Nagtatanong si Paul,
Sinasabi mong ang katiyakan ang diwa ng nagliligtas na pananampalataya. Wala itong iniiwang puwang sa pag-aalinlangan kung ito ay nakabase sa katiyakan. Paano mo nalalamang ikaw nga ay tunay talagang nanampalataya? Ang katiyakan ay tila relatibo. Ito ay dumarating at umaalis gaya ng ating mga emosyon. Sa ating karanasan, tayong lahat ay may pag-aalinlangan. Kung sasabihin mo sa akin gang diwa ng nagliligtas na pananampalataya ay ang huwag isipin ang isang zebra, ang pinakauna kong gagawin ay isipin ang isang zebra. Kung sasabihin mo sa akin gang diwa ng nagliligtas na pananampalataya ay ang katiyakan, ang pinakauna kong gagawin ay ang magkaroon ng alinlangan sa aking katiyakan. Ang mananampalataya ay may obhetibong dahilan sa katiyakan at dapat mamahinga sa katiyakang iyan, ngunit ang sabihing ito ang diwa ng nagliligtas na pananampalataya ay nagtatanim ng pag-aalinlangan at pag-aalangan. Nasisiyahan talaga ako sa iyong podcasts ngunit ako ay nakikibaka sa pananaw na ito ng katiyakan.
Ang katiyakan ay kasinkahulugan ng pananampalataya. Ang manampalatayang si Jesus ay bumangon mula sa mga patay ay ang may katiyakang bumangon nga siya. Ang lahat ng katiyakan ay pananampalataya. Ang katiyakan ng ating pananampalataya ay ang pananampalatyang tayo ay naligtas minsan at magpakailan pa man.
Ang katiyakan at pag-aalinlangan ay hindi maaaring umiral nang magkasabay. Ngunit ang katiyakan ay maaaring sundan ng pag-aalinlangan.
Hindi natin sinasabing ang isang taong may pag-aalinlangan ay hindi kailan man naipanganak na muli. Ang sinasabi natin ay kapag ang isang tao ay nag-aalinlangan, hindi siya nananampalataya. Subalit, kung siya ay nanampalataya kahit minsan kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, siya ay nananatiling siguradong ligtas magpakailan man. Ang isang tao ay naipanganak na muli sa sandaling siya ay manampalataya hindi matapos ng habambuhay na pananampalataya. ang pananampalataya ay maaaring mabigo. Ngunit ang kaligtasan ay hindi dahil ang Panginoong Jesus ang gumagarantiya nito.
Ano ang ibig sabihin ng tunay na nananampalataya? Talaga bang nananampalataya kang ang 2 + 2 = 4? Talaga bang naniniwala kang si Joe Biden ay Pangulo? Naniniwala ka bang talaga na umiiral ang grabidad? Walang taong nagtatanong ng mga tanong na ito. Wala ring taong nagtatanong kung talagang siya ay naniniwalang si Jesus ay pinanganak sa Bethlehem, na Siya ay pinako sa krus para sa ating mga kasalanan, na Siya ay bumangon muli mula sa mga patay, o na Siya ay muling babalik.
Ang mga mangangaral ay lumilikha ng pag-aalinlangan tungkol sa kaligtasan sa kanilang pagtuturo ng dalawang uri ng pananampalataya- isang tunay at nagliligtas na pananampalataya at isang hindi tunay at hindi nakapagliligtas na pananampalataya. Ang Biblia ay walang kinikilalang dalawang uri ng pananampalataya. Lahat ng pananampalataya ay pananampalataya.
Kung sabihin kong ang katiyakang si Jesus ay ipinanganak ng isang birhen ang diwa ng pananampalataya sa Kaniyang birhen na kapanganakan, walang mag-uusisa tungkol dito. Malinaw na kung ako ay nag-aalinlangan sa Kaniyang birheng kapanganakan na hindi ako naniniwala sa Kaniyang birheng kapanganakan. Maaaring dati naniniwala ako. Ganuon din sa katiyakan tungkol sa anumang bagay. Kung ako ay hindi na tiyak na ang isang bagay ay totoo, hindi na ako naniniwala dito.
