Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Hindi Ba Aprubado Ni Cristo Ang Ilan Sa Mga Taong Ipinanganak Nang Muli?

Hindi Ba Aprubado Ni Cristo Ang Ilan Sa Mga Taong Ipinanganak Nang Muli?

October 17, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Noong 8/21/23 ang GES ay nag-pos ng video naming ni Mike Lii. Makikita ninyo ang bidyo dito. Tinatalakay naming ang bidyo ni Allen Parr. Sa kasalukuyan mayroon ng 79 komento. Isa sa mga komento ay nagtatanong, at ito ay umagaw sa aking atensiyon: “Ipinahihiwatig mo bang ang isang mananampalataya ay disaprubado ni Cristo at ligtas pa rin?”

Oo. Tanging mga tapat na mananampalataya lamang ang aprubado ni Cristo. Ang lahat ng mga mananampalataya ay ligtas kailan pa man. Ngunti tanging mga tapat na mananampalataya lamang kasama ng Diyos at aprubado Niya.

Ang Griyegong pangngalang nangangahulugang aprubado at hindi aprubado ay dokimos at adokimos. Ang mga itong ay mga salitang magandang pag-aralan dahil hindi sila madalas gamitin sa BT. Hinihikayat ko kayong mag-aral para sa inyong sarili.

Ang dokimos, aprubado ay ginamit ng pitong beses sa BT (Rom 14:18; 16:10; 1 Cor 11:19; 2 Cor 10:18; 13:7; 2 Tim 2:15, ang sitas ng AWANA; San 1:12).

Dapat nating paglingkuran nang tapat si Cristo upang maging “katanggap-tanggap sa Diyos at aprubado ng mga tao” (Roma 14:18). Sa Roma 16:10, binanggit s “Apeles na subok kay Cristo.” Samakatuwid nang panahong sumulat si Pablo, si Apeles ay isang tapat na Cristiano na aprubado ng Panginoon.

Ipinahiwatig ni Pablo sa 1 Cor 11:9 na ang pagkakahati sa iglesia sa Corinto ay may epektong “

Sapagkat tunay na sa inyo’y mayroong mga hidwang pananampalataya upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.” Hindi lahat ng mga mananampalataya sa Corinto ay aprubado. Ikumpara ang 1 Cor 11:30. Tingnan din ang 2 Cor 10:18; 13:7.

Ang isang kailangan sa isang guro ng lokal na iglesia, gaya ni Timoteo, ay subok gaya ng paliwanag ni Timoteo sa 2 Tim 2:15: masikap sa gawa para sa Panginoon, “marunong gumamit ng salita ng katotohanan.”

Sinabi ni Santiago na ang isa sa mga kailangan upang aprubahan ni Cristo ay “nagtitiis ng tukso” (San 1:12).

Ang kabaligtaran ng dokimos ay adokimos. Ginamit ito nang walong beses sa BT (Roma 1:28; 1 Cor 9:27; 2 Cor 13:5, 6, 7; 2 Tim 3:8; Tito 1:16; Heb 6:8). Ang ilang ay iniisip na ito ay ginamit patungkol sa mga hindi mananampalataya. Subalit, karamihan sa mga gamit ay malinaw na patungkol sa mga mananampalataya.

Sa katapusan ng 1 Cor 9, sinabi ni Pablong siya ay namuhay nang disiplinadong buhay para kay Cristo, sa isang bahagi, dahil siya ay takot na madisaprub kay Cristo sa Bema. Hindi nagdududa sa kaniyang walang hanggang kapalaran. Hindi siya tiyak kung siya ay maghaharing kasama ni Cristo, na nangangailangan ng pagtitiis (2 Tim 2:12).

Halos kalahati ng gamit ng BT sa adokimos ay makikita sa 2 Cor 13:5-7. Binabalaan ni Pablo ang mga mananampalataya sa Corinto na maaari silang ma-adokimoi, madisaprub. Kailangan nilang subukin ang kanilang mga sarili kung sila ay tapat sa paglilingkod kay Cristo, tulad ni Pablo at ng kaniyang grupo. Sinabi ni Pablo, “kami ay hindi itinakuwil [mas maigi, disaprubado]” (2 Cor 13:6).

Bagamat hindi lahat ay pareho ang pagkaunawa sa Heb 6:4-8, ito ay patungkol sa mga mananampalataya (vv 4-5) na nahulog mula sa pananampalataya at gaya ng isang bukid na natatakpan ng damo na “tinakuwil (adokimos) and malapit nang isumpa, na ang katapusan ay sunugin” (Heb 6:8). Ang may-akda ng Hebreo ay nagbabanggit ng temporal na kahatulan ng mananampalatayang nahulog. Pansining ang bukid ay nananatili pa rin matapos na masunog ang “mga tinik at dawag.”

May ilang gamit ng adokimos na maaaring patungkol sa hindi mananampalataya. Sinabi ni Pablo na si Jannes at Jambres ay laban kay Moises at sila ay “tinakuwil patungkol sa pananampalataya” (2 Tim 3:8). Hindi natin kilala ang mga taong ito. Hindi natin alam kung sila ay mananampalataya o hindi mananampalataya.

Sa Roma 1:28, tinutukoy ni Pablo ang mga homoseksuwal at mga lesbian (tingnan ang Roma 1:26-27) bilang mga taong “ibinigay ng Diyos sa mahahalay na kaisipan (o disaprubado, adokimos).” Ito ay maaaring pantukoy sa mga mananampalataya o hindi mananampalatayang nasa homosekswalidad. Tingnan din ang Tito 1:16.

Hinihikayat ko kayong pag-aralan ang mga pasaheng gaya ng Parabula ng Mina (Lukas 19:11-27), Parabula ng Matuwid at Hindi Matuwid na Alipin (Mat 24:45-51), Mat 10:32-33, 1 Cor 3:10-15, 1 Cor 9:24-27, 2 Cor 5:9-10, Gal 6:6-10, 2 Tim 2:11-13, 2 Tim 4:6-8, 1 Juan 2:28 at Pah 2-3. Lahat ng mga ito ay nagpapakitang ang mga mananampalataya ay hahatulan sa Bema at tanging mga tapat na mananampalataya lamang ang aprubado Niya.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 8, 2025

The Non-Eternal Life Gospel (A Challenge) 

I have spoken on behalf of GES for many years. Both verbally and in print, I and others like me have been labeled as “non-(fill in the blank) gospel” believers. We believe the unbeliever must believe in...
December 8, 2025

The Importance of Daniel 9:24-27 and Daniel’s Prophecy of the Seventy Weeks

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are discussing Daniel’s prophecy of the seventy weeks. What do these weeks...
December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram