Isa sa mga sitas na madalas sipiin ng mga tagataguyod ng biyaya ay 2 Cor 5:10, kung saan sinabi ni Pablong lahat ay haharap sa Hukuman ni Cristo. Dito, bawat mananampalataya ay gagantimpalaan dahil sa mabubuting gawa o hindi matatanggap ang mga gantimpalang ito dahil sa masasamang gawa.
Madaling maunawaan kung bakit ang sitas na ito ay paborito ng mga tagataguyod ng Free Grace. Pinakikita nitong ang ating mga gawa ay walang kinalaman sa pagtanggap ng buhay na walang hanggan. Sa halip, ang ating mga gawa ay nagdedetermina ng mga gantimpala sa kaharian. Ang sitas na ito ay makapangyarihang motibasyon na mamuhay ng maka-Diyos na pamumuhay.
Madalas kong sipiin ang sitas na ito. Subalit, may napansin ako ritong hindi ko napansin dati. Ang salitang Griyego sa pandiwang mahayag ay nasa pasibong tono (para sa mga grammariang nagbabasa ng blog na ito, ito ay passive infinitive).
Kapag nabasa nating tayong lahat ay dapat mahayag sa harapan ni Cristo sa Kaniyang Hukuman, karamihan sa atin ay pinapakahulugang tayo ay tatayo sa Kaniyang harapan. May takdang pagkikita tayo sa Kaniya, at hindi tayo makakaiwas. Ito ang pagkasalin ng NKJV.
Subalit, ang pasibong tinig ng pandiwang ito ay may ibang kahulugan. Tiningnan ko ito sa ilang Griyegong leksikon (diksiyunaryo). Ang pasibong tinig ng pandiwang ito ay nangangahulugang may bagay na nahayag o nakilala. Ang isang leksikon ay nagsabing ito ay nangangahulugang may nagpaliwanag ng ilaw dito.
Ito ay hindi lamang simpleng takdang petsang dapat tuparin. Ito ay hindi lamang simpleng pagharap na hindi maiiwasan.
Ito ang panahong tayo ay mahahayag. Ano ang ginawa natin sa buhay na Kaniyang ibinigay upang ipamuhay sa Kaniya?
Sa Pahayag 1, nakita ni Juan ang Panginoon at nilarawan ang kaniyang nakita. Isa sa mga katangian ng Panginoon ay ang Kaniyang mga mata ay tila mga alab ng apoy. Sa aklat ng Pahayag, si Jesus ay ipinakita bilang isang Hukom na hahatol sa bawat lalaki at babae. Lahat ng paghuhukom ay ibinigay sa Kaniya (Juan 5:22).
Kabilang dito ang paghukom sa lahat ng mga gawa ng lahat ng mananampalataya sa Hukuman ni Cristo. Ihahayag ang lahat ng Kaniyang mga mata.
Tama lamang na ginamit ni Pablo ang pandiwang ito sa 2 Cor 5:10. Paano tayo gagantimpalaan sa Hukuman ni Cristo kung ang lahat ng mga bagay ay nahayag? Ang ating mabubuting gawa ay nahayag. Ang ating masasamang gawa ay mahahayag. Ang nagliliyab na mata ni Cristo ay magdadala ng liwanag sa lahat.
Marahil maaari tayong maging mas literal sa pagsalin ng sitas na ito: “Tayong lahat ay kailangang mahayag sa Hukuman ni Cristo.”
Sa patuloy na analohiya ng pagtupad ng takdang pagkikita, isang paraan madalas nating sipiin ang sitas na ito- na tayo ay dapat humarap sa Hukuman ni Cristo- ay maaaring magtulak sa isang magpalagay na kailangan lang ng isang taong magpakita sa isang takdang pagkikita. Ngunit ang pasibo- “… tayo ay kailangang mahayag”- ay ginagamit sa kaso ng isang estudyanteng hindi lamang kailangang makita sa kaniyang propesor, ngunit kailangan ding makatapos ng isang salitang eksam kapag dumating na siya. Ang kaniyang kaalaman ay mahahayag. Ang eksam na ito ang magdedetermina kung anong marka ang kaniyang tatanggapin para sa kurso.
Ito ay isang malakas na motibasyon para sa atin! Ang Panginoon ang dapat maghayag ng ating mga isipan, mga gawa, at mga motibo sa araw na iyan kung Siya ay tunay na perpektong matuwid na Hukom. Ito ang kalagayan. Hingiin natin sa Kaniyang gawin tayong mga uri ng taong magdadala ng kaluwalhatian sa Kaniya kapag nangyari ang rebelasyong ito.