Sa huli, bakit si Paul o ang sinuman ay magkakaroon ng alinlangan tungkol sa kaniyang kaligtasan kung marinig niya sa aming ang isa ay dapat na may katiyakan ng kaniyang eternal na kapalaran dahil sa pananampalataya kay Cristo?
Ang kaisipan ni Paul ay tila ganito:
Pangunahing premis: Ang isang tao ay kailangang patuloy na manampalataya kay Jesus upang mapanitili niya ang kaniyang buhay na walang hanggan.
Minor na premis: Madalas akong may pag-aalinlangan na niligtas ako ni Jesus minsan at magpakailanman ngunit ang mga pag-aalinlangang ito ay hindi kawalan ng pananampalataya.
Konklusyon: Ako ay ligtas pa rin kahit nag-aalinlangan akong ako ay ligtas.
Ang konklusyong ito ay walang kasaysayan. Kung at kapag si Paul ay nag-aalinlangan sa kaniyang kaligtasan, hindi siya tiyak sa kaligtasan niya.
Ang kaniyang tatlong puntos ay maling lahat. Hindi natin kailangang patuloy na manampalataya kay Jesus upang mapanatili ang buhay na walang hanggan. Minsan tayong manampalataya, ligtas tayo magpakailan man. Tila si Paul ay nalilito dahil sa Lordship Salvation, na nagsasabing ang isang tao ay dapat magtiis sa pananampalataya upang matamo ang pinal na kaligtasan. Ito ang nagtutulak sa kaniya upang sabihing ang pag-aalinlangan ay hindi kawalan ng pananampalataya. Mahalaga ito sa kaniya dahil kumbinsido siyang ang isang tao ay hindi ligtas sa isang sandali kundi matapos ang habambuhay na pananampalataya.
Hinihimok ko si Paul at ang lahat ng may pag-aalinlangang basahin ang Evangelio ni Juan nang may kasamang dasal. Ito ba talaga ay kasin payak nang pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggang hindi maiwawala (Juan 3:16; 4:10-14)? Kung oo, sa sandaling ako ay manampalataya, alam kong may kasiguruhan ako magpakailan pa man. Maaaring kalauna’y mag-alinlangan ako. Ngunit ano ang magtutulak sa aking mag-alinlangan sa Diyos?
Ang pinakamainam na paraan upang pag-alinlanganan ang iyong kaligtasan ay ang makinig sa mga guro at mangangaral ng Lordship Salvation at sa kaligtasan sa mga gawa. Iniisip nilang ang pagkakaroon ng pag-aalinlangan sa iyong kaligtasan ay mainam. Ito ay nagbbigay ng motibasyon upang maglingkod upang iyong matamo ang pinal na kaligtasan.
Sa susunod na buwan ay ang ikalimampung anibersaryo ng aking espirituwal na kapanganakan. Sa buong panahong ito kailan man ay hindi ko pinagdudahan ang aking kaligtasan. bakit? Dahil ang aking kaligtasan ay nakasalig sa Kaniyang katapatan sa Kaniyang pangako, at hindi sa aking katapatan sa anumang bagay. Ginagarantiyahan Niya ang aking kaligtasan. Upang pagdudahan ito, kailangan kong pagdudahan ang Kaniyang katapatan. Ito ay walang saysay sa aking isipan.
Natatanto kong tayo ay nabubuhay sa kulturang postmoderno. Maraming kabataan ang nalinlang sa pagsasabing, “Hindi natin malalaman nang may katiyakan ang anumang bagay.” Sinasabi nilang hindi sila tiyak kung sila ay umiiral, o kung umiiral ang mundo, o kung may mga bagay bang umiiral. Ang pilosopiyang iyan ay walang moral o intelektuwal na laman. Ako ay nag-iisip, samakatuwid umiiral ako. Alam kong umiiral ako dahil mayroon akong mga pandamdam at nakikita ko ang nilalang ng Diyos na siyang kumukumbinse sa aking Siya ay umiiral (Awit 19:1).
Manalangin. Hanapin ang katotohanan. Ang Diyos ang magkukumbinse sa iyo ng pangako ng buhay na walang hanggan para sa mga mananampalataya kung mananatili kang bukas dito.