ang aming 2006 taunang kumperensiya ay napakakontrobersiyal. Parehong sinabi ni Zane Hodges at Bob Bryant na malibang ang isang tao ay manampalatayang siya ay mayroong kaligtasang hindi nawawala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, hindi pa siya naipanganak na muli. Hinati nito ang mga dumalo, na halos kalahati ang mariing tumutol. Tumutol sila ayon sa kanilang karanasan. Marami akong narinig, “Nang ako ay ipanganak na muli, hindi ako naniwalang ang kaligtasan ay sigurado.”
Isang buwan matapos, sa isa na naming kumperensiya, isang kaibigang may doktorado mula sa DTS ang nagsabing hindi siya nakatitiyak ng kaniyang walang hanggang kapalaran hanggan sa limang taon matapos siyang maipanganak na muli. Kalaunan ay may pagkakataon akong magtanong kung paano niya nalamang totoo ito. Sinabi niyang dramatikong nagbago ang kaniyang buhay, na patunay na ligtas na siya noon.
Bakit ang mga Kasulatan lamang ang dapat gumabay sa ating mga paniniwala at gawi
Maraming teksto ng Kasulatan ang nagpapakitang ang ating mga paniniwala at gawi ay dapat nakabase sa Kasulatan lamang. Ito ay prinsipyong tinatawag na sola scriptura.
Ang 2 Timoteo 3:16-17 ay isang sitas na sinepete para sa doktrinang ito.
Ang Kasulatan- ang buong Kasulatan- ang kapaki-pakinabang sa pagwawasto, pagsaway, pagtuturo at pagsasanay sa katuwiran.
Siyempre, ang Kasulatan ay hindi makagagabay sa atin malibang ang bawat pasahe ay mga batong patungan sa pagbabago ng ating isipan (Roma 12:2).
Kung ang Salita ng Diyos ay ang kailangan ng mga tao ng Diyos- mga higante ng pananampalataya gaya nila Moises at Timoteo- ito rin ang pangangailangan ng bawat mananampalataya.
Walang iba pang gagabay sa mananampalataya. Ang mga impresyon, kasaysayan ng iglesia, lohika at personal na karanasan ay kailangang lumuhod sa harap ng Salita ng Diyos. Hindi natin dapat hayaan ang ibang bagay na manaig sa Salita ng Diyos.
Ang Gotquestions.org ay may ganitong pambungad na pangungusap sa isa sa kanilang mga tanong: “Ang pahayag na ‘ang Biblia ang ating tanging alituntunin sa pananampalataya at gawi’ ay makikita sa maraming mga doktrinal na pahayag. Minsan, ito ay nasa parehong porma, na nagpapahayag na ang Biblia ang ‘pinal na awtoridad,’ ‘ang tanging hindi namamaling alituntunin,’ o ‘ang tanging tiyak na alltuntunin.’ Ang sentimyentong ito, ay isang paraan para sa mga Cristianong naniniwala sa Biblia na ipahayag ang kanilang katapatan sa nasusulat na Salita ng Diyos at sa kanilang Kalayaan sa iba pang nagpapakilalang awtoridad.”
Kung mayroong makadadaig sa Kasulatan, tayo na ang mga panginoon ng ating mga buhay. Hindi na tayo pinangungunahan ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Salita.
Bigyang-pansin ang Awit 119. Halos bawat sitas ay nagtataas ng Salita ng Diyos.
Pansinin ang Is 40:8. Tanging ang Salita ng Diyos ang titindig kailan man.
Pansinin ang Mat 24:35. Samantalang ang langit at lupa ay lilipas, ang mga salita ni Jesus ay hindi lilipas.
Ito ay higit na totoo sa pag-eebanghelyo at sa nagliligtas na mensahe. Kakaunting Cristiano ang nag-aral upang matutunan ang sinasabi ng Biblia tungkol sa nagliligtas na mensahe.
Karamihan sa pagkaunawa ng mga tao kung paano maligtas ay nakabase sa karanasan, rason o tradisyon.
Tinuro ng Panginoon ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa pagiging alagad sa Juan 8:30-32. Kailangan nating Manahan sa Kaniyang mga aral at Salita upang Kaniyang maging alagad. Kung mananahan tayo sa Kaniyang Salita, ang katotohanan ay magpapalaya sa atin sa pang-aalipin ng kasalanan (gaya ng pinapakita ng v 33 at ng mga sumusunod na sitas).
Maraming mga potensiyal na panggagalingan ng mga huwad na doktrina: kasaysayn ng iglesia, mga videos sa Youtube, mga blogs, mga libro, mga kaibigan, radyong Cristiano, Cristianong TV, mga karanasan, pakiramdam at anumang tila mabuti.i Kung nais nating marinig ang Panginoong magsabi, “Mahusay, mabuti at tapat kung lingcod,” kailangan nating ibase ang ating mga paniniwala at gawi sa Kaniyang Salita lamang. Kailangan nating regular na hilingin sa Diyos na buksan ang Kaniyang Salita sa atin.
___________
- May katotohanan sa ilan sa mga bagay na ito. Ngunit kailangan nating suriin ang ating nababasa at naririnig sa liwanag ng Kasulatan. Kung atin lamang tatanggapin ang ating naririnig at nababase sa ating tradisyon, malamang na tayo ay malilinlang dahil karamihan sa mga tradisyong Cristiano ay nagtuturo ng ilang anyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa.