Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Bilangguang Teolohikal

Bilangguang Teolohikal

July 2, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Marami sa ating may nakasalamuhang mga taong bilanggo sa isang bilangguang teolohikal. Naniniwala ang mga Calvinistang pinili ng Diyos ang mga papasok sa Kaniyang kaharian bago pa sila ipinanganak. Kung ikaw ay pinili, siguradong pasok ka. Kung hindi, gugugulin mo ang eternidad sa Lawa ng Apoy. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng Calvinismo at ng Lordship Salvation na kung isa ka sa mapalad na pinili, ikaw ay mamumuhay nang banal na pamumuhay. Gagawin mo ito hanggang sa araw na ikaw ay mamatay. Ngunit dahil sa lahat ay nagkakasala, kahit ang mga pinili, nandiyan lagi ang kwestiyon kung ikaw ba ay namumuhay nang ayon sa pamantayang iyan.

Isipin mo ang pamumuhay sa ganiyang bilangguang teolohikal. Hindi mo alam kung ikaw ay pinili. Hindi mo alam kung namumuhay ka nang sapat na banal na pamumuhay. Hindi mo alam kung maipagpapatuloy mo ang pamumuhay na ito. Nasumpungan mo ang iyong sarili sa isang nakahihilakbot na selda sa isang marahas na bilangguan. Ang tamang pagkaunawa at pananampalataya sa sitas gaya ng Juan 3:16 ay magpapalaya sa iyo mula sa bilangguang iyan, ngunit hindi ka pinahihintulutan ng iyong tradisyong teolohikal na sampalatayahan ito.

Kamakailan narinig ko ang patungkol kay Steve Lawson, isang pangunahing halimbawa kung gaano katerible ang ganitong pamumuhay. Sa loob ng halos apat na dekada, siya ay lubog sa bilangguang iyan. Ipinangaral at tinuro niya ang mga paniniwalang ito at sumulat ng mga aklat na sumusuporta sa mga ito. Ganito rin ang gawa ng kaniyang pinakamalapit na mga kasama.

Noong isang taon, nahayag na hindi niya isinasapamuhay ang kaniyang ipinapangaral. Siya ay nagtalusira laban sa kaniyang asawa at mayroong ugnayan sa ibang babae. Sa loob ng apatnapung taon, tinuro niyang hindi ito magagawa ng isang pinili. Ang isang nakikiapid ay hindi natupad ang mga pamantayan ng kabanalang kailangan upang makapasok sa kaharian. Isipin ninyo ang takot na kaniyang naranasan. Wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang maglagom na siya ay hindi bahagi ng maswerteng pinili.

Hindi nakapagtataka, ang kaniyang mga ginagalang na kasama ay tumalikod sa kaniya. Sinabi nilang siya ay mapag-imbabaw at huwad. Ang kaniyang mga matagal nang kaibigan ay nagpahayag sa publikong siya ay tiyak na masusunog sa impiyerno magpakailan pa man.

Nang marinig ko ito, napapaisip ako kung ano ang iniisip ni Lawson. Nakita niya bang ang mga nagkondena sa kaniya ay mga makasalanan din? Alam kaya niya kung ang ilan sa kaniyang mga estudyante ay adik sa pornograpiya o nakikibaka sa ibang kasalanan gaya ng kapalaluan? Ano kaya nag kaniyang iniisip tungkol sa kaniyang mga kaibigang nagkaroon din ng ugnayan sa iba? Ang mga humatol ba sa kaniya ay natutupad din ang mga pamantayan ng kabanalang hinihingi nila sa kaniya? Natanto kaya niyang tayong lahat ay mga makasalanang may mga paang gawa sa luwad? Wala sa ating magnanais na mahayag ang ating mga panloob na isipan at aksiyon sa publikong kondenasyon.

Ang pagpapaimbabaw ng kaniyang mga hukom ay maaaring magtulak sa isang kagaya ni Lawson na iwan ang kaniyang bilangguan. Maganda sana kung ang kaniyang kasalanan ay magtulak sa kaniya upang matantong hindi niya kayang umabot. Maaari niyang basahin ang Juan 3:16 at makita kung ano talaga ang sinasabi nito: Ang sinumang manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay may buhay na walang hanggan. Hindi dapat matakot ang mananampalatayang hindi siya pinili ng Diyos. Na ang mananampalataya ay hindi kailangang tumingin sa kaniyang napakaraming kasalanan at magpalagay na siya ay hindi umabot sa pamantayan ng mga nagmamatuwid sa kanilang mga sarili at ipokritikal na saloobin ng iba. Tinanggap natin ang buhay na walang hanggan sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang Anak para rito. Kung ginawa ito ni Lawson, ito sana ang susi sa kaniyang kinabibilangguang selda. Makalalaya sana siya.

Subalit, nitong linggo, nag-twit si Lawson na hindi niya pinagdaanan ang prosesong ito. Naghintay siya ng halos pitong buwan bago publikong sagutin kung ano ang nangyari. Kinumpisal niya ang kaniyang kasalanan, ngunit gaya ng isang mabuting Calvinista, pinaliwanag niya kung bakit natagalan siya. Sinabi niyang, “kailangan kong siyasatin ang aking kaluluwa kung ang aking pagsisisi ay tunay.”

Siya ay nasa kaniya pa ring bilangguang selda. Sa kaniyang isipan, ang pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan ay hindi sapat. Kailangan niyang malaman kung ang kaniyang pagsisisi ay tunay. Tanging ang pinili ang tunay na makapagsisisi. Ngunit ano ang ibig sabihin nito? Sapat na ba ang kaniyang pinamalas na kalungkutan? Sapat na ba ang kaniyang paghampas sa sarili? Sapat na ba ang bilang ng kaniyang paghingi ng tawad sa kaniyang asawa? Nabura na ba niya ang mga seksuwal na imahen sa kaniyang isipan? Mas gusto niya bang makasama ang ibang babae? Paano mo susukatin ang mga ito? Siguradong sasabihin ng kaniyang mga kasamang ang kaniyang pagsisisi ay hindi “tunay.” Masyado na siyang matanda, at huli na ang lahat. Pinakita niya ang kaniyang tunay na sarili bilang hindi pinili. Hanggang nakakulong siya sa seldang ito, lagi siyang mapapaisip ng mga kaparehong bagay.

Ang mga tao ng biyaya ay dapat maawa kay Lawson. Ang kaniyang mga aksiyon ay nakahihiya. Tiyak akong dinurog niya ang pinakamalapit sa kaniya at binigyan sila ng matinding sakit. Wala akong dudang lubos siyang nalulungkot sa kaniyang ginawa.

Madaling sumakay sa kariton ng paghatol. Ngunit umaasa akong nauunawaan nating kaya nating gawin ang mga kaparehong bagay.

Gaano man kasama ang mga aksiyon ni Lawson, hindi ito ang pinakamalungkot na bahagi ng kaniyang buhay, at ni hindi niya nakikita ang mga ito. Siya ay alipin ng isang marahas na teolohiya. Ang mga ginagalang niya ay nagsasabing tutungo siya sa impiyerno. Iniisip niyang marahil ay tama sila. Umaasa akong ang liwanag ng biyaya ng Diyos ang babasag sa kadiliman ng kaniyang selda.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram