Ang Santiago 2:14 ay nagsimula sa tatlong salitang Griyego ti to ophelos. Ang tatlong salitang ito ay ginamit isang beses lang ulit sa BT. Hulaan ninyo kung saan?
Inulit siya ni Santiago dalawang sitas makatapos nito!
Ang mga salitang ito ay sinalin sa apat na magkakaiba ngunit magkakaugnay na paraan sa mga nangungunang saling Ingles:
What does it profit…? (NKJV, MEV, KJV, RSV, ASV).
What good is it….? (NIV, NET, CEV, HCSB, ESV, WEB).
What use is it…? (NASB)
What is the benefit…? (LEB)
At sa Filipino: Ano ang pakinabang…? (ABAB)
Ang mga saling ito ay nagtatanong ng parehong tanong. Ang tanging pagkakaiba ay ang salitang pinili upang isalin ang ophelos: tubo, mabuti, gamit o pakinabang.
Hinihingi ni Santiagong ating ikunsidera kung ano ang pakinabang kung tayo ay bigong isagawa ang ating pananampalataya. Kinakausap niya ang mga mananampalataya: “Mga kapatid.”
Malinaw na ang sinumang mananampalataya ay potensiyal na magsabing siya ay may pananampalataya ngunit wala namang mga gawa. Kung tayo ay tapat, lahat tayo ay minsang naging guilty na may pananampalatayang walang gawa.
Nakakita ka na ba ng mananampalatayang nangangailangan ngunit bigo kang tulungan sila? Ako oo. Maraming beses.
Ang pangangailangan ay maaaring pinansiyal. O isang sakit kung saan mahirap sa kapatid na magluto, mamalengke, o magdamo sa kanilang bakuran. Maaaring ito ay isang diborsiyon na dahilan upang ang mga bata ay maulila sa ama.
Binigyan mo ba sila ng pera? Dinalhan ng makakain? Inayos ang kanilang kotse? Naggugol ng oras sa kanilang mga anak? Nakinig sa kanila? Nagbigay lakas ng loob sa kanila?
Sa ibang artikulo, pinaliwanag naming ang kaligtasan sa San 2:14 bilang kaligtasan ng isang mananampalataya mula sa kahatulan sa buhay na ito. Tingnan dito para sa isang napakahusay na artikulo ni John Hart at dito para sa isang blog ko. Ang isyu ay hindi kaligtasan mula sa eternal na kundemnasyon.
Ngunit sa maikling blog na ito, nais kong magpokus sa pangunahing punto ng San 2:14-17: ang tubo o kawalan nito.
Ang dahilan kung bakit inulit ang ti to ophelos ay dahil si Santiago ay tumitingin sa pakinabang at kawalan nito mula sa dalawang uri ng tao: ang mananampalatayang may kakayahang tumulong at ang mananampalatayang nangangailangan ng tulong. Kung ang manananmpalatayang may kakayahang tumulong ay nagsasalita ng magagandang pananalita ngunit wala namang aktuwal na tinulong, wala siyang pakinabang- ang Diyos ay hindi siya pagpapalain at gagantimpalaan. At ang taong nangailangan ng tulong ay wala ring natanggap na pakinabang.
Ang prinsipyo ay ito: Kailan man may isang mananampalatayang bigong iaplay ang kaniyang sinasampalatayahan, wala siyang nakukuhang pakinabang sa pananampalatayang iyan. At kung siya ay dapat tumulong sa kapwa mananampalatayang nangangailangan ngunit hindi, ang nangangailangang mananampalataya ay hindi rin nakikinabang. Iyan ang ultimeyt na relihiyong walang pakinabang.
Ang prinsipyong ito ay lumalapat sa kung ano ang ating pinaniniwalaan, tungkol sa tawag na ibigin ang ating asawa, ibigin ang ating kapwa na gaya ng ating sarili, na magbigay ayon sa pagpapala ng Panginoon, na manalanging walang tigil, na magtrabaho upang may maibigay sa ating pamilya, na makibahagi sa paghihirap ni Cristo, na huwag magpakalasing sa alak, na huwag pabayaan ang pagtitipon-tipon, na maghikayat sa bawat isa, atbp.
Ang Salita ng Diyos ay kailangang iaplay. Kapag inaplay natin ito, tayo ay nakikinabang at ang mga nasa paligid natin ay nakikinabang din. Samantalang ang ating iglesia ay isang organisasyong hindi para sa kapakinabangan, totoo lang iyan sa diwang tayo ay wala sa gawain para magkapera. Ngunit ito ay tiyak na nasa gawain ng paglikha ng espirituwal na kapakinabangan sa mga buhay ng mga miyembro nito. Nais ng Diyos na ang ating pakinabang sa buhay na ito at sa buhay na darating. Pinagpapala Niya tayo kapag inaplay natin ang Kaniyang Salita.