Alam ng lahat na ang mga ekspresyong everlasting life at eternal life ay madalas gamitin sa Evangelio ni Juan. Sa mga salin ng KJV at NKJV, ang salitang everlasting life ay masusumpungan ng walong beses at ang salitang eternal life ay masusumpungan ng siyam na beses. Ngunit sa lahat ng labimpitong lugar na ito, sinasalin nila ang parehong salitang Griyego: zoen aionion.
Ni wala nga kahit isang beses na gamit ng everlasting life sa Juan ng NASB, NET, HCSB, ESV, LEB at CEB. Sinalin nila ang zoen aionion bilang eternal life sa lahat ng labimpitong lugar. Ang NIV ay minsang nagsalin ng everlasting life sa Juan (Juan 6:47).
Hindi ko alam kung bakit may ganitong mga pagbabagong salin. Mas nais kong isalin ang zoen aionion bilang everlasting life.i Ngunit ang salitang eternal life ay nagbibigay ng parehong basikong ideya.
Ang tanong na nais sagutin ng artikulong ito ay kung ilan sa tatlumpong gamit ng salitang buhay (zoe) sa Evangelio ni Juan ang tumutukoy sa everlasting/eternal life (buhay na walang hanggan/eternal na buhay/buhay magpakilan pa man).
Ang sagot ay: halos kalahati sa mga ito. Narito ang labing-apat na gamit na tiyak na pantukoy sa buhay na walang hanggan:
Juan 1:4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
Juan 3:36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
Juan 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Juan 5:39-40 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. Isa 34:16; Luke 16:29; Acts 17:11; Deut 18:18; Luke 24:27; John 1:45; 40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.
Juan 6:33 Sapagka’t ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.
Juan 6:35 Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw.
Juan 6:48 Ako ang tinapay ng kabuhayan.
Juan 6:51 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.
Juan 6:53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
Juan 10:10b Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
Juan 11:25a Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan.
Juan 14:6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
Juan 20:31 Nguni’t ang mga ito ay nangasulat, upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.
May tatlo pang gamit na marahil ay pantukoy sa buhay na walang hanggan (Juan 5:21, dalawang beses, Juan 5:29).
Ang pangako ng buhay na walang hanggan ay hindi lamang labimpitong ulit sa Evangelio ni Juan. Ito ay masusumpungan ng mahigit tatlumpong beses kapag binilang natin ang mga lugar kung saan ang salitang buhay ay mayroong parehong signipikansiya.
Mayroon ba sa tatlumpong gamit ng salitang buhay na walang pang-uri ang iyong paborito sa Juan? Oo para sa akin. Lalong lao na ang Juan 5:24 (lumipat mula sa kamatayan patungo sa buhay), Juan 5:40 (ang paglapit kay Jesus upang magkaroon ng buhay), Juan 6:35, 48 (“Ako ang tinapay ng buhay”), Juan 10:10b (na kayo ay magkaroon ng buhay at ng kasaganaan nito), Juan 11:25 (“Ako ang buhay at ang pagkabuhay ng maguli”), Juan 14:6 (“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay…”), at Juan 20:31 (“at sa pananampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniyang pangalan”).
Buhay. Buhay na walang hanggan. Ito ang ipinangako ng Panginoong Jesus sa lahat nang nanampalataya sa Kaniya. Wow! Sana ay wag mawala sa ating paningin ang kahanga-hangang pangakong ito.
________
- Ang pang-uring eternal ay nagmumungkahi ng kawalan ng katapusan sa parehong direksiyon. Ito ay nagpapahiwatig na ang tao ay taglay ang buhay na ito mula sa simula. Hindi ito totoo para sa mga mananampalataya. Ang pang-uring everlasting ay nagmumungkahi ng buhay na walang katapusan. Ito ay totoo para sa mga mananampalataya. Ang Diyos ay eternal. Tayo ay hindi. Ngunit mayroon tayong buhay na walang katapusan.