Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
Si Jesus ba, sa pamamagitan ng pagbuhos ng KanIyang dugo para sa atin, ay nagbayad ng penalidad para sa ating mga kasalanan?
Narinig ko ang mga mangangaral at teologong sinasabi ito nang daan-daang beses. Ikaw rin. Pero totoo ba ito?
Isang mahalagang talata na madalas banggitin ay Juan 1:29 (tingnan sa itaas). Ngunit sinasabi ba ng Juan 1:29 ang tungkol sa penalidad para sa ating mga kasalanan? Hindi, wala. Ang pag-aalis ng kasalanan ay hindi katulad ng pag-aalis ng penalidad.
Si Raymond Brown ay nagkomento tungkol sa salitang isahan, ang kasalanan, “ang isahan ay tumutukoy sa isang makasalanang kalagayan” samantalang ang pangmaramihan, mga kasalanan, “ay tumutukoy sa mga makasalanang gawa” (John I-XII, p. 56).
Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan sa krus, inalis ni Jesus ang ating makasalanang kalagayan sa diwang inalis Niya ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan natin at ng Diyos (cf. 1 Juan 2:2).
Siyempre, imposibleng basahin ang Bibliya at magkonklusiyong walang parusa para sa ating mga kasalanan. Ang parusa sa pagpatay ay kamatayan, magpa-mananampalataya man o hindi. Alam nating “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Namamatay tayo dahil nagkakasala tayo (tingnan ang Genesis 5 at ang ekspresyong “at siya’y namatay”).
Isipin si Nadab at Abihu sa Levitico 10. Kinuha ng Panginoon ang kanilang mga buhay dahil nag-alay sila ng banyagang apoy. Isipin mo sina Ananias at Safira sa Mga Gawa 5. Kinuha ng Panginoon ang kanilang mga buhay dahil nagsinungaling sila tungkol sa halagang natanggap nila mula sa pagbebenta ng ilang lupain.
Sinabi ni Pablo sa 1 Cor 11:30 na dahil sa hindi paggalang ng mga mananampalataya sa Corinto sa Hapunan ng Panginoon–may ilan pang lasing–may mga mananampalatayang nagkasakit, at may ilan pang namatay.
Basahin ang 2 Samuel. Ang mgga kabanata 1-10 ay tungkol sa pag-akyat ni David. Lahat ay bumubuti taon-taon. Pagkatapos, nagkasala si David ng pangangalunya at pagpatay. Matapos siyang komprontahin ng propetang si Natan, inamin niya ang kaniyang mga kasalanan at pinatawad siya ng Diyos. Hindi kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay ayon sa itinakda ng kautusan. Ngunit maraming parusa ang sumunod. Ang kaniyang unang anak kay Bathsheba ay namatay. Nag-rebelde si Absalom, pagkatapos ay namatay. Ang huling labindalawang kabanata ng 2 Samuel ay tungkol sa pagbaba ni David.
Maraming mali ang akalang ang kasalanan ang naglalayo sa atin sa Diyos. Ngunit ang punto ng Juan 1:29 ay hindi na tayo hinihiwalay ng ating kasalanan mula sa Diyos. Sa pamamagitan ng Kaniyang nabubong dugo, inalis ng Panginoong Jesus ang hadlang ng kasalanan.
Kung ganuon, ano ang naghihiwalay sa atin sa Diyos, kung hindi ang ating mga kasalanan?
Tayo ay patay espiritwal hiwalay sa pananampalataya kay Cristo. Wala tayo ng Kaniyang buhay. Ang naghihiwalay sa atin mula sa Diyos ay ang ating espirituwal na kamatayan, hindi ang ating mga kasalanan. Ang isyu sa ebanghelismo ay hindi ang ating kasalanan. Ang ating mga kasalanan ay hindi na hadlang. Ang isyu sa ebanghelismo ay patay tayo, at kailangan natin ng buhay. Tingnan ang Juan 3:14-18; 5:24; 6:47; 11:25-27; 20:31; Efeso 2:1-5 (“kayo’y mga patay…binuhay ng Diyos na kalakip ni Cristo…”).
Ang salitang penalidad ay lumalabas lamang ng makatlong beses sa NKJV. Ang Bilang 35:30 ay tumutukoy sa parusang kamatayan. Ang Ezekiel 23:35 ay nagsasabi, “Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios: ‘Sapagka’t Ako’y iyong nilimot, at tinalikdan mo Ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid.’” Ang Roma 1:27 ay nagsasalita tungkol sa mga lalaking homosekswal na tumatanggap ng “sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.”
Ang salitang binayaran ay lumalabas lamang ng apat na beses sa BT at hindi kailanman tumutukoy sa pagbabayad ni Jesus para sa ating mga kasalanan (Mat 5:26; Lukas 12:59; Heb 7:9; 12:9). Ang salitang binabayaran ay lumalabas nang labing-anim na beses sa BT at hindi kailanman tumutukoy sa pagbabayad ni Jesus para sa ating mga kasalanan. Lahat ng labing-anim na paglitaw ay tumutukoy sa mga taong nagbabayad ng isang bagay (utang, buwis, mga gastos).
Bakit ito mahalaga? Dahil aanihin natin ang bunga ng ating itinanim, sa buhay na ito at sa buhay na darating (mga gantimpala sa Bema). Kung mali ang ating pag-iisip na maaari tayong magkasala nang walang kaparusahan, tayo ay magdudulot ng malaking pinsala. Ang biyaya ay hindi lisensya para magkasala. Ang kasalanan ay may kabayaran. Tingnan ang San 1:15.
Maliban sa Juan 1:29, anong mga Kasulatan ang ginagamit ng mga tao upang iturong binayaran ni Jesus ang penalidad para sa ating mga kasalanan? Sa ikalawang bahagi, titingnan ko ang tatlong iba pang karaniwang binabanggit na mga teksto at ipakikita ko kung bakit hindi rin nila itinuturong inalis ni Jesus ang penalidad para sa ating mga kasalanan.
Manatiling nakapokus sa biyaya at ikaw ay maghahangad ng mabilis na pagbabalik ni Cristo at para sabihin Niyang, “Magaling, mabuting lingkod.”





